A/N; A beautiful reminder from a beautiful author, you will encounter lots of typo and grammatical error for this chapter ❤️
Keep Reading Reader's Lovelots❤️
Prescilla Pov,
3 weeks later
Andito ko ngayon sa kusina nagluluto ng pagkain ng amo ko at ni mam Hellianor
Kung nagtataka kayo kung bakit nandito na naman si mam? Pwes ako rin nagtataka
Akala ko ok na kami eh sabi nya mahal nya ako, sabi nya gusto nya ako mula noon pa pero putek nakakatawa lang isipin na matapos namin mag confess sa isa't-isa parang natulog lang ako hindi na ako pinansin and worst mag t-tatlong linggo na ng mangyari yun at ako heto pinapahirapan
Hindi ko naman iniinda kasi para sakin baka kasi busy lang sya sa company nila kaya siguro laging galit o mainit ang ulo
Hinayaan ko naman ang pinagtataka ko lang bakit kailangan tumira uli dito sa pamamahay ni boss samantalang nung nakaraan eh galit na galit pa sya dito
Napabuntong hininga nalang ako sa mga tanong na pumapasok sa isip ko
"Hey!" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko na si kuya xander ito
"Mag iisang oras kana rito sa kusina ah anong niluluto mo?" Tanong nito sakin kaya naman napangiti ako
"Bulalo specialty ko gusto ko sana ipatikim sa kanila matagal nga lang kasi pinapalambot ko pa yung baka!" Sabi ko kay kuya xander kaya naman tumango tango sya
"Kamusta kana?" Tanong nito sakin kaya naman ngumiti ako bago sumagot
"Ito ok naman buhay pa!" Sabi ko bago sinamahan ng mahinang pagtawa
"You're not!" Sabi nito kaya naman kumunot ang noo ko na napatingin sa kanya
"Anong you're not?" Tanong ko dito ng naguguluhan
"You're not ok base sa nakikita ko malungkot ka pati ang mga mata mo ganun din!" Sabi nya kaya naman napayuko ako bago ngumuso
"Sino ba namang hindi malulungkot diba? Yung boyfriend mo may kasamang ibang babae lagi!" Sabi ko at pagak na natawa
"Sabagay!" Sabi nya kaya naman ngumiti ako ng peke bago icheck yung niluluto ko
"Hindi naman masamang umiyak ah sa loob ng tatlong linggo na ganun ang lagi mong nakikita ni hindi pa kita nakitang umiyak at magtanong sa kanya!" Sabi nito kaya naman tumingin ako sa kanya
"Matibay ako eh!" Sabi ko bago tumawa
"Hanggat kaya ko hindi ako iiyak, hanggat natitiis ko mananahimik ako!" Sabi ko sa kanya
"Pero diba? May karapatan ka magtanong dahil girlfriend ka ni boss!" Sabi nya kaya naman napanguso ako
"Natatakot ako sa sagot nya tiyaka ano baka kasi kapag nakausap ko sya ng masinsinan umiyak ako maging dahilan pa para sumuko ako!" Sabi ko sa kanya
"Bakit ka susuko?" Tanong nito sakin
"Kasi hindi kaya nito!" Sabi ko bago ituro yung dibdib ko sa may bandang puso
"Hindi ako naiyak physically pero tanungin mo ko emotionally durog na durog na ako!" Sabi ko bago ngumiti ng peke
"Hindi sa lahat ng pagkakataon naiintindihan ko, hindi sa lahat ng oras kaya ko kasi lahat naman may hangganan!" Sabi ko sa kanya at kita ko naman ang pagtitig nito sakin
"Kaya mo pa?" Tanong nito sakin
"Oo naman hindi pa ako naiyak eh ni hindi nga ako nagtanong!" Sabi ko bago ngumiti
"Ok na sakin yun hayaan mo sila baka nga ako lang ang naturing na may relasyon kami pero si boss?? Malabo pa sa tubig kanal yun!" Sabi ko sa kanya
"Hindi ko rin alam kung anong pakay ni mam hellianor basta ang mahalaga hindi nila ako sinasaktan pisikal mahirap na!" Sabi ko sa kanya bago tumawa
"How about emotional?" Tanong nito sakin
"Tired, gusto ko na magpahinga sa totoo lang kasi kung tutuusin mas kakayanin kong saktan ako pisikal kesa emosyonal kasi yung pisikal gagaling pa eh pero yung sa loob ko? Ewan ko nalang!" Sabi ko sa kanya bago ngumiti
"Bakit ayaw mo pang tumigil?" Tanong nito sakin
"Kasi hindi ko pa kaya, mahirap sakin bitawan tong nararamdaman ko na ito, sya yung nagturo nito eh tinuruan nya ako kung paano sya mahalin tapos hindi naman ako tinuruan kung paano aalisin!" Sabi ko habang nakayuko at nangingiligid ang luha
"Alam mo kuya a-ang sakit sobra hindi ko lang gustong ipakita kasi w-wala naman akong karapatan eh sinabi nya na mahal nya ako pero iba ang sinasabi ng kilos nya!" Sabi ko sa kanya bago tumingala para hindi tuluyang mapaluha
"If that is your decision then I will support you but I dont know how long it will take for you to take this kind of situation!" Sabi ni kuya xander kaya naman ngumiti ako nago tumango
"Sige kuya maghahain pa kasi ako!" Sabi ko sa kanya bago kumuha ng isang malaking bowl at sumandok sa ulam na niluluto ko
"Kuha ka nalang kuya kung gusto mo wag ka mag alala masarap yan!" Sabi ko bago ngumiti kaya naman tumango sya at nagpaalam muna na kakausapin si boss kaya naman tumango ako
Napabuntong hininga nalang ako ng mag isa nalang ako sa kusina
Hindi madali sakin itong nakikita at nararamdaman ko pero hanggat kaya ko mananahimik ako at hindi kikibo dahil para sakin kung ano man ang desisyon nila tatanggapin ko
Hindi ko alam kung may naging mali ba ako o sadyang natauhan si boss na mas naisip nyang mas magiging maganda buhay nya kay mam hellianor kesa sakin na katulong nya lang
"Sana naman mali ang nasa isip ko!" Mahinang sabi ko bago ilagay sa tray ang bulalo na nasa bowl na malaki pagkatapos ay kanin na nasa isang plato, naghanda din ako ng baso kutsara at dalawang plato uli
Pagkaayos ko ng mga dadalhin sa kwarto ni boss ay binuhat ko na ito at lumakad papunta sa direksyon na pinaglulugaran ni mam at boss
*****
YOU ARE READING
Im His Personal Maid
RomanceNaranasan mo na bang magtrabaho sa isang pinakamayaman at pinaka maimpluwensyang tao sa buong mundo?? Sa tingin mo kapag nag trabaho ka kaya sa ganyan kaimpluwensyang tao mahihirapan ka kaya?? O magiging masarap din ang buhay mo tulad ng amo mo?? Pe...