MBG - 38

169K 1.7K 311
                                    

CHAPTER 38

DANIEL'S POV

Ang sakit ng likod ko. Nakakainis. Ano bang nangyari?

Nang medyo magkamalay ako.

Nasa isang kama ako.

Putek!! Iba na din ang suot ko!? Naka formal attire ako. Black pants, white vneck shirt and suit, leather shoes pa. Well, medyo okay na yon kesa wala akong suot. Pero ang mas nakakabadtrip, naka posas ang isa kong kamay sa may gilid ng kama. Wow. Takot talaga matakasan.

Hindi na ko magtataka kung bakit andito ako? Trip nanaman ako ng tatay ko. Naalala ko yung mga pagmumukha ng mga tauhan niya na kumuha sakin.

Ang laki talaga niyang EPAL.                              

Kamusta kaya si Penelo-..

"Aish!!! Nakaka-gago talaga!!" nasigaw ko na lang.

Si Penelope! Magkikita nga pala dapat kami! Napano kaya yon dun?

Hala baka nagtatampo na yun!

Panira talaga poreber!!

Kinapa ko ang bulsa ng pantalon ko. Pero walang laman. Isang kamay lang naman ang nakaposas kaya binuksan ko ang drawer na nasa tabi ko pero walang ibang laman kundi remote control.

"Walang kwenta!"

My Black GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon