Black Note - Author's note

106K 1.1K 204
                                    

WARNING: Ang gwapo ni Clifford. Hahaha. Dejoke. Okay corny.

To my beloved readers,

O dun sa mga nagsasabing hihintayin nila matapos ang My Black Guy bago basahin kasi ang tagal ng ng updates ko, basahin niyo na po! Hahahaha. :))))))))))))))))

Ako na magsasabi, ang funny ng title noh? Kasi kung hindi mo babasahin ang story ang iisipin mo the story is about a Black Guy – literally, lalaking maitim. Naalala ko tuloy yung nagsabing nag-GM siya about MBG tapos ang akala nung friends niya may crush siya sa guy na maitim. Hahahaha, okay pasensiya na sa pag-iisip ko kung bakit naging ganyan ang title, pagbigyan. Pero bakit, wala namang masama sa maitim ah. ‘Wag ho kayong racist ha, bad ‘yon.

Itatanong niyo ba kung paano ako nag-come up sa ganitong story? Sa totoo lang kasi bigla na lang pumasok sa isip ko yung break up line ni Penelope na,

"Eh kasi kinakahiya kita!"

I find it painful to hear kasi eh. So dahil dyan napa-type na lang ako bigla ng first chapter, 'di ba nga kasi na-delay ang prologue ko hahaha.

Alam ko marami nagsasabi o nag-iisip na ang MBG ay, "Parang SDTG", "Parang TBYD" as I said inspired po sa mga stories na iyon ang MBG pero hindi naman po ito totally kagaya nung kanila kasi bigatin ho yung mga 'yon mga brad. As a reader of those stories yes gangster theme po parehas and the way the main characters met and maybe also how their relationship started is the same BUT sa palagay ko ho eh ang TBYD at SDTG po ay serious stories po and magkakaiba naman po ng nangyari. Serious matter yung kanila and talaga namang maganda yung gawa nila. Itong MBG ko naman ho kasi eh may halong kalokohan eh, ewan ko pero nadadala ko kasi yung humor ko sa story. At isa pa po, we ended our stories differently naman po eh 'di ba? So ayon ho, ayoko ho talaga i-compare ang story ko sa story nila kasi masyadong maganda yung kanila at talaga namang mataas ang tingin sa kanila. Sinasabi ko ho to kasi may mga nababasa akong ganoong comments so ayon sinasagot ko lang ngayon.

Alam ko rin ho na may mga napangitan sa ending. Pasensiya na ho kung ampanget pero kanya kanyang trip lang ho yan. If I wasn't able to meet your expectations then sorry I didn't write this story to meet those. Hindi ho sa nagmama-angas ako nagsasabi lang ng totoo.

Hindi ho ito isang rant post. Kasi nagpapasalamat din ho ako sa lahat ng sumuporta ng MBG!! Maraming maraming salamat! Hindi ko inakala na aabot sa ganto tong story na 'to. Kahit na madaming naiinis kasi ang bagal bagal ko mag-update, sorry na! Hahaha. Pasensiya na ho at maraming salamat!!

Nakakatuwa rin yung mga snasabi niyong marami kayong natutunan sa MBG hindi lang sa love. I'm glad na na-a-apply niyo 'yon sa buhay. Sana nga ho eh gamitin niyo talaga yung mga natutunan niyo sa story ko. Ang sarap sa feeling kapag na-i-inspire mo yung iba. Heaven! Chos.

Sa mga napatawa ko naman, hehehehe nakakatuwa kayo swear! =))))))) Ganyan ho talaga kasi ako eh. 'Pag may writing activity nga sa school eh alam na agad nila na ako yung gumawa 'pag may pagka-pilosopo o puro kalokohan yung nakalagay. 'Di ko alam kung matutuwa ako o hinde. Hahaha.

O kitakits ho tayo 'pag may mga KathNiel event ha!! :)))))) Nagpupunta rin naman ako eh 'pag pinapayagan ako. Sayang 'di tuloy yung GFD sa September 14. Uy sino pumunta nung Fan Mag Con ni DJ sa Skydome? Pumunta ako non!! Guess what? Hindi ako nakapasok leche. Hahahaha. Tagal tagal ko nakapila tapos 'di rin ako nakapasok. Spell malas. Kainis.

Nagpapasalamat ako sa lahat ng nakaka-appreciate at natutuwa sa mga gawa ko. Pasensiya na nga ho pala kung maraming mura sa story na 'to. Okay to be honest, hindi ako pwede mag-mura sa bahay kaya ewan ko na lang 'pag nabasa ng parents ko 'tong story ko hahahahaha. Salamat ho talaga kung alam niyo lang kung gaano ako na-o-overwhelm. Hindi ko man po kayo lahat nare-reply-an, thankful pa rin ho ako sa inyo. Maraming maraming salamat po!!

NOTES:

1.       Sa mga special chapters po eh doon ko tatapusin yung mga unfinished side stories (Not in chronological order):

RoBianKats
Lester – Amy
Sam – Thiffany
Betchay – Khalil (As requested)
Julia – Jerome
Enrique – Someone
Janella – Mortel
PenFord’s Wedding

2.       Hindi ko pa po alam kung kailan ko mauumpisahan ang pag-update sa Special Chapters kasi sa ngayon ho ang focus ko eh matapos at makapag-pasa ng lahat ng requirements na kailangan ko sa school. Mga brad, siyempre college na ho kailangan ko unahin ‘yon. Kailangan grumaduate. Hahaha.

3.       CASIMIR’S LOVE STORY:

Ang title po non ay, “The Destroyer”.  Again, hindi ko rin ho alam kung kailan ko ‘yon mauumpisahan, kasi nga ho acads pa rin eh ‘di ba? Sige baka next year, chos!! Basta abangan niyo na lang ho ipo-post ko na lang ‘yon basta, or pwede ring tignan niyo na lang sa profile ko kung meron na hahaha.

4.       Ang plano ko ho kasi, siyempre malaki na si Casimir sa “The Destroyer”, eh KN pa rin ang bida. KathNiel pa rin po. Sorry po kung ang ine-expect niyo ay bago na, pero kasi ‘yon po talaga ang plano ko and I will stick to that plan. Pero maiiba na lang siguro yung mga other characters. Ayoko muna mag-spoil kasi wala ng thrill ‘pag nag-post na ako.

5.       Hindi ho ako nagsabi ng DATE o TIME kasi ayoko ng ganon. Ayoko nagsasabi kasi baka mamaya hindi ko rin naman magawa. Ayoko ho mag-paasa. Ayoko magsalita ng tapos.

Sana ho nagkakaintindihan tayong lahat. Ayon lamang. Pansamantala po munang hindi ako mag-o-online sa wattpad. Tatapusin ko muna ang mga dapat tapusin, uunahin ang dapat unahin. Sa FB group and FB Page na lang ho tayo mag-kamustahan. Salamat.

Again, thank you talaga sa inyong lahat!! Maraming salamat sa suporta niyo ha! Mahal ko ho kayo!! See you sa special chapters and The Destroyer. Sana ho suportahan niyo rin po ako sa paggawa ng “Black Series II: The Destroyer” at sa iba ko pang future stories!

MARAMING SALAMAT HO!! :* :))))))))

♥,

littlemissselle

PS. Ipa-publish ho ang MBG... joke lang.

PPS. Gagawin hong movie ang MBG... joke lang.

PPPS. Wag kayo maniwala.

***

Itanong mo sa akin, kung sinong aking mahal. Itanong mo sa akin, sagot ko'y di magtatagal.. Kayo ang aking mahal. Ang pagibig niyo'y aking kailangan. Pag-ibig na walang hangganan ang aking tunay na nararamdaman.

Echos lang! :)))))))))

My Black GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon