Kabanata 2 [ALISTO]

22 6 0
                                    

October 11th, 2032.
09:30 sa Rosedale Middle School.

Pumunta si Mr. Lee sa paaralan upang kausapin ang school counselor na si Ms. McCain. "Pasensya na kung 'di maayos hitsura ko. Kailangan ko talagang padala ang mga manuscripts ng nobela ko bago sabihan boss ko na tatanghalian ako ng pasok mamaya," sabi ni Mr. Lee.
"Walang problema. Maayos naman ang ikaw. Ngayo'y alam mo kung bakit nandito ka, diba? Tungkol ito sa anak niyo," sabi ni Ms. McCain.
Malubha ang kinalalagyan ni Janus. Ang kuwento ng mga guro niya ay kakaiba daw kilos nito, madalas ay tulala at nagsasalita ng mag-isa. Maraming nalayo sa kaniya at kung tawagin siyang "baliw." Nakita rin siyang sumisigaw sa hallways kaya naisip ng school counselor na kailangan niya ng specialist.
Ipinaliwanag ni Mr. Lee ang dahilan. "Inampun ko siya dahil wala siyang ibang kamag-anak na pwede niyang puntahan. Namatay ang mga magulang niya sa plane crash noong nakaraang taon at hindi niya masyadong tanda ang insidente," sabi nito. Mabait na tinukoy ni Ms. McCain si Janus na isang kakaibang bata. Mabilis itong umakyat ng sixth grade dahil sa katalinuhan niya.
Ayon kay Mr. Lee, pangarap daw nitong maging kilalang inventor sa Harvard. Pumayag ang paaralan na homeschool muna ng tatlong buwan si Janus hangga't normal na ang kondisyon niya.
"Salamat talaga, Ms. McCain!" ikinatuwa ni Mr. Lee. Nahihiya din nagpasalamat si Janus bago ito nanahimik.

Time check ay 10:00 ng umaga.

Dinala ni Mr. Lee si Janus sa isang bagong pizza restaurant na Spinelli para mananghalian. "Ah, nandito na tayo!" itinigil niya ang sasakyan sa labas.
Kumain sila ng masarap na squid pizza. Nawala ang lungkot at kaba ni Janus dahil sa pagkain. "Hee hee ... Nagustuhan mo, ah? Maganda at masaya ka na," sabi ni Mr. Lee. "Kaya nga! Palagi tayo pumunta dito, 'tay!" sabay ng bata.
Habang nag-uusap ang mag-ama, biglang nagpakita si Agent Torres. Karaniwa'y seryoso ang tingin nito kaya minsan natatakot ang iba sa kanya. "Mukhang masaya kayo sa oras na ito, Mr. Lee," bigkas nito. "AGENT TORRES?!" sabay nagulat ang mag-ama.
Hindi siya sang-ayon sa sobrang alagain ni Mr. Lee sa anak. Nais niya kay Janus na magpakatatag na ito para harapin ang mga nangyayari sa mundo ngayon.
     Nagbabala ang head agent na may mga paparating na espiya ng SECRYPHITES. Ipinaliwanag niya ay natuklasan nila ang amoy ng bata mula noong dinala siya sa Canada at balak nilang patayin ito upang hindi niya ipakalat ang mga aktibidad niya. Naisip nila ay wala na itong buhay noong una nilang pagkita dito sa Vladivostok.
    Isang banta (threat) ang turing nila kay Janus.
     Maingat na naramdaman ni Agent Torres ang presensya ng mga SECRYPHITES — nagpapanggap na ordinaryong tao — sa kainan. 

"TAKBO!" sigaw ni Agent Torres.

Hinila agad ni Mr. Lee si Janus sa braso bago man abutan sila ng kalaban. Nagkagulo na sa lugar at patuloy tumakbo ang mga tao papalabas.
    Umakyat sa ikalawang palapag ang tatlo para makalayo sa peligro. Patuloy silang nasusundan ng mga SECRYPHITES. Itinuro ni Agent Torres ang dalawang daliri — na parang baril — at doon pinatutumba niya mga kalaban gamit ang kapangyarihan niya.
     Si Agent Torres ay kilalang alien hybrid. Ang ama niya ay isang alien na sundalo. Tulad ng ama, kulay violet ang mga mata niya.
    Walang epekto sa kanya habang tinatamaan niya ang mga aliens sa palibot. Ang mahina nilang bahagi ay sa chest cavity.

HSSS ... GURK! ... SPLORT ...

Bigla naman silang naabutan ng isang babae — na SECRYPHITE — at tinumba si Janus. "Huli ka, bubwit!" ang nakakakilabot na boses nito. "JANUS!" sigaw ni Mr. Lee.
    Nakita niya agad sa lamesa ang pizza dish at itinapon ito sa ulo ng espiya. "Bitawan mo anak ko, halimaw!" sabi niya. "Ngayo'y makakatakas na siya ... " pagkatapos ay sinabihan niya si Janus na tumakbo.
    Wala siyang inaksayang oras at nakatakbo agad ang bata. Dahan-dahan bumangon muli ang espiya sa likod. Pinindot ni Agent Torres ang taas ng necktie niya. Habang pa-teleport na sila, tinutok niya ang dalawang daliri at doon niya napatumba ang espiya.
      Sa labas ng bintana, may spy camera na hitsura ay butiki ang nakakita sa pangyayari. Hindi alam nina Janus na pinagmamasdan sila ng 'di kilalang kalaban.

"Huwag kang mag-alala. Nasa bahay na ako ng 19:00. Pangako 'yan ... "

"Sige, Mr. Lee. Mauna ka na at iuuwi ko na si Janus."

Sa isang madilim na lugar, may galit na boses ang maririnig. Posible siya ang may kinalaman sa pangyayari at kausap ngayon si MAKO ...

BIOMETRICS (🇵🇭 Filipino ver.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon