Chapter Twelve

5.8K 150 4
                                    

A/N; A beautiful reminder from a beautiful author, you will encounter lots of typo and grammatical error for this chapter ❤️

Keep Reading Reader's Lovelots❤️

Prescilla Pov,

Pagdating ko sa may kusina ay nandun lahat ng maid pati ng ilang tauhan dito sa bahay kaya naman nalito ako

Biglang meeting nice

"Guys ito nga pala si prescilla personal maid ni sir jefferson!" Pakilala sakin ni maria kaya naman tumingin lahat sakin kaya ang ginawa ko ay yumuko bago magpakilala

"Hello po My name Is Prescilla Avery Azarcon nice to meet you po!" Magalang na sabi ko bago iangat yung ulo ko

"Kilala ka namin huwag kang mag alala pero kaya kami nag meeting dito ay dahil para sayo at para din may malaman ka tutal bago ka palang dito!" Sabi ng mayordoma kaya naman tumango ako kahit na naguguluhan

"Ano po iyon?" Naguguluhan na tanong ko

"Hellianor yung kausap mo na nakita ko kanina!" Sabi nung isang maid na mas matangkad uli sakin kaya naman tumingin ako sa kanya

"Ayy oo ang sama nga ng ugali tinawag akong basura wala naman akong ginagawa sa kanya!" Parang batang sumbong ko bago ngumuso

"Ipapakilala namin sya sayo para din iwas ka!" Sabi ni maria kaya naman tumango ako at nakinig ng magsalita si mayordoma

"Siya si Hellianor Castillo, anak sya ng isang Mayor sa isang probinsya, ang magulang nya at ang magulang ni sir Jefferson ay pinagkasundo silang ipakasal ngunit hindi pumapayag si sir Jefferson sapagkat para sa kanya may isang babae daw syang napupusuan at ayaw nya ring makasal sa babaeng hindi naman nya mahal!" Napanguso naman ako ng malaman na feeling lang talaga si mam hellianor

Akala ko talaga fiance na yun pala feeler lang yung babaeng yun

Pero nalungkot ako ng malaman na may napupusuan na pala si boss sungit, hayst sayang kala ko may chance ang beauty ko kaso wala pala

Di bale ang mahalaga maganda ka self

"Pero mag iingat ka sa kanya sapagkat ang alam ko tumawag si Mam Amora at ang sabi ay titira daw muna dito si Hellianor ng isang linggo!" Nung narinig ko yung sinabi nung isang katulong ay hindi agad ako nakakibo syempre dapat chill lang tayo kaya ganto lang ang reaksyon ko

"ANO?!! Putek baka sa halip na mahaba pa buhay ko ay biglang umikli! Bakit? Paano? Hah?" Hysterical na sabi ko sa kanila

Sinong chill hah putek nayan baka mamatay ako ng maaga

"Chill kalang nga kaya nga pinaalalahanan ka namin kasi selosa din yan si mam Hellianor kaya tingin nya lahat ng nadikit kay Sir ay nilalandi sya at kung nagtataka ka kung paano nya nalaman pwes magtaka ka nalang kasi kami din hindi rin namin alam paano nya nalaman na Personal Maid ka ni sir eh!" Sabi ni maria kaya naman napanguso ako

Ayoko nga baka kakaisip dyan sa babaeng yan magka-mingraine pa ako

"Delikado pala buhay ko tsk!" Nababahalang sabi ko

"Huwag kang mag alala lagi ring nakabantay sayo si xander para din alam nya kung sasaktan ka o hindi!" Tinignan ko si mayordoma bago tumingin kay kuya xander at kita ko naman na ngumiti si kuya xander bago tumango

"Ayos may badeh gard ako!" Sabi ko dahilan para matawa yung iba

"Oh sya dahil alam mo na balik na sa trabaho at baka makita pa tayo dito eh tanggalin pa tayo lahat sa trabaho akala eh nakatanga lang tayo dito!" Sabi ni mayordoma at dun ko naalala yung juice na pinapakuha ni sir

"Hala yung juice ni boss baka namatay na sa uhaw yun!" Sabi ko bago dali daling kumuha ng dalawang baso at nilagyan yung dalawa ng juice

Syempre sama na natin si mam for sure naman sa kakapalan ng mukha nun pati pagkain ata na nakahain para sakin eh kinain na nya

Pag akyat ko sa third floor ay dahan dahan lang akong naglakad ng marinig ko na nag uusap sila

Fired him Jefferson

Ayoko

But-

No buts Hellianor I am the one who give her salary so I am the one who decide if I should fire her

Agad akong napangiti dahil sa narinig ko

Tama yan boss paglaban mo ko

Kumatok ako ng ilang beses bago ko buksan ang pinto at nakita ko naman si boss na nakatayo habang si mam Hellianor naman ay nakaupo sa kama ni boss at syempre nakatingin sakin ng masama

Kung nakakamatay lang ang tingin malamang sa alamang pinagburulan na ako

"Sir juice nyo po!" Sabi ko sa kanya at iniabot yung juice

"Bakit dalawa?" Tanong nya kaya naman ngumuso ako

"Kasi po sasabay sana ako kumain kaso may dumating kapong bwisita este bisita kaya po ayorn!" Sabi ko bago ngumiti ng pilit pero umiling lang sya bago ngumiti kaya naman natulala ako

Pakshet may garter naman panty ko diba??

Baka kasi malaglag eh ang gwapo ni boss tapos wala pang halong sarcasm yung ngiti nya as in totoo talaga

"Hala boss ang gwapo mo pala kapag nakangiti mantakin mo yun!" Puring sabi ko kaya naman agad kung pinagsisihan yun dahil isang malamig na tubig o mas ok na sabihing isang juice na malamig ang tumapon sa mukha ko

"Hellianor!" Narinig kong sigaw ni boss

"Ang landi mo talaga eh ano!" Sabi nya at agad akong nakaramdam ng pananakit ng anit ng bigla nitong hilahin ang buhok ko

"A-aray po mam!" Daing ko putek masakit kaya kung di ko lang iniisip na baka matanggalan ako ng trabaho gumanti ako

"Hellianor stop!" Sabi ni boss at agad inihiwalay si mam hellianor sakin

"Ano? Kinakampihan mo yang malanding yan?? Bakit? Masaya ba sya ikama?" Agad nagpantig ang tenga ko sa narinig ko kaya hindi ko naiwasan na sampalin sya

"Prescilla!" Saway ni Boss sakin pero wala sa kanya ang atensyon ko

"Tawagin akong malandi pwede pa, saktan mo ko mam pwede pa kasi sanay ako dun p-pero yung s-sabihan mo ko ng ganyan n-na magaling sa k-kama-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sunod sunod na tumulo ang luha sa pisnge ko, putek ang sakit kasi ni minsan hindi ako napagsalitaan ng ganto

"P-pero ito? T*ngina babae ka p-pa man d-din mam k-kakahiya ka!" Sabi ko hindi ko talaga naiwasan magmura at nakita ko naman na parang walang pake si mam sa sinabi ko dahil tinarayan parin ako nito at dahil wala akong mapapala sa kanya tumingin ako kay boss pero nakita ko lang ang malamig na titig nito sakin kaya naman yumuko ako

"P-patawad po boss sa pananakit kay m-mam hindi ko lang p-po maiwasan!" Hinging paumanhin ko bago iangat ang ulo ko at tumingin kay mam hellianor

"P-patawad din po mam!" Hinging paumanhin ko bago yumuko pagkatapos ay iniangat ko na ang mukha ko at dali daling lumabas ng kwarto ni boss

Umiiyak na pumunta ako ng kwarto ko para din magbihis ng panibagong damit at makapaglinis ng katawan dahil ang lagkit ko na gawa nung juice

Pasalamat ka mam katulong ako kung nagkataon na hindi ako katulong dito sasapakin kita ng matindi tindi

Hindi ko rin maiwasan kabahan kahit naiinis ako sa nangyari dahil alam ko na pagagalitan ako ni boss kapag nagkataon

"Hayst nagpapadala kasi sa galit prescilla!" Inis na saway ko sa sarili ko bago kagatin ang daliri ko

Hobby ko yun kapag nagsisisi ako o kaya naguguilty

Pinagpatuloy ko nalang ang paglilinis ng katawan dahil baka mamaya utusan uli ako













******
















Im His Personal MaidWhere stories live. Discover now