Kabanata 9 [PAGSULONG]

10 4 0
                                    

November 9th, 2035 (Thu.)
Montreal 16:00

Nagsimulang magkaroon ng niyebe sa siyudad. Habang naglalakad ang apat na magkakapatid ay sinusundan na sila ng isang estranghero.
    Naramdaman agad ni Janus ang papalapit na kamay sa likod niya. Pagtingin niya ay si Enzo lang pala. "Hindi ko akalaing makita ko kayo dito," bati niya. Mabilis kinuha ni Mina ang mahabang metal stick at tinutok ito sa binata. "MINA, NOOOO!" sigaw nina Kristian at Peter. Hindi naman kumibo si Enzo kundi ngumiti na lang ito.
    "Umiwas ka! Isa ka bang espiya ng mga SECRYPHITES? Paano mo kami nasundan?" sinusubukang takutin ni Mina ang nasa harap niya.
     Hinila siya papalayo ni Janus. "Sensya na! Akala niya ay sinusundan na kami ng kriminal," sabi ni Janus. "Hahaha! Maganda at nag-iingat siya lagi. Posibleng may mga aliens nakakalat dito," mukhang tuwang-tuwa itong si Enzo.
    Sabay silang naglakad sa sidewalk. Nadadaanan nila ang mga holographic street lamps. "Bakit nga pala ikaw nandito?" tanong ni Janus. Pumaparito ang kaibigan niya para dalawin ang lola niya sa nursing home tuwing weekends. Hindi daw makadalaw mga kapatid niya kaya siya ngayon ang makikita ng lola.
      "Sinama kami ni 'tay at napag-usapan naming makipagkita mamaya pagkatapos ng company party nila. Maganda daw ang naisulat niyang article tungkol sa mga espiya," kuwento ni Janus.
     Nagtataka naman sina Kristian at Peter kung sino talaga ang peligrong nararamdaman ni Mina, kung hindi talaga si Enzo.
   

Sa pinakadilim na lugar ng Mt. Tenzakura.

"Mukhang lutang itong si Agent STARLING, ah! Hindi siguro magaling itong mga batang agents at hirap nilang mahanap kung saan talaga ang kalaban ... "

Mayabang na wika ni ZEKE. Patuloy niyang pinagdududahan ang kakayanan ng mga agents. Sa tingin niya, walang laban ang mga ordinaryong nilalang ng Earth sa kanila.
   
"May sinabi sa akin si 'Ozone' tungkol kay Joseph Williams. Balita ko ay wala sa matinong kaisipan itong si Agent JAY. Babagsak ang BIOMETRICS kapag nalaman niya ang katotohanan — ang sinapit ng UNIT 45 at pati na rin ang nakaraan niya."

Nakapila ang mga sundalo niya habang pinapakinggan siya, ang pinuno ng mga SECRYPHITES. Sila ang nasa likod ng nangyari noong 2031.
    Nakumpleto na nila ang paggawa ng Hanabi. Ito ay hitsurang metallic na hugis bulaklak, matulis ang dulo at hango ito sa pagsabog ng "fireworks." Kapag napasabog na nila ang planeta at naubos ang mga tao, aangkinin na nila ito.
    
"Totoo 'yan ... " tugon ni Ozone.

BIOMETRICS (🇵🇭 Filipino ver.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon