CHAPTER 9

214 17 0
                                    

Beatrice

“Let's play, stupid!”

Naiinis na napatayo ako sa kinakasandalan kong puno dito sa may hardin dahil narinig ko ang nakakainis na boses ni Luke.

Na hanggang ngayon ay hindi pa 'rin ako tinitigilan sa kakayaya niyang maglaro kami, naalala ko pa no'ng niyaya niya akong maglaro noong isang araw ay pinagtripan niya lang naman ako gamit ang black magic niya pumayag naman ako dahil akala ko'y maayos na ang pakikitungo niya sa 'kin pero talagang maitim ang budhi ng isang 'yon.

Kaya hindi na ako papayag sa gusto n'ya ngayon dahil alam kong pagti-tripan niya lang ulit ako.

Akala ko pa naman ay hindi niya na ako mahahanap dahil nasa may pinakasulok ako ng hardin sinadya ko talagang magtago sa batang 'yon.

“I will never gonna use my magic again. So, come out now and play with me!” Dagdag nito na siyang mas kinainis ko.

Akala niya siguro'y magpapa-uto ako sakanya. That damn brat.. Humanda talaga siya sa 'kin kahit na isa siyang noble at anak ng Duke ay hindi ako magdadalawang-isip na sapakin ang isang 'yon.

Nataranta naman ako nang marinig ang mga yapak nito malapit sa pwesto ko kaya mabilis akong naglakad papalayo do'n.

Hindi ko na alam kung saan na ako napadpad, nakita ko nalang ang sarili kong nakatayo sa isang punong umiilaw pero hindi iyon nakakasilaw at masakit sa mata.

Pero hindi 'yon ang kinabigla ko kundi ang taong nasa harap ko ngayon at nakasandal sa punong tinutukoy ko. Nakapikit ito kaya alam kong tulog ito hindi ko maiwasang pagmasdan ang mukha nito.

Napansin kong kakaiba ang kulay ng buhok nito dahil kulay light blue ito na hanggang bewang ang haba at kumikislap ito sa tuwing nasisikatan ng araw.

Hindi maiwasang mag-init ng mukha ko dahil sa gwapo at makinis nitong itsura base sa itsura niya ay kaedad niya lang si Brother Luxius.

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang bigla nitong dinilat ang mata at saktong pagdilat nito ang pagtama ng mga mata namin.

“Wow.” Napatigil ako nang mapagtanto ang sinabi ko hindi ko kasi maiwasang mapamangha sa kulay nang mata nito na kasing kulay ng buhok din nito.

“You..”

I flinched when I heard his cold voice that gave chills under my spine. Geez, nagulat ako do'n.

“... can see me?”

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. I can see him? What? What do he expect? May mata ako kaya malamang makikita ko s'ya. Such a weirdo.

Napaatras ako nang akmang lalapit ito sa pwesto ko napalunok ako nang maramdaman ang puno sa likod ko. Napalingon-lingon ako sa paligid ko para tingnan kong may matatakbuhan pa ba ako.

Para akong tinakasan ng dugo nang ikorner nito ang magkabilang kamay at mas nilapit pa ang katawan niya sa 'kin kaya wala na akong matakasan.

What the fuck is he doing?

He stared at me intensely kaya mabilis akong napaiwas ng tingin. Hindi ako komportable sa paraan ng tingin nito na parang tagos sa kaluluwa ko ang titig nito.

“So small..” Hindi ko alam kung matatakot ako o maiinis sa kanya. Alam kong maliit ako kaya hindi ko alam kung ba't nila akong sinasabihan ng ganyan.

Ano bang aasahan nilang height sa 'kin sa edad na 'to? So annoying.

Napatigil ako nang bigla nalang dumilim ang mukha nito at naging nakakatakot.

I Adopted By A Cold Blooded DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon