CHAPTER 3

198 20 0
                                    



Beatrice


“Kid, come here.”


Kahit kinakabahan ay lumapit pa rin ako dito hindi ko pa maiwasang pagpawisan dahil sinusundan ako ng tingin ni Count kaya hindi ako komportable.


Muntik pa ako mapatili nang buhatin ako nito at ipinatong sa may hita niya kaya malaya kong nakikita ang nakakainis na pagmumukha ni Count na matagal ko nang gustong kalimutan.


Ano ba kasing ginagawa niya dito?


“This is my daughter, Beatrice.”, pakilala ni Duke sa 'kin dito, ngumiti naman si Count at lumapit sa direksyon ko na siyang kinakaba ko.


Akmang kukunin nito ang maliit kong kamay nang mabilis ko 'yong inilayo sakanya nakita kong nagtaka silang dalawa ayaw ko naman maging kahina-hinala sa kanila kaya napipilitang iniabot ko ang kamay ko sakanya.


He smiled and gently kissed my hand. “I'm Count Cassius Buxton, my lady.”, magalang na pakilala nito pagkabitaw nito ng kamay ko ay mabilis ko 'yong binawi at patagong pinunasan.


“What are you doing here, Count?”, walang emosyong tanong ni Duke dito habang inaasikaso ang papeles na nasa desk niya at hindi man lang pinukulan nang tingin si Count na mukhang nababagot din at hindi gustong pumunta dito.


Kung ayaw niyang pumunta dito, ano bang kailangan niya? Napa-irap nalang ako ng pasikreto kahit na nasa harap ang Duke ay hindi talaga nito kayang itago ang totoong kulay niya.


Tumikhim naman siya. “May selebrasyon na magaganap sa palasyo sa susunod na buwan para ipagdiwang ang pagbabalik ng mga militar galing sa digmaan at ang pagkapanalo ng Clemence laban sa Sylvinia.”, mahabang paliwanag nito.


“Umaasa ang Emperor na kayo ay dadalo.”, dugtong nito.


Mabilis namang napataas ang tingin ni Duke dito. “Who ordered you to tell this news to me?”, nagtatakang pinukulan namin ng tingin ito dahil sa tanong nito.


Malayo ang tanong niya sa sinabi ni Count. What is that question for?


“Baron Thomas Cabrera ordered me. Bakit niyo naitanong, Duke?”, nakita kong nanghihinayang pang sabihin 'yon ni Count, pero hindi makapaniwalang tiningnan ko ito nang maintindihan ang sinabi niya.


Inutusan siya ni Baron Thomas? Hindi ako makapaniwalang inuutusan na pala siya ng mas mababa sakanya hindi na din ako magugulat dahil pababa na ang estado nila para makuha ang mga tiwala ng ibang noble ay sinusunod niya nalang ang mga pinaguutos ng mga ito sakanya.


Baron is from a noble family that the Emperor gave a reward for his loyalty. Count is from a noble family too ang pinagkaibahan lang ay mas mataas ang posisyon ng Count.


May maraming iba't-ibang klaseng negosyo ang pamilyang Buxton, pero palugi nadin sila dahil ang mga salaping inaani nila ay laging inuubos ng Count sa sugal kaya marami na silang utang.


A small grin drawn in Duke's face. “Hindi ko alam na mensahero na pala ang Count ngayon?”, seryoso ang mukha nito pero mapangasar ang tunog n'yon.


Count remain his expression pero alam kung nainsulto siya do'n at pag-uwi n'ya sa mansion ay ilalabas niya ang galit niya ro'n at baka magwala pa siya. Why I know that? Dahil sa 'kin niya binubuntong ang galit n'ya sa tuwing uuwi siyang masama ang loob.


Tuwing naaalala ko 'yon ay bumabaliktad ang sikmura ko kaya pinapangako kong hindi na ako babalik sa bahay na 'yun.


I flinched when I see him coming in my direction habang may kinukuha sa may bulsa niya, tumaas ang balahibo ko nang ibigay niya 'yon sa 'kin.


“This is for you, my lady.”, nanginginig ang kamay ko habang hawak ang lollipop na binigay n'ya sa 'kin hindi ko maintindihan kung bakit binigyan niya ako nito.


“Let me wrap it for you.”, namutla ang mukha ko nang kunin ng Duke ang lollipop sa kamay ko at tinanggal ang nakabalot doon.


But, I don't want to eat it! Kahit na paborito ko pa 'yan kung galing lang naman sa matandang lalaking iyon, hindi ko alam baka may lason ito base nadin sa ekspresyon niyang kakaiba baka plinano niya na ito.


Nataranta ako nang makitang ilalapit na niya ito sa bunganga ko pero nagsusumamo ang mukhang tinitingnan ko s'ya para ipaalam na ayoko iyong kainin.


At hindi namin inaasahan ang susunod nitong ginawa, tinapon lang naman niya 'to sa malapit na basaruhan katabi ng desk niya at hindi pa kami nahihimasmasan sa gulat ng una nitong ginawa nang magsalita ito na kinagulat ulit namin.


“My daughter don't need that cheap lollipop of yours.”


Woah, he has a nerve to say that. Napahinga ako nang maluwag dahil kung hindi dahil sa ginawa ng Duke ay baka napahamak na ako dahil sa lalaking 'yon.


Count's face darkened for a second but he eventually smiled.


Alam kong nainsulto na naman siya dahil do'n pero sa ibang kadahilanan ay natutuwa ako sa nangyayare at hindi man lang ako makadama ng pagka-awa sakanya.


“Do you still need anything, Count?”, nababagot na tanong ni Duke sakanya na parang gusto na niya itong paalisin.


Kanina ko pa talaga napapansin ang pagtrato ni Duke dito, ayaw niya rin kaya kay Count? Base sa nakikita ko ay oo.


He bowed in front of us, akala ko ay yumuko ito para magpaalam na aalis na s'ya.


“Nagbabalak ang asawa kong si Merilda na magpatayo ng isang clothing shop kaya lang ay kakailanganin namin ng malaking halaga ng salaping 'yon.”, saad nito habang nanatiling nakayuko parin sa harap namin.


Ang Countess nagbabalak magpatayo ng clothing shop? Countess ang tawag sa mga babaeng asawa ng Count.


Si Countess Merilda Buxton ay isang napakatamad na tao ni hindi nga nito tinutulungan ang asawa niya sa negosyo nila wala itong ibang gustong gawin kundi ang mag-aksaya ng pera sa mga mamahaling bestida, sapatos, at alahas kasama ang anak nilang babae na si Aurora.


Kaya hindi ako makapaniwalang nagbabalak itong magnegosyo, alam kong may paggagamitan lang sila ng salapi na 'yon.


“Is that all? Ipapadala ko ang butler ko sa mansion n'yo para ihatid ang salaping kailangan niyo.”


Hindi makapaniwalang binalingan ko nang tingin si Duke dahil parang wala itong pakialam kahit na malaking salapi ang hinihiram ng Count.


Napangisi si Count dahil sa narinig at umayos na nang tayo bago nagpasalamat at lumabas ng opisina. Sawakas, umalis na rin ito.


Napapatawa nalang ako sa isipan ko nang maalala ang paghiram nito kanina ng salapi sa Duke matapos ng nangyare kanina'y nagawa padin nitong manghiram kahit na alam niyang inuunsulto na siya. What a thick-faced jerk.

I Adopted By A Cold Blooded DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon