Kabanata 12 [ENZO pt. 2]

4 0 0
                                    

Sa wakas ay natalo nila sina ZEKE noong alas-11:45 ng gabi. Nagkita muli ang magkakapatid at ama nila sa Sendai kung saan sila huling magkasama. Maipagdiriwang na nila ang tagumpay kasama ng kapaskuhan.


Ika-19 ng Disyembre, 2035 (Wed) sa Rosedale, Toronto.

FSSSH!
BEEP! BEEP!

Sa bakery, makikitang nagtatago si Simon sa likuran habang nagkakahon ang kanyang Tita Judy ng mga paninda niyang keyk. "Kamusta, Jay? Ano ho gusto niyo?" bati ng tita.

"Nandito kami para humingi ng tawad dahil sa ginawa ng kaibigan ko," sabi ni Janus.

"Hay, naku! Buti nga kay Simon yung nangyari sa kanya. Salbahe naman siya," sabwat ni Anna.

"Pero wag nating kalimutan na inapi pa rin siya ni Enzo nang walang kalaban-laban," dugtong ni Janus. "Akala ko naman mabuting tao ang kaibigan ko. Nang ibinalita ni Miss Olsen kay tatay ang nangyari, di man ako naniwala at inisip ko na nagpapauto lang siya kay Simon."

Hindi rin pinakinggan nina Mina, Kris at Peter ang umabot sa kanilang balita pagkauwi nila mula sa Montreal. Sa Japan, huli na ang lahat nang matuklasan nila ang mga krimen ni Enzo. Sa ngayo'y mananatili siya sa kulungan.

"Walang tao ang nararapat na maapi. Sana patawarin niyo po kami, Miss Olsen ... " sabi ni Janus.

Napaiyak na lamang si Simon sa narinig niya. Matindi rin ang kanyang naranasan at hindi makapaniwala na mabait pa rin sila sa kanya kahit hindi mabuti ang nagawa niya sa kanya.

"Napatawad ka na namin ... " sabay ng mag-tita.

Sa apartment.

Abalang nagsusulat ng liham sa kompyuter si Mr. Lee kay Agent Torres.

Nagpapasalamat ako sa mga iniregalo mong bagong schoolbags para sa mga anak kong sina Janus at mga kambal.

Siguradong hindi ko mabibilhan sila ng mga bagong kagamitan pagkatapos kong makita na binasura ang dati nilang mga gamit sa kalsada ng Tokyo.

Pero di 'yun lamang ang pinagsasalamatan ko ... Di ko alam kung mababasa mo ito o muli tayong magkikita.

Malaki rin ang naitulong mo para kami'y magsama at maging ligtas. Maligayang Pasko, Alex (Agent Torres).

BIOMETRICS (🇵🇭 Filipino ver.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon