CHAPTER 1

241 20 0
                                    




Beatrice


Nakasimangot lang ako habang nasa karwahe kami patungo sa Duke's house, hindi ko maiwasang malungkot kanina habang nagpapaalam ako kila Madam Lily at Lilian.


Gaya dati ay mahihiwalay na naman ako sakanila sa maikling panahon ay nakasama ko rin sila kaya hindi na ako malulungkot masyado dahil bibisitahin ko naman sila kung may pagkakataon ako.


“Dad, are you really sure you're gonna adopt her?”, pagsisimula ng bunsong anak ni Duke na sa pagkakaalala ko ay Luke ang pangalan nito, napalingon naman si Duke sa pwesto ko may pinupukol sa 'kin itong tingin na hindi ko maipaliwanag.


I calmed myself before I smiled innocently like I don't understand what this brat is saying. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ayaw nito sa 'kin? Well, the feeling is mutual.


Napangisi ako ng palihim nang makitang hindi siya pinansin ng Duke na nilipat na sa labas ang tingin, nakita ko namang napayuko ito sa kahihiyan.


Binalik ko na ang tingin sa labas nang karwahe napansin kong nasa bayan na kami, ang ampunan kasi ay nakatayo malapit sa may bundok at malayo sa bayan.


Nakita kong mas mapayapa ngayon kaysa noon, umiba agad ang ekspresyon ko nang maalala ang masamang karanasan ko sa bayan na 'to.


“Kid, open your mouth.”


Mabilis naman akong napalingon sa Duke nang bigla nalang itong may sinalampak sa bibig ko, nagulat ako ro'n pero nahimasmasan din nang may malasahan akong matamis.


Candy? Did he just gave me a candy? I didn't expect that, but It's delicious, tho.


I can't help but to smile. Hindi naman pala gano'n kasama ang Duke gaya ng sinasabi nila kahit na 'kid' ang tawag nito sa 'kin at mukhang di pa alam ang pangalan ko.


Pero hindi ko maintindihan kung bakit ako nito binigyan ng candy hindi kaya nakita niya ang ekspresyon ko kanina.


“Dad give me a candy, too I want a candy, too!”, Duke look at his son Luke with no emotion before gave him a candy.


I rolled my eyes secretly because of his childish and spoiled behaviour. Naiinggit ba siya sa 'kin? O natatakot siyang agawin ko sakanya ang Dad niya? Or both?


“Thwank ywou, Dwuke. (Thank you, Duke)”, I said using my sweet tone that made them look at my direction with amusement in their eyes except for Luke.


I guess my cuteness worked to them. Naramdaman kong tumigil na ang karwahe ibig sabihin ay nakarating na kami, naunang bumaba si Duke at ang mga anak niya.


Akmang baba na ako nang bigla akong umangat sa ire at naramdaman ko nalang na buhat-buhat na ako ng Duke. Hindi ko naman maiwasang mamula sa posisyon ko.


I know it's normal to carry me because I'm still a child but I'm not comfortable.


Ngayon ko lang din napansing napaka-gwapo pala ni Duke Lucius seryoso lang ito habang nakatingin sa harap at patungo sa loob ng mansyon.


Hindi siya halatang may anak na dahil sa gwapo nitong mukha at matipunong katawan. I didn't realize that I'm smiling like a pervert while looking at him.


“Dad, look at her she's creepy.”, napatigil naman ako nang bigla nalang akong turu-turuin ni Luke na parang natatakot ito sa pagmumukha ko.


This brat.. Mabilis akong ngumiti ng inosente nang mapadako ang tingin sa 'kin ni Duke binalik ulit nito ang tingin kay Luke na parang sinasabing manahimik siya.


I grinned secretly because of that. Mukhang matutuwa ako sa bahay na ito dahil maaasar ko ang Luke na 'to. At mukhang mahihirapan din akong paamuin ang isang ito.


“Dad, we're heading first.”, magalang na paalam ng panganay na sa pagkakaalala ko'y Luxius ang pangalan nito.


Napansin kong tahimik lang ito at laging seryoso ni hindi ko pa ito narinig na magsalita kanina. Napangiwi naman ako nang nagpupumilit na ayaw sumama ni Luke sa mga kapatid niya pero hinila nila ito kaya wala itong nagawa, napatawa nalang ako ng mahina dahil do'n.


Pero, mukhang masamang ideya ata ang iwan akong mag-isa kasama ang Duke. He looks scary, really.


Habang naglalakad kami ay maraming mga katulong ang bumabati sa 'min pero kahit isa sa kanila ay hindi nito pinansin o pinukol man lang ng tingin.


Napatigil lang si Duke sa paglalakad ng may lumapit sa 'ming lalaki na sa tingin ko'y nasa 20's.

I Adopted By A Cold Blooded DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon