A/N; A beautiful reminder from a beautiful author, you will encounter lots of typo and grammatical error for this chapter ❤️
Keep Reading Reader's Lovelots❤️
Prescilla Pov,
Naalimpungatan ako ng makarinig ng iba't-ibang boses kaya naman dahan dahan kung minulat ang mata ko
Ang una kung nakita ay isang lalake pero blurred ang itsura nito kaya naman pumikit ako at inalala kung nasan nga ba ako
Sinubukan kung galawin yung kamay ko ngunit napangiwi ako ng makaramdam ng hapdi at dun ko napagtanto na nakatali pala yung mga kamay ko
Bigla naman akong kinabahan dahil dun lalo na ng magsink-in na sakin kung nasaan ako at kung bakit nakatali ang mga kamay ko
"Gising na ata sya!" Rinig kong sabi ng isang lalake pero hindi ko iminulat ang mata ko dahil abo't-abot ang kaba na nararamdaman ko
"Buhusan nyo ng tubig!" Rinig kong sabi ng isang babae kaya naman napamulat ako ng biglang may tubig na bumuhos sa mukha ko dahilan para mapaubo ako at mapayuko
Unti-unti kong iminulat ang mata ko bago dahan dahang iangat ang ulo ko at ang unang bumungad sakin ay apat na lalake at sa gitna nun ay si mam hellianor
"M-mam!" Mahinang sabi ko sa kanya pero bakas ang gulat sa mukha ko
Nagtataka ako kasi bakit nya nagawa ito? Anong maling nagawa ko sa kanya? Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon dahil sa kabang nararamdaman ko
Jefferson pls tulungan mo ko
"You bitch!" Galit na sabi nito bago ako biglang sugudin at sabunutan kaya naman napasigaw ako sa sakit
Putek pasalamat ka nakatali ako kung hindi kalbo dating mo sakin
"A-aray ano ba?!" Galit na sigaw ko putek naman kasi ang sakit
"Aba't ang tapang mo pa ah!" Galit na galit na sabi nito bago ako sampalin ng malakas
"A-ano bang ginawa k-ko sayo?" Tanong ko dito bago dahan dahang tumingin, napangiwi naman ako ng maramdaman ang sakit sa pisnge ko na dulot ng sampal nito
"Inagaw mo sakin si jefferson!" Galit na sabi nito kaya naman napaikot ako ng mata
"Hindi naman sya sayo!" Inis na sabi ko kaya naman sinampal na naman uli ako nito
Putek nayan humanda ka sakin kapag nakawala ako dito, singit mulang ang walang latay
"Akin sya una palang, ikakasal na dapat kami kung hindi ka dumating!" Sabi nya kaya naman napahalakhak ako, kahit na kinakabahan ako ay natatawa ako sa sinasabi nya
At mukhang natahimik sya dahil sa pagtawa ko pero ang tingin nya ay halos patayin ako kaya naman tumikhim ako bago magsalita
"Una wala akong inaagaw sayo, pangalawa alam natin pareho na engaged lang kayo dahil sa magulang at pangatlo alam natin na mas mahal ako ni jefferson!" Seryosong sabi ko kaya naman lalo syang namula sa galit
"Dahil nilandi mo sya kung hindi mo sya nilando ay kami sana ang ikakasal!" Galit na sabi nito kaya naman napaikot ako ng mata
Kitid ng utak putek
"Hayst ewan sayo hellianor bahala ka sa buhay mo!" Bored na sabi ko at oo hindi ko na sya tinatawag na mam, wala naman syang karapatang tawagin yun putek nayan mapanakit
"Dahil sa ginawa mo sa buhay ko ngayon magdudusa ka!" Seryosong sabi nito at bigla syang may tinawag kaya naman tumingin ako dun sa taong lumabas sa isang pinto
YOU ARE READING
Im His Personal Maid
RomanceNaranasan mo na bang magtrabaho sa isang pinakamayaman at pinaka maimpluwensyang tao sa buong mundo?? Sa tingin mo kapag nag trabaho ka kaya sa ganyan kaimpluwensyang tao mahihirapan ka kaya?? O magiging masarap din ang buhay mo tulad ng amo mo?? Pe...