Kabanata 5 [GEMINI]

12 3 0
                                    

Time check 12:30.

Hindi pa nagsisimula ang pagsusulit ng sixth grade class. Abala sa pagguhit sa tablet si Peter nang tumabi sa kanya si Kristian.

"Uy, Peter! Ano 'yan? Anime ba ginagawa mo?"

Mabilis tinakpan ni Peter ang screen. Nahihiya itong ipakita ang larawan sa iba sakaling mahusgahan siya. "Ha?! Wala! Keme lang ... para matandaan .. lessons para sa quiz ... " sabi nito. "Nakatulong pala paggawa ng impressionist art sa pag-aaral ng cells? Ayos yun!" asar ni Kristian.
Nagtalo tuloy ang kambal. Yung iba ay napatingin sa kanila. Madalas ay magkasundo pa rin ang dalawa kahit may pagkakataon na magkatunggali ang isipan nila.

Sa HQ, nakalaban nila sa training ang Glitch Twins na si Agent Z (indigo) at Agent K (red). Parang kidlat ang takbo ng Glitch Twins.
Ang ginawa nina Kristian (Agent HOTARU) at Peter (Agent FROST) ay tatakbo sa magkakaibang direksyon, pa-ekis, at ihagis ang lubid hangga't pumalipot sa mga katawan ng Glitch Twins pagkatapos magbilang ... 3.2.1.

Kahit sa labas ng espionage, hindi pa rin nawawala ang pag-away nina Kristian and Peter. Pinaliwanag ni Peter na hindi totoo ang sinabi ni MAKO.
Matagal nang umalis ng England si Claire at Jakob bago man natuklasan ni Matthew kung saan na kapatid niya. Namatay si Claire dahil sa cardiomyopathy at napilitang magsundalo ang mga anak niya dahil hindi sang-ayon si General Sternhagen na alagaan sila.
Si Kristian ay isa sa malakas na mga batang sundalo at mainitin ang ulo habang si Peter ay mahinahon at madalas maapi ng iba.
Ang maganda dito ay palaging tanggol ni Kristian ang kapatid niya. "Alam mo ... Pasensya na kung pinagtatawanan ko mga drawings mo. Maganda naman gawa mo. Tsaka hindi ka duwag! Astig ka talaga," inamin niya.
Natuwa si Peter nang marinig ito. "Salamat, bro ... "

BIOMETRICS (🇵🇭 Filipino ver.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon