Kabanata 12 [ENZO]

3 0 0
                                    

Pagkapasok sa kakatakang pasilidad upsng harapin si ZEKE, tumungo si Agent STARLING para siyasatin ang Hanabi na itinayo sa sentro ...

"Whoa! Napalaki naman nito! Kailangan kong makuha kay ZEKE ang mga codes bago - "

Nagambala ang bata nang nagpakita sa muli ang kalaban. "Heto ba hanap mo?" inilabas ni ZEKE ang kulay kahel na holographic card na naglalaman ng mga codes.

[Agent JAY]

Nagtiwala kami sa'yo, Enzo! Lahat kami ...

Hindi ko akalain na bababa pa ang isa sa mga natatanging estudyante ng Maple Leaf Academy ... pero hindi na ako magpapaka-duwag!

Naalala ko nga ... Hiniram dati ni Agent Torres yung aking lucky charm upang ipagsama ito sa multi-chip.

Nakakabigay ito ng supersonic na nakakapaghina sa katawan ng mga SECRYPHITES kapag mahigpit pagkahawak ko.

Doon na ginamit ng binata ang maliit niyang sandata at mahigpit nitong hawak sa kwintas niya. Isang nakakapanigas na enerhiya ang naganap.

"Bwisit ka! Ano ginawa mo?!"

"Iyan na pala tawag mo sa akin pagkatapos mo akong manipulahan! Kaya maraming walang tiwala sa'yo. Wala akong mararating kung hindi sa mga tumulong talaga sa akin - ang bagong pamilya ko at si UNIT 45 ... "

"Tch - hiss ~! Shut up ... " gigil ni OZONE hangga't mabilis siyang sumugod kay Agent JAY upang saktan siya.

MAMATAY KA NA!

Ilang segundo lamang ay bigla itong sinipa sa ulo ni Agent HOTARU. "Kris?!!" hindi makapaniwala ang kuya. Sa sobrang lakas ay maaaring mabali agad ang leeg ng kalaban.
Bilang mga dating batang sundalo, madalas sina Mina at mga kambal ay marahas tuwing nasa laban. Hindi ipinagpatuloy ni Agent HOTARU (Kris) ang pagbubugbog sa kalaban. Maaaring napipigilan naman ang mga sarili nila sa habang panahon.

"'Wag kang mag-alala sa kanya, Jay! Hindi siya naging mabuti sa'yo at pinili niyang saktan ka. Halina! Kailangan nating hanapin si Mina bago pa man may mangyari sa kanya," sabi ni Agent HOTARU.

Sa loob ng pasilidad.

KRAAAANG!

Halos mala-kulay pula na ang mga ilaw sa lugar samantala ay kailangan mapigilan na ang Hanabi.

"Naku ... Tama naman yung mga codes na ipinindot ko, diba?" sabi ni Agent STARLING.

"Wheeze ... TEE-HA-HA! Hitsura mo habang pilit mong hulaan ... " dahan-dahang tumayo si ZEKE sa sahig habang tinutukso niya ang bata. Nagpapakita lagi sa keypad ang 'ERROR.'

"Ano?!! Sabihin mo sa amin kung ano talaga yung mga codes, ZEKE!" demanda ni Agent JAY.

"Binugbog ako ng kapatid ninyo at kinuha lamang ang mga 'yan sa akin. Ako'y nagtataka din at bakit 'di niya malaman," sagot ni ZEKE, "Ah, mga 'morse codes' ng Planet Morzus pala nakalagay diyan. Akala niya ay bilang ng mga parisukat (squares) ang solusyon."

Naalala ni Agent JAY ang mga itinuro ni Agent Torres sa kanya mula sa mga ekslusibong leksyon niya. Ang bilang ng mga parisukat ay katumbas ang 'beeps' ng bawat titik ng Morzus.

🟧🟧 🟧🟧🟧🟧 🟧🟧
[E .. ] [N .. .. ZEE ... ] [O.]

Tinapik niya si Agent STARLING sa balikat at humilinh na siya ang bahala dito. Sa wakas ay napigilan na ang Hanabi.

[CONFIRMED]

[HANABI] IS SHUTTING DOWN ...

Biglang namula ang mga mata ni ZEKE habang ngitngit na sa galit at handa nang atakihin sila. "Naku, lagot!" napansin agad ito ni Agent HOTARU.

HINDI PA AKO TAPOS SA INYO!!

RAAAAWRSS!!

Bago pa man isa sa kanila ay mapahamak, napigilan siya ni Agent STARLING habang ipinulupot sa leeg ng kalaban ang kuwintas ni Agent JAY.

"P-Paano mo nakuha 'yan kay Kuya?" gulat na tanong ni Agent FROST (Peter), "Ayos ka lang ba?"

Bago pa man siya makasagot, biglang nawalan ng malay si Agent STARLING. "MINA?!" sigaw niya.

"Kailangan natin siyang madala agad sa ospital. May sugat siya sa likod!" maagap na sabi ni Agent JAY.

BIOMETRICS (🇵🇭 Filipino ver.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon