A/N; A beautiful reminder from a beautiful author, you will encounter lots of typo and grammatical error for this chapter ❤️
Keep Reading Reader's Lovelots❤️
Prescilla Pov,
Pagkatapos ko maglinis ay umupo muna ako sa higaan ni sir kasi naman pagod na pagod na talaga ako
"Grabe naman kasi si boss kung makautos parang timang sunod sunod!" Ungot na sabi ko tapos ay humiga muna ako para makapagpahinga hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako
Paggising ko ay tinignan ko yung orasan at halos manlamig ako ng makitang ala sais na, ibig sabihin ilang minuto nalang uuwi na si boss tapos wala pa syang pagkain huwaaaaaa baka sapakin na ako nun
Dali dali akong tumayo sa higaan ni boss at inayos yung bedsheet na nagulo pagkatapos ay agad akong lumabas ng kwarto papunta sa kusina
Bago pa man makarating sa kusina ay nakasalubong ko si maria
"Maria anong paborito ni boss kainin kapag gabi?" Tanong ko sa kanya ng harangan ko sya
Sya naman ay humawak sa baba nya bago tumingin sa sahig na para bang nag iisip
"Ang alam ko hindi masyadong nakain si sir ng pagkain sa gabi basta deretso tulog na sya kasi wala namang nakakapasok sa kwarto nya kaya ayun hindi na sya nakakain!" Sabi nya kaya naman nanlaki ang mata ko
"Ano??! Hindi sya nakain tsk talaga naman kung magkasakit sya?" Inis na sabi ko
"Ay galit ka nyan?" Tanong nya sakin kaya naman umiling ako
"Hindi ano lang nagulat ako tas nainis kasi paano kung magkasakit sya?" Tanong ko dito pero nag ewan lang naman sya sakin kaya napabuntong hininga ako
"Sige salamat nalang magluluto na ako!" Sabi ko at tumango naman sya kaya umalis na ako at dumeretso sa kusina
Pumunta muna ako sa harap ng ref bago pumasok sa loob nun, malaki kasi yung ref kaya naman pwede kang pumasok sa loob daig mo pa nasa isang kwarto kapag nasa loob ka ng ref pinagkaiba lang malamig dito
Kumuha ako ng kunting baboy bago lumabas at kumuha ng ilanh ingredients tulad ng toyo, gata, asukal, sibuyas, bawang, paminta, kalamansi, suka at mantika
Pagkakuha ko ng mga ingredients ay kumuha ako ng kawali pagkatapos ay sandok pero bago ako magluto ay kumuha muna ako ng isang mangkok bago ilagay yung baboy na hiniwa ko ng malilit pagkatapos ay nilagyan ko ng toyo ay kalamansi para mababad kahit papaano para mas sumarap yung luto pagkatapos kong gawin yun ay tiyaka ko binuksan yung isang stove at nilagay sa ibabaw yung kawali
Nang makita kong nausok na ng kunti yung kawali ay nilagay ko na yung mantika tapos ay bawang at sibuyas na hiniwa ko bago haluin ito para maluto ng kunti
Medyo hininaan ko yung apoy para hindi mabigla yung bawang at sibuyas at para syempre iwas sunog din dun sa dalawang sangkap
Nang makita kong medyo luto na ang bawang at sibuyas ay sunod kong nilagay yung baboy na may babad na kalamansi at toyo pero sinama ko pati yung toyo at kalamansi yung buto lang ng kalamansi ang tinanggal ko pagkatapos ay kumuha ako ng kunting tubig at nilagyan ko sya tapos ay nilagay ko narin yung paminta at nilagyan ko sya ng dalawang kutsarang asukal at inantay kumulo
Pagkakulo nung baboy ay binuksan ko na yung takip pagkatapos ay nilagay ko na yung gata, kunting suka tapos ay hinalo ko ito ng dahan dahan bago uli takpan
Habang inaantay ko maluto yung baboy ay kumuha na ako ng plato ni boss pagkatapos ay kumuha ako ng kanin at kumuha narin ako ng isang baso pagkatapos ay kumuha ako ng kunting crashed ice bago lagyan ng pineapple juice kasi ito yung alam ko na ginagawa ni nanay kay tatay kapag medyo pagod sya pampabawas stress din
YOU ARE READING
Im His Personal Maid
RomanceNaranasan mo na bang magtrabaho sa isang pinakamayaman at pinaka maimpluwensyang tao sa buong mundo?? Sa tingin mo kapag nag trabaho ka kaya sa ganyan kaimpluwensyang tao mahihirapan ka kaya?? O magiging masarap din ang buhay mo tulad ng amo mo?? Pe...