Kabanata 8 [NAGBABANTA]

11 4 0
                                    

Madalas natin marinig ang banta ng kapahamakan. Walang ligtas kahit sa sarili nilang tahanan.
    Sabay ang kidlat at ulan sa labas ng apartment. Pagod na sa pag-aayos ng mga devices si Janus sa kitchen dining. Patuloy kumakalat ang computer virus. "Pati na rin ang mga social media accounts nagloloko. Nangyari iyan nitong umaga," sabi ni Peter.
     "Posibleng may lokong gumagawa nito," sabwat ni Mina. Hindi na alam ni Janus kung ano ang gagawin. Marami siyang homework, essays at research papers na gagawin — lahat ay kailangang maipasa sa darating na linggo.
    "Teka, alam ko na ... May napanood kaming video na kung saan kita kaming tatlo nina Peter at Mina pauwi galing school kahapon," ipinaalam ni Kristian. Sinuman ang kumukha ng video sa kanila  noong oras na iyon ay may kinalaman sa virus.
      "Bigla kaming inatake ng mga 'ninjas' ni ZEKE. Buti ay dala namin ang mga spy gadgets bago pa man kami mabugbog ng mga 'yon," tanda ni Mina.
     Mayroon ding video footage na kuha sa school ni Janus. "Sa loob naman ng classroom namin yung isa pa. Pagkatapos ng science fair, nakita namin na bukas ang pinto at vandalised yung desk ko," kuwento nito.
     "Mayroon ding kamig nakita na mga dahon saan nakasulat ang mga pangngalan namin: JAY. STARLING. FROST. HOTARU," habol ni Peter.
    Tumayo sa upuan si Janus. Pinayo niya ang iba na huwag nilang bubuksan ang anumang kahina-hinalang bagay online. "Kailangan mag-ingat tayo at bantayan ng isa't-isa. Sige, tapusin natin ang misyon na ito at — " bigla silang pinigilan ni Mr. Lee.
  
"Hindi kayo pupunta sa misyon na 'yon!"

Galit nitong sinabi na hindi sila handa para tumuloy sa misyon. "Wala namang sinabi sa akin si Alex na mas malaki ang peligro dala nito!" reklamo niya.
    Hindi ba bahagi ng pagiging agent ang pagsulong sa mapanganib na mga sitwasyon? Bakit pinipigilan sila na ngayo'y alam niya handa na itong labanin ang mga SECRYPHITES?
    "Pero, 'tay! Payag na kaming tumuloy sa misyon na ito. Trained na kami para dito!" sagot ni Peter.
     Hinigpitan ni Mr. Lee ang kamao at ipinakita ang lumang badge. "Dati akong agent tulad niyo!" paliwanag nito.
     Noong Disyembre 2021, nasawi ang dalawang kaibigan nila sa Hong Kong simula nang siniklaban ang Golden Pearl Hotel na kinaroroonan nila. Nakita nila ni Agent Torres na ito ang natanaw nila pagbalik.

"May mga taong galit sa aliens at spy agents tulad namin. Nang pumasok kami sa hotel, wala na mga kaibigan namin."

Tumigil ang BIOMETRICS simula nang mawalan sila ng maraming agents. Hindi na nag-usap sina Agent Torres at Mr. Lee ng sampung taon. "Huli kaming nag-usap ni Agent Torres bago ako lumipat ng Canada," nagsimula nang umiyak si Mr. Lee.
  
Ayaw ko lang mangyari din sa inyo ...

Sampung taon ding nakalipas nang dumating ang mga SECRYPHITES sa Earth at nagkaroon ng paranoia ang mga tao sa mundo.
     "B-Bakit hindi mo sinabi, 'tay?" tanong ni Janus. Gusto na talagang kalimutan ni Mr. Lee ang nakaraan. Nasasaktan na kasi siya pero alam niya imposibleng tanggalin sa isip ang masasakit na alaala.
     Napaluhod na sa siya sa sahig. Niyakap siya ng mga anak, sa wakas ay alam nila ang nararamdaman ng ama.

'Wag kang mag-alala, 'tay.
Magkasama lagi tayo.
Kaya natin ito.

BIOMETRICS (🇵🇭 Filipino ver.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon