CHAPTER 4

212 18 2
                                    

Kakalabas palang ni Count ng sumunod nang pumasok si Simon, yumuko naman ito bago tumikhim.

“There is something I want to discuss with you, Duke.”, seryosong saad nito, may sinenyas si Duke dito na hindi ko maintindihan nakita ko nalang na tumango si Simon.

Lumabas ito sa opisina at ilang minuto lang ay bumalik na 'to pero kasama na nito si Ellyn. Inutusan ata nitong tawagin si Ellyn para kunin ako dahil may paguusapan pa silang importante.

Binuhat naman ako nito para ibigay kay Ellyn. Iniyuko muna ni Ellyn ang ulo niya para magpaalam sa Duke bago kami lumabas, tanging tango lang ang sinagot ng Duke.

Simon

Kakalabas palang ng lady nang bigla nalang dumilim ang ekspresyon ng mukha ni Duke. I knew it there's something happened because I heard everything dahil nasa labas ako ng pinto kanina habang hinihintay na matapos silang magusap.

“That bastard.. Don't let him enter in my mansion again.”, He ordered that made me sighed.

Alam kong ipaguutos niya 'yon dahil dati palang ay ayaw na ng Duke kay Count Buxton dahil wala itong ibang gawin kundi ang manghiram ng pera sa Duke at alam din ni Duke kung para saan nito 'yon ginagamit hindi rin ito nahihiya.

“And also don't let that bastard get near to my daughter.”, dugtong nito na siyang kinanuot ng noo ko. May nangyare kaya kanina? Wala naman akong narinig na may ginawa ang Count sa lady.

And it's also good to hear that he considered the lady as his daughter. I already knew it because the way the Duke look at the lady like she's a precious jewelry that he cherished.

“Pwede ko po bang malaman kung bakit, Duke?”, I asked as he raised his head.

He shrugged. “My daughter don't like him.”

Napatanga nalang ako dahil sa sinabi n'ya akala ko pa naman ay may ibang dahilan ito pero nakakapagtaka bakit kaya ayaw ng lady sa Count? Kahit sinong noble ay hindi gusto si Count Buxton, naiintindihan ko sila kung bakit.

Siguro may naramdaman ang lady na kung anong masamang enerhiya sa lalaking 'yon. I knew it, my lady is genius fufufu~

“Meron pa po ba kayong ipaguutos, Duke?”, magalang na tanong ko dito pero hindi ko inaasahan na ngumisi ito lagi niya 'yang ginagawa pag may binabalak siya.

Beatrice

Hindi ko maiwasang mailang sa katahimikang bumabalot sa buong paligid, nandito kami ngayon sa dining room hinihintay ang Duke na dumating katabi ko si Lucas ang pang-gitnang anak nalaman ko ang pangalan niya kanina dahil tinawag siya ni Luxius.

Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa buong kwarto tanging tunog lang ng nakakainis na paglalaro ng kurbyertos ni Luke ang naririnig.

Nakita kong mukhang naiinis na rin ang ibang mga kasambahay na nakatayo sa gilid namin dahil sa ginagawang ingay ni Luke na masakit sa ulo.

Nanadya ba siya? Damn it. Ngumisi ito sa 'kin kaya alam kong sinasadya niya 'yon pero hindi ako nagpahalatang naiinis ako at nginitian ko lang siya na kinais niya.

“His Grace, Duke Lucius Coastillon.”

Napatigil lang kami nang makitang dumating nadin sa wakas ang Duke kundi ay baka pag di ako makatiis sa batang 'yon ay baka sinapak ko na yun kahit nandyan pa ang mga kapatid niya na di man lang siya sinasaway.

Siguro, sanay na sila sa ugali ng kapatid nila kaya dapat masanay na rin ako dahil makakasama ko na sila sa bahay na 'to simula ngayon.

“Dad!”, masaya namang lumapit si Luke sa Duke at pumatong sa hita nito pagka-upo nito sa upuan. Nasa pinakauna ang upuan ng Duke kaya nakaharap ito sa 'min.

Habang kumakain kami ay tanging kurbyertos lang ang maririnig at ang nakakainis na boses ni Luke. This loud brat.. Napansin kong hindi masyado sila nag-uusap at kakaiba rin ang atmosphere ng paligid.

“Beatrice.”, napataas bigla ang tingin ko nang tawagin ako ni Duke. Unang beses niya akong tinawag sa pangalan ko akala ko hindi niya alam ang pangalan ko at 'kid' nalang habang-buhay ang tawag niya sa 'kin.

I smiled sweetly. “Ywes, Dwuke?”, malambing ang boses na saad ko.

“Pft.”, rinig kong tawa ni Luke nang marinig ang bulol na salita ko. Ngumiti lang ako kahit na kumukulo na ang dugo ko sakanya, maghintay ka lang at paamuin din kita at hindi kana makakatawa pa.

“From now on, call me Dad and call them brothers too.”, ani nito, natigilan naman ako dahil do'n ito ang unang beses na may matatawag akong magulang ko dahil lumaki akong walang mga magulang at kahit isang beses ay di ko tinawag ang Count na ama ko.

Natatakot akong tawagin siyang Dad ko dahil baka saktan niya rin ako katulad noong unang beses na tinawag ko ang Count ng gano'n. Nakikita kong naghihintay ito kaya napalunok ako dahil do'n.

“D-Dad..”, nabigla ako nang marinig na hindi ako nabulol. A small smile drawn in Duke's face, nagulat ako dahil do'n dahil hindi ko inaasahang magiging ganoon ang reaksyon niya.

“Brwother Lwuxius. (Brother Luxius)”, nadismaya ako nang mabulol na naman ako, napalingon ako kay Brother Luxius wala itong reaksyon at napatango-tango lang. Of course, like a father like a son.

“Brwother Lwucas (Brother Lucas)”, Brother Lucas smiled.

I see, siya lang ang matino sa kanilang tatlo base sa reaksyon niya. Sa wakas, may matino rin pala sakanila.

Napalingon naman ako kay Luke mukha itong naghihintay sa sasabihin ko pero bumalik din ang dati nitong reaksyon nang makitang nakatingin ako sakanya.

I hissed secretly. “Brwother Lwuke, fwuck ywou. (Brother Luke, fuck you.”, nakangiting ani ko at patagong minura ito napahinga ako nang maluwag nang makitang hindi niya 'yon naintindihan.

What an idiot. Hahaha.

I Adopted By A Cold Blooded DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon