CHAPTER 11

223 16 0
                                    




Beatrice


“Welcome to the family.”


Isang batang babaeng may yakap-yakap na manika ang nililibot ang tingin sa bawat paligid ng mansyon hindi n'ya maiwasang mamangha sa nakikita.


Napadako naman ang tingin niya sa Count na kasalukuyang nakangiti sakanya hindi n'ya maiwasang matuwa dahil inampon siya nito at pinatuloy sa isang magandang mansyon.


“Cassius.” May isang katandaang ginang ang lumapit sakanila, nakangiting sinalubong naman agad ni Count ang asawa.


Napatigil lamang ito nang makita siya, napansin ata ni Count na nakatingin ang asawa sa bata kaya mabilis n'ya itong pinakilala.


“Merilda, ito nga pala si Beatrice simula ngayon ay sa atin na siya titira.” Isang ngiti naman ang pumaskil sa mukha ng asawa nito dahil sa narinig.


Gano'n nalang ang gulat niya nang hagkan siya nito.


“Nagagalak akong maging parte ka ng aming pamilya, Beatrice.” Hindi naman alam ng batang babae ang mararamdaman dahil hindi n'ya aakalaing tatanggapin siya ng mga ito.


“At Beatrice ito naman si Aurora mas matanda s'ya sa iyo ng isang taon sana'y magkasundo kayo.” Dugtong ng Count na kinatigil n'ya ngayon niya lang napansing may kasama palang isang bata babaeng ang ginang.


Gaya niya ay may yakap-yakap din itong manika pero mas maganda at maayos ito kumpara sakanya.


Isang matamis na ngiti naman ang binigay ng batang si Aurora sakanya at hinawakan ang magkabila niyang kamay.


“Nagagalak kitang makilala aking kapatid.”


Hindi naman maiwasang matuwa ni Beatrice dahil sa naririnig hindi niya matago ang tuwa dahil sa wakas ay magkakaroon na 'rin siya ng pamilya.


Para silang isang masayang pamilya habang nagtatawaan ng araw na 'yon akala niya ay magtatagal ang masayang pangyayare na iyon sa buhay niya.


Pero akala niya lang pala 'yun dahil ang hindi niya alam ay do'n na magsisimula ang kalbaryo sa buhay niya.


Sa mansyon na 'yon..




“You cheap bitch!”


Isang malakas na sampal ang binigay ng ginang sa batang si Beatrice dahilan para matumba ito sa sahig, naiiyak na napasapo siya sakanyang mukha dahil sa ginawa nito.


“Anong karapatan mong sirain ang mamahaling bestida ng aking anak?!” Namumula sa galit na sigaw ng ginang sakanya at may tinapon na bestida sa harap niya.


Para naman tinakasan ng dugo ito dahil ang bestidang nasa harap niya ay sira-sira na. Ngayon n'ya lang nakita ang bestidang 'yon kaya hindi niya maintindihan kung bakit siya ang binibintang nito.


Gusto niyang ipagtanggol ang sarili sa kasalanang hindi niya naman ginawa pero walang lumalabas na salita sa kanyang labi.


“Nakita ni Aurora ang damit niya sa kwarto mo ngayon magpaliwanag ka. Nakikita mo ba ang bestida ito sa sobrang mahal nito ay kulang pa ang buhay mo para mabayaran mo ang ganitong klaseng bestida.” Lintanya nito hindi naman alam ng batang si Beatrice ang maramdaman dahil sa bilis ng pangyayari.


Hindi n'ya maintindihan kung paanong napunta ang bestida'ng iyon sa kwarto niya samantalang hindi pa naman siya nakakapasok sa kwarto ni Aurora.


“Anong nangyayari dito?” Pagsisingit ng Count na mukhang kararating lang dahil nakasuot ito ng pormal na damit.


Parang nagkaroon naman ng pag-asa ito dahil sa pagkarating ng Count dahil alam niyang ipagtatanggol siya nito.


“Ang batang 'yan.” Turo ng ginang sakanya. “Tingnan mo kung anong ginawa ng nakakadiring bata na 'yan sa mamahaling bestida ng anak natin.” Galit na turo sakanya nito.


Mabilis naman siyang lumingon sa Count na nasa likuran n'ya at umiiyak na lumuhod sa harap nito.


“H-Hindi po ako ang m-may gawa no'n..” Nahihirapang tanggol nito sa sarili habang umiiling ng paulit-ulit.


Pero hindi niya inaasahan ang pagbago ng ekspresyon nito nilukob ng kaba ang dibdib ng batang si Beatrice dahil do'n.


Nilipat nito ang tingin kaya sinundan niya kung saan ito nakatingin at do'n niya lang napansin ang nakatayong si Aurora ang dati nitong inosente at mabait na ekspresyon ay naging isang madilim na kung nakakamatay lang ang tingin ay matagal na siyang nakahandusay ngayon sa sahig.


“Totoo ba 'yon, Aurora?” Walang emosyong tanong ng Count dito ang kaninang madilim nito ay napalitan ng umiiyak na ekspresyon.


“O-Opo Dad, nakita ko po siyang pumasok sa kwarto at paglabas niya ay dala-dala na niya ang bestida kung alam ko lang na gusto niya pala 'yon ay pwede ko naman siyang pinahiram.” Hagulgol nito mabilis naman siyang dinaluhan at pinatahan ng kanyang ina.


Kasinungalingan. Hindi makapaniwalang ang akala niyang mabait at inosenteng si Aurora ay nagawang magsinungaling sakanya. Dapat noong una palang ay hindi na siya nagpauto dito.


Isa itong demonyong nagbabalat-kayo bilang anghel. A two-faced bitch.


“You disgusting brat!” Hindi pa siya nakakabawi sa nangyayari ng bigla nalang siyang kwelyuhan ng Count dahilan para mapadaing siya.


“H-Hindi—!” Mas lalo siyang natakot ng kaladkarin siya nito papunta sa malaking pinto ng mansyon.


“Lumayas ka sa pamamahay ko.” Huling salita nito bago siya patapon na nilabas sa labas ng mansyon at sinarado ang malaking pinto.


Nakita niya pa kung paanong nangdidiring tiningnan siya ng Count bago isara ang pinto. Para namang pinagsakluban ng langit at lupa ang batang si Beatrice hindi siya sumuko at pilit na kumakatok sa malaking pinto ng mansyon kahit na hindi siya sigurado kung maririnig ba siya ng mga ito.


Nanlulumong napaupo nalang siya kasabay ng pagtulo ng luha niya ang pagbagsak ng malakas na ulan.


Napayakap nalang ito sa tuhod habang nakaupo sa malamig na sahig at nanginginig dahil sa pag-ihip ng malamig na hangin sa balat niya.


Mas gugustuhin niya pang saktan siya ng mga ito kaysa mawalan ng tirahan at walang makain. Hindi niya aakalaing ang akala niyang magiging masayang pamilya niya ay gagawin sakanya ito.


Parang hindi bata ang turing nito sakanya at ang akala niyang kakampi ay pinandidirian pala siya.


'Ang kawawang batang 'yon.. ay walang iba kundi ako'

I Adopted By A Cold Blooded DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon