A/N; A beautiful reminder from a beautiful author, you will encounter lots of typo and grammatical error for this chapter ❤️
Keep Reading Reader's Lovelots❤️
Prescilla Pov,
Napatingin ako sa hagdan ng makitang magkasamang bumaba sila mam hellianor at boss
Agad naman akong yumuko at nagdere-deretso ng lakad
Pero ng lalagpasan ko na sila ay tinawag naman ako ni mam hellianor
"Hey maid!" Agad akong tumingin aa kanya
"Bakit po mam?" Mahinhing sabi ko sa kanya
"Cook us dinner aalis lang kami pagbalik namin gusto ko may pagkain na, got it?" Tanong nito sakin sa mataray na tono
"Sige po mam!" Sabi ko bago ngumiti at yumuko bago tumalikod sa kanila at nagderetso sa kusina
Alam ko na nagtataka si boss kung bakit ni hindi ko man lang sya magawang kausapin o tignan pero diba para saan pa? Para saan pa na magpansinan kami kung ikakasal na sya at ang masakit nito ikakasal sya sa taong muntik ng pumatay sakin nung muntik na akong malunod
Minsan talaga kung ano yung akala mo na maganda na, na maayos na, na wala ng problema, yun din pala yung sisira sa mga akala mo
Expect ko kasi ok na kami eh, na akin na sya, na masasabi ko ng boyfriend ko na sya pero hindi pala
Putek nayan hindi pa pala
"Tulala kana naman!" Napatingin ako kay maria ng makita ko ito at hindi ko namalayan na nasa hamba na pala ako ng kusina
"Sorry!" Sabi ko bago mahinang natawa
"Hayst alam mo ate samahan mo nalang ako mamaya!" Sabi nito sakin kaya naman kumunot ang noo ko
"Saan?" Tanong ko dito
"Basta para din makaalis kanaman sa bahay na ito kasi napansin ko simula nung dumating ka dito hindi kana nakalabas ng bahay kaya naman isasama nalang kita!" Sabi nya kaya naman tumango nalang ako
"Sige pero saan ba punta natin?" Tanong ko sa kanya bago tuluyang pumasok sa loob ng kusina
"Sa park!" Sabi nya kaya naman nanlaki ang mata ko at tinignan ko sya ng nanlalaki ang mata
"H-hindi nga?" Nauutal na sabi ko na may halong excitement
"May park itong village natin ate at dun ako lagi natambay kapag may free time ako, hindi nga lang kita maisama kasi lagi kang nawawala sa paningin ko!" Sabi nya sakin kaya naman tumango tango ako
"Sige sama ako magluluto lang ako!" Sabi ko sa kanya
"Sige ate tara samahan mo ako dito at tayo'y magkwentuhan naman!" Excited na sabi nya kaya naman natawa ako
"Kamusta kana pala ate?" Biglang tanong nito sakin habang naghuhuhas ako ng kamay ko
"Ok naman ikaw ba?" Sagot at tanong na pabalik ko sa kanya
"Ok naman ako ate masaya naman kasi nagkikita kami lagi ni kuya!" Sabi nya kaya naman kumunot ang noo ko
"Kuya?" Tanong ko kaya naman natawa sya ng mahina at tinignan ako
"Oo ate may kuya ako at dun sya lagi napunta sa park kaya dun kami nagkikita!" Sabi nito kaya naman napatango tango ako
"Close kayo?" Tanong ko sa kanya
"Oo ate sobra!" Sabi nya kaya naman napangiti ako pero agad ding nawala iyon ng maalala ko si kuya
Kamusta na kaya sya? Ok pa kaya sya? Nasa maayos kaya syang kalagayan? Hindi na kasi kami nagkita magmula nung huling aksidente na pagkakapunta nya dito at binugbog ako
"Ikaw ate may kuya ka?" Tanong nito sakin kaya naman ngumiti ako bago tumango
"Oo kaso kuya-kuyahan lang!" Sabi ko sa kanya
"Bakit ate? Yung totoong kuya, wala?" Tanong nya sakin kaya naman umiling ako
"Wala, ampon kasi ako eh hindi ko kilala kung sino ang totoo kong magulang kaya ayun may umampon sakin tapos may anak sila ayon edi magkakuya ako!" Sabi ko sa kanya kaya naman tumango tango sya
"Nasan na sya ate?" Tanong naman nito sakinn kaya naman natigil ako sa paghahalo ng harina at tubig ng marinig ko yung tanong nya
Nasan na nga ba kuya??
"Hindi ko rin alam eh hindi kasi kami close tiyaka iniwan ko sya!" Sabi ko sa kanya na parang wala lang
"Hala ate bakit?" Tanong nito sakin kaya naman tinignan ko ito at nakita ko ang labis na pagtataka sa mukha nito
"Remember our first meet? Yung nakita mo ako na buhat ni boss?" Tanong ko sa kanya at nakita ko naman na tumango sya
"Oo ate grabe nga itsura mo nun eh kalunos lunos, halos buong katawan mo may pasa tapos yung sa may binti mo pa nadugo!" Sabi nito sakin
"Sya ang gumawa lahat ng nun!" Sabi ko sa kanya at nakita ko ang paglaki ng mata nya
"Hala ka hindi nga?" Tanong nito sakin na parang hindi makapaniwala pero andun parin yung may pagtataka
"Oo naman sya ang may gawa nun!" Sabi ko sa kanya bago isalang yung mga ipiniprito ko
"Pero bakit?" Tanong nito sakin
"Hindi ko alam eh basta simula nung namatay yung magulang namin sa aksidente ay ako na ang sinisi nya at ayun binubugbog ako araw araw tapos minsan hindi pa pinapakain!" Sabi ko sa kanya at kita ko naman ang lalong pagdaan ng awa sa mata nya
"Hala grabe!" Sabi nya na halos hindi makapaniwala sa naging lagay ko
"Tapos ate ano pang ginagawa nya?" Tanong nito sakin
"Kapag lasing sya sa ibang bahay ako nakikitulog dun sa isang matanda na tumutulong sakin kada mabubugbog ako ni kuya!" Sabi ko sa kanya
"B-bakit?" Utal na tanong nito pero mukhang may clue naman na sya kung bakit ginagawa ko yun
"Wala eh baka kasi masira yung pangarap ko kapag hindi ko sya napigilan!" Sabi ko sa kanya at ngumiti ako ng peke
"Ate!" Mahinang sabi nito na parang hindi nya alam kung ano ang sasabihin nya
"Hayaan muna yun ok na ako ano kaba!" Sabi ko sa kanya bago patayin yung kalan at isara yung gas baka kasi sumabog kami dito
Sayang kung mamatay ako mawawalan ng isang maganda
"Sige na hayaan muna mamaya na tayo magkwentuhan ihahanda ko muna sa lamesa ito tapos mag iiwan ako ng note sa lamesa para sabihing umalis ako!" Sabi ko sa kanya
"Sige ate ako rin maliligo para mabango tayo sa harap ni kuya!" Natawa naman ako dahil doon
"Sige na!" Sabi ko kaya naman tumango sya at ako naman nag ayos na ng mga niluto ko na pagkain sa lamesa para kakainin nalang nila
Nang matapos ko mag ayos ng pagkain sa lamesa ay nagsulat ako ng note na nagsasabing
:Boss Mam aalis po muna ako ah andito na po lahat ng pagkain, sasama lang po ako kay maria may pupuntahan lang po kami
-Cute cute Prescilla❤️
Pagkatapos ay umakyat na ako para maghanda sa pag alis namin
*******
YOU ARE READING
Im His Personal Maid
RomanceNaranasan mo na bang magtrabaho sa isang pinakamayaman at pinaka maimpluwensyang tao sa buong mundo?? Sa tingin mo kapag nag trabaho ka kaya sa ganyan kaimpluwensyang tao mahihirapan ka kaya?? O magiging masarap din ang buhay mo tulad ng amo mo?? Pe...