Kabanata 2.5 [EQUINOX III]

13 4 0
                                    

September 3rd, 2035.

Dalawang taon na ang nakaraan simula mabuo ang pamilya nila. Kahit labing-apat na taon lamang ay nasa 9th grade na si Janus at nag-aaral ito sa Maple Leaf Academy.
    Sa Rosedale Middle School, nag-aaral sa 6th grade sina Kristian and Peter habang nasa 4th grade si Mina.
    Dito mahihirapan at tatlong magkakapatid dahil bago pa lamang sila sa paaralan. Hindi nila naranasang makapag-aral tulad ng mga karaniwang bata noon.
     Nagalit si Mina sa batang tumulak sa kanya. "Tabi, mga pangit! Bawal ang mga pagong dito!" ito ay si Simon Olsen, ang pamangkin ni Ms. Judy Olsen at siga sa paaralan.
     Sobrang pikon ito at pinagsasaktan si Simon pagkatapos malaglag ang kinakain niyang rainbow chocolate sa lupa. Siyempre, ayaw ni Mina na masisira araw niya lalo na kapag kumakain siya ng paborito niyang pagkain.
     May bata na nagsabi kay Simon na tumigil ito — si Anna Bergmann. Yung iba din inis sa kanya. Habang nagkakagulo ay nakatingin sa labas ng gate si Agent Torres.
     Dito naging kaibigan ni Mina si Anna. Si Mina at Simon ay parehong may mga pasa at sugat pagkatapos ng alitan.
    Napunta ang dalawa sa detention pagkatapos ng klase sa hapon. Sinabihan sila ni Principal Wagner na kailangan magkasundo sila. Mabuti ay hindi sila binigyan ng malubhang parusa dahil unang araw pa lang nila ng pagpasok sa paaralan.

Biyernes.

Hindi madali makipagbati lalo na sa isang siga. Kinausap ni Principal Wagner ang dalawa at mga magulang nila. Ikinuwento ng principal kung bakit ganoon si Simon.
    Kinuha siya ng Tita Judy niya pagkatapos maaksidente ang mga magulang nito. Malupit ang ama ni Simon at madalas kaaway ang ina. Sobra daw spoiled naman ng ina yung bata habang gusto ng ama ay maranasan ang paghihirap.
     Napilitan sina Simon at Mina na humingi ng tawad sa isa't-isa. Ang nakakayamot pa ay pilit ni Mr. Lee at Ms. Olsen na magtipon-tipon sa family dinner. Hindi talaga magkakasundo ang dalawang bata.
     May mga tatlong anak si Ms. Olsen — Emily (age 5), Marcus (age 2) at isang sanggol. Galit na bumaba ng hagdan si Simon upang patahimikin sina Marcus at Emily.

"Sino may sabi na magiging magkaibigan tayo, ha?!" galit na sabi ni Mina.

"Mas maganda pang kaibiganin ang pader kaysa pa sa bruha tulad mo!" sagot ni Simon.

Noong gabing na iyon ay may papalapit na isang estranghero sa labas ng building. Nakasuot ito ng sombrero at balabal ...

BIOMETRICS (🇵🇭 Filipino ver.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon