Kabanata 1 [JANUS]

46 8 0
                                    

"Kamusta siya, doc?" tanong ng doktor.

"Negative. Tatlong buwan nang 'di nagigising ang bata ... "

"Teka. Gising na siya ... "

Taong 2031. Nasa loob ng isang "vital gurney" ang sampung-taong gulang na si Joseph "Joe" Cruz Williams. Napansin niya na mukhang kakaiba ang paligid niya.

Nasaan na ba ako?

Sinagot ng isang babaeng doktor ang tanong niya. "Ika'y nasa ospital, iho! Natagpuan ka ng isang estranghero sa pampang ng Vladivostok," kuwento niya.

Vladivostok? Ibig sabihin ...

Pagkadinig niya sa pangalan ng lugar na iyon ay doon nagkaroon ng mga kakaibang pangitain sa isip niya. May halong boses na nagsasalita ng Ingles at Russian.
     Isang babae ang kumakausap sa kanya ngunit hindi niya matukoy ang hitsura nito. Ang huling alaala ay isang pigura na nakatayo sa likod ng apoy. Nanlabo na ang mga ito at bumalik na ang isip niya sa realidad.
      Hindi niya alam kung paano siya napadpad dito. Ito ay dahil sa post-traumatic amnesia.

"Ah, gising ka na pala 'Janus.'"

Isang matandang ginoo na nakasuot ng abong suit ay pumasok sa silid. Siya ang pinuno ng BIOMETRICS Organization — si Agent Alex Walden Torres.
    Sinigurado niya na hindi kailangang mabahala ang bata dahil siya ay nasa secret underground na ospital ng BIOMETRICS. "Ako si Agent Torres. Punta dito si Mr. Lee. Matagal na kaming magkakilala, kung ika'y nagtataka ... Ah, Mr. Lee. Pasok ka," sabi ni Agent Torres bago niya mapansin ang isa pang bisita sa may automatic door.

"Kamusta, Janus! Masaya ako na mabuti ang kalagayan mo ngayon," ngiti ni Mr. Hudson Lee. Siya ay nagtatrabaho bilang journalist at manunulat.

Ang dahilan kung bakit nanatili ng tatlong buwan si Mr. Lee ay naawa ito sa bata. Alam niya na magiging apektado trabaho niya, ngunit gusto nitong makasigurado na buhay si Janus na parang anak niya sa tingin. 
    Ang nangyari sa bata ay may kinalaman sa pananakop ng mga aliens na tawag ay SECRYPHITES. Sila ay galing sa planetang Morzus. "Janus" ang ibang pangngalan na ibinigay kay Joseph upang protektahan ang buhay niya simula nang mahiwalay siya sa ibang miyembro ng UNIT 45. Itinatag ni Max Akiyama ang UNIT 45 bilang sikat na grupo ng mga matatalinong indibidwal sa mundo.
     Si Janus lamang ang nakaligtas na miyembro habang napilitang ang mga kapwa niya na tulungan ang mga SECRYPHITES sa paggawa ng sandata. Pagkatapos nito ay papatayin na sila upang hindi lumabas ang totoong balak ng mga aliens.
    Nagkaroon ng usapan sina Mr. Lee at Agent Torres sa labas ng kuwarto bago man nagising si Janus.
     "Ang UNIT 45 ay nasa connecting flight mula Tokyo patungong Zurich, ngunit biglang bumagsak ang sinasakyan nilang eroplano dahil sa isang magnetic anomaly. Sa ngayon, 'di pa namin matukoy ang sinapit ng tatlo pang miyembro," wika ni Agent Torres.

October 1st, 2032.

Isang taon na ang nakalipas simula nang nanirahan sa Toronto, Canada si Janus. Hindi naging madali ang buhay niya samantala ay palaging binabangungot ito. Madalas sa panigip niya ay mga pira-pirasong alaala na mula sa nakaraan.
     May mga boses na sumisigaw at tumatawag sa kanya. Nalulunod siya sa maitim na dagat. Doon ay nakaupo siya sa loob ng eroplano ngunit kita rin niya ang pagkabagsak nito. Mukhang nagkakagulo habang siya ay nakahiga sa ilalim ng mga debris. Ang huli niyang naramdaman ay para na siyang sinasakal hanggang marinig na ang boses ng ama ...

Janus ...

Ginigising na siya ni Mr. Lee. "Ok lang, Janus. Nandito ako ... " kabado na ang magulang. Napilitan siyang itigil ang usapan nila ng boss niya nang marinig ang pag-iyak ni Janus. Niyakap niya ang bata. Hindi makatulog ng mahimbing itong si Janus. Patuloy nagiging malala ang mga bangungot niya.
    Patuloy ang iyak nito habang sinabi ang dahilang kung bakit itinago na lang ang pangyayari na ito. Paano kung hindi siya maitindihan ng ama niya at lalo pa siyang naging pabigat?
     Bilang isang mabuting magulang, pinakinggan niya si Janus. Tinukoy nito ang mga napaginipan niya. "May nagsasabi na balikan ko ang pinanggalingan ko. Hindi ko masabi kung saan talaga ako nagmula. Nasaan ba mga tunay kong magulang kung ampon lang ako?" iyak nito. Tahimik na lang si Mr. Lee. Hindi niya alam kung paano ipaliwanag ang mga ito ngunit sinabi niya na palagi niyang mamahalin si Janus.
    "Saan man ikaw nanggaling ay itinuturing na kitang tunay na anak ko. Masaya siguro mga tunay na magulang mo sa iyo. Lagi silang nakatingin sa iyo mula sa langit. Tandaan mo na hindi ka nag-iisa. Hindi ka pabigat. Gusto kitang maging masaya. Magiging malinaw ang lahat. Mabuti at matalino kang bata," paliwanag ni Mr. Lee.
     Ipinaalm niya kay Janus na suwerte siya at naging ligtas siya sa plane crash noong nakaraang taon. Alam niya na darating na lamang ang panahon para matuklasan ni Janus ang totoo. Kailangan nasa mabuting kondisyon at kaisipan ito. Sa ngayon, ang alam ng bata ay wala na mga magulang niya.
    Tahimik na ang mag-ama. Nagkatinginan sila, parehong nakaupo sa kama. Saglit silang nagkangitian bago bumalik sa seryosong usapan.
     "Hindi man naging masaya ang nakaraan mo pero hindi ibig sabihin ay hindi ka na makakapagsimula muli," payo ni Mr. Lee.

"Kahit anumang mangyari, palagi akong nandiyan para sa'yo."

"Pangarap 'yan?" tanong ni Janus
"Pangarap 'yan."

Sa labas ng apartment — Miller Heights Bldg. — ay nakatigil ang itim na spy van. Si Agent Torres ay karaniwang binabantayan niya ang kaibigan niya. Tungkulin niya ang pagsisiguro na ligtas ang mga tao at mahal sa buhay. Naging ugali na niya ito dahil maraming nasawi simula noong dumating ang mga SECRYPHITES sa planeta sampung taon na ang nakalipas.
     Sila ni Mr. Lee ay iba pang dalawang mga kaibigan — dating BIOMETRICS agents hangga't nabawian ng buhay dahil nahantad ang sikreto nila. Iba't-ibang ganap ang nangyayari sa mundo. Mula sa 'di mapaliwanag na pagkwala ng mga tao, nakakaapektong klima at kabaliwan.

Hindi titigil ang BIOMETRICS hangga't talo na ang kalaban ...

BIOMETRICS (🇵🇭 Filipino ver.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon