December 23,8:28 pm
Jingle Bells Jingle Bells jingle all the way. Oh what fun it is to ride in a one-horse open sleigh hey!
Nangangaroling ka ba?
Mamamasko po ;-)
Adik, hindi pa pasko
Mamamasko po ng kaunting time mo po
Ha?
Halos isang linggo mo na kaya ko dinededma
Nyek, tampo agad
Text ako ng text, la man lang hi hello
Busy ako, hirap kaya ng student athlete
Kahit Hi lang wla p nmang isang minuto pagtetext nun
Baka mabitin ka lang at wala nga ko oras magtxt
Ganyan ka wala kang oras sakin. :'(
Bakit ang needy mo ngaun, hindi bagay
Haha. Eto talaga walang kalambing lambing sa katawan
Akala ko ba tampo ka, tawa ka pa dyan. Malambing ako no.
Sinusubukan ko lang kung susuyuin mo ko. Haha. Malambing? Sang banda
Ang bading mo, may nalalaman k pang suyo suyo dyn. Malambing lang ako sa mga close sakin.
Ganun? Hindi pa tayo close?
Kelan lang kaya tayo nagkakilala, ni hindi ko pa nga alam name mo. Kaunti palang alam natin sa isa't isa
Dadating din tayo dyan. Someday kusa mo na akong lalambingin. Haha
Hay naku alam ko na, namimiss mo lang may nag-aalaga sayo no. Namimiss mo ng magkagf aminin
Eh kasi naman magpapasko na. Napakalamig ng pasko ko, huhu
Arte mo naman, magkumot ka nalang
Akala ko pa naman magvovolunteer ka na akapin ako,
Extra malandi ka ata ngaun, haha
Extra taray ka naman ngaun, haha
Kasi naman pagod padin ako, ndi pa ko nakakabawi ng pahnga sa training at studies
Buti nlang ndi ako tumuloy magvarsity, xarap tuloy bakasyon ko. Daig kita, nyahaha
E di ikaw na nga, bakit hindi ka magvarsity? Ako kht mhrap, passion ko tlga maglaro
I must admit miss ko na din maglaro, pero kasi medyo natrauma ako
How come?
Nung hs varsity ako pero nung ngcome out ako naoutcast ako sa team, nailang sakn ung majority, catholic school kasi, nagquit nalang ako
Ganun? Binully ka ba?
Hindi naman pero ramdam ko na iba talaga tingin nila sakin, kaya nagdecide ako na hindi nalang sumali ng college
Sayang naman height mo. Pero mas open minded naman ang tao s college. Look at our team, no discriminations. We're a family
Hmm, nkakatempt naman yan, san ba school mo, mkapagtry out, haha
Nice try. Fishing ka ng info. Yung sayo muna,hehe
Sayang akala ko mauuto kita,hehe