CHAPTER 2

192 19 0
                                    

CHAPTER 2 adopted

“His Grace, Duke of Clemence.”, He greeted and bowed in front of us. Napadako naman ang tingin nito sa 'kin ngumiti ito na parang alam niya na kung sino ako.


Kilala niya ako? Tama, siguro nasabi na ng Duke kung sino ako.


Nabigla naman ako nang hawakan nito ang maliit kong kamay at hinalikan ito ng marahan. “I'm Simon de Biville Duke's butler, my lady.”, magalang na pakilala nito at ngumiti sa 'kin.


Bakit ba ang daming mga gwapong lalaki dito sa mansyon? Is this a blessing, lord?


But, I sense something strange. The way Duke and Simon look at each other like something urgent happened.


At hindi lang sila makapag-usap dahil nandito ako.


“Ellyn.”, napalingon naman ako sa babaeng lumapit sa pwesto namin na mukhang isa sa mga katulong dito, yumuko muna ito bago umayos ng tayo.


Maganda ito at mukhang nasa 20's lang din, naka-braid ang hanggang dibdib nitong buhok.


Napansin kong nakatingin din si Simon kay Ellyn, pero kakaiba ang paraan ng pagtingin nito.


Umm.. Did this two have a relationship or what?


“Guide her in the room.”, maawtoridad na utos ni Duke at binaba na ako sa sahig, inalalayan naman ako agad ni Ellyn sa pangalawang palapag ng bahay kung saan ang magiging kwarto ko.


Saglit kong nilingon ang pwesto nila Duke at Simon habang papaakyat kami ng hagdan, nakita ko kung paano umiba ang ekspresyon ni Duke kung nakakatakot na ang lagi nitong ekspresyon ay mas lalong nakakatakot ngayon.


I shrugged. Hindi naman ako kasali ro'n kaya di ko na kailangan isipin 'yon at ayaw ko ring mangialam dahil ang dapat kong pagtuunan ng pansin kung paano ko makakasundo ang lahat ng tao sa mansyon na 'to.


Nakita kong tumigil kami sa isang malaking kulay pulang pinto na napapalibutan pa ng mga diyamante na satingin ko ay napakamahal kung ibebenta mo ito.


Pero, hindi lang 'yon ang mas kinamangha ko dahil pagkabukas palang ng pinto ay bumungad na agad sa amin ang napakaganda at organisadong kwarto napapalibutan ng kulay pula ang buong paligid, halos lahat din ng gamit ay mukhang mamahalin.


So, this will gonna be my room? Oh my!


“Wow.”, manghang usal ko habang nililibot ang paningin sa buong kwarto nang makakita ako ng kama ay walang pakundangang tumalon agad ako do'n at humiga.


Woah, the bed is so smooth and smells good. I love this!


May mga diyamante ding nakapalibot sa headboard ng kama at napakaganda nito, hindi ko naman maiwasang hawakan ito.


But, I stopped when I heard Ellyn giggled. Dahil ata sa pagkalibang ko ay nakalimutan kong kasama ko nga pala siya, nahihiyang napakamot nalang ako sa ulo ko.


“Ang cute niyo, my lady.”, She said that made me blushed because of embarrassment.


“Ah.”


“Nagugutom na po ba kayo?”, biglang tanong nito nahihiyang tumango ako dahil kanina pa ako kumain at ngayon nagugutom na ako.


Niyaya ako nitong pumunta sa may sofa kaya mabilis akong lumapit do'n at nakita kong may nakahandang maraming pagkain sa babasaging mesa na kaharap ng sofa.


There's an appetizer, main course, and dessert.

Ngayon lang ako nakakita ng ganito karaming pagkain dahil noong nakaraang buhay ko ay ang tira-tira lamang sa kusina ng mansyon ng Count ang kinakain ko dahil hindi naman nila ako pinapakain.


So, I'm gonna enjoy myself with these foods!


Nakita kong madami ang pagkaing nakahanda sa harap ko at hindi ko ito mauubos kaya niyaya ko si Ellyn pero tumanggi ito.


But, I used my cuteness kaya napapayag ko ito.


Nanghihinang napasandal ako sa sofa pagkatapos kong kumain. I'm so full that I can't even move my body.


Kaya binuhat nalang ako ni Ellyn papunta sa banyo para paliguan, pagkatapos ay pumunta kami sa walk-in-closet ng kwarto ko.


Napanganga pa ako sa sobrang dami ng dress sa loob nito na may iba't-ibang kulay at disensyo mayroon pang mga sapatos at alahas.


Pagkatapos ako nitong bihisan ng kulay light pink na dress na may ribbon pang nakapalibot sa may leeg at may kulay pulang diyamante sa gitna nito at pinaresan pa ng doll shoes na kasing kulay ng dress ko at may diyamente rin sa gitna nito na kumikinang.


Tumungo na kami sa opisina ng Duke dahil pinapatawag daw ako nito ani ni Ellyn dahil may bisita ang Duke na galing sa isang mayamang pamilya at ipapakilala niya ako rito.


Kumatok muna si Ellyn sa pinto nang makarinig ng senyas ay binuksan niya na ito bumungad samin si Duke na may ginagawang papeles at nakasuot ito ng salamin.


Na mas lalong nagpa-gwapo sakanya, kahit ata anong suot nito ay hindi parin matatago ang taglay nitong gandang lalaki.


Nakita ko namang may kasama ito at nakatalikod ito sa 'min bigla akong nakaramdam ng kaba nang makitang pamilyar ito.


Ganito rin ang nararamdaman ko noon sa tuwing nakikita ko ang Count.


Don't tell me.


“His Grace, Duke of Clemence..


And


Count Cassius Buxton..”


No, it can't be! What is he doing here?!


__________________________________________

I Adopted By A Cold Blooded DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon