AN: Nakakatuwa talaga ang mga comments nyo. Salamat sa lahat ng nageffort pang magcomment at magvote. Malapit na matapos ang story na to. One or two chapters na lang dahil malamang hindi na ako makapagsulat. Magsisimula na kasi ang new chapter ng aking life, hehe. As usual, hope maenjoy nyo to. On with the story....
April 3, 3:49 am
Morning!! :)
Oh, bakit ang aga mo magising? Di ba wala ka training ngayon? Ngayon lang rest day mo di ba?
Ehhhhhh, di ba tuwing Sunday ka nagbibike ng madaling araw? Nakaalis ka na ba? Sama ako, please.....
Weh? Dati niyayaya kita ayaw mo naman
Kaya nga ngayon gumising na ako ng maaga para makasama, sige na, :)
Owkie, madali naman ako kausap hehe. May bike ka ba? Bawal ang angkas, kahit payat ka, mabigat ka pa din hehe
Yups, nung high school ko pa bike yun pero pwede pa naman. San tayo kita?
Dun na lang sa may park. Paalis na ako ngayon. Intayin na lang kita dun. :)
Owkie, Ingats. Kita kits!!
-----------------------
Nauna na si Aly sa park at nagstretching muna sya habang nag-iintay. Maya-maya nakita na nya si Den na paparating kaya kinawayan na nya ito. Pagkalapit nito sa kanya, hindi na nya napigilan ang pagtawa,
"Grabe hindi ka naman mahilig sa pink. At talagang neon pa. Glow in the dark ah. Hahaha."
"Sabi na sayo, nung high school pa to. Cute naman ah." Sabi ni Den sabay pose pa.
"Tsaka kumpleto ka sa gear ah, may knee pads, elbow pads, helmet tapos nakaback pack ka pa. May extra helmet ka pa. hahaha. Park lang po tayo magbibike, hindi po tayo sasali sa marathon. hahaha."
"Oi, magaling na kaya ang maingat. Girl scout ata ako. Ikaw? Bike lang talaga ang dinala mo? Buti pinagdala din kita ng gears. Iyo itong isang helmet." Kinuha ni Den ang dala dala pa nyang kneepads at elbow pads sa bag na bright yellow naman ang kulay at iniabot kay Aly kasama ng isa pang helmet.
"Den naman, hindi ko na kelangan nyan. Ang OA naman nyan. Dalawang taon na akong nagbibike dito, wala namang nangyayari sakin." Pagrereklamo ni Aly.
"Ganun? Pinagdala ka na nga tapos OA? Ayaw ko lang naman masaktan ka, kung ayaw mo.Okay." Matamlay na sabi ni Den at ipinasok na ulit sa bag ang mga gamit. Nakita naman ni Aly na nasaktan ito sa sinabi nya kaya agad-agad nya uling kinuha ang mga dala ni Den at isinuot na ang mga ito.
"Joke lang, ang cool nga ng nakaganito oh. Partner pa tayo, ikaw si Power ranger Pink tapos ako naman si Power Ranger Yellow." Masiglang sabi ni Aly sabay pose ng power ranger.
"Weh, napilitan ka lang eh." Pagmamaktol pa di ni Den
"Hindi naman, swerte ko nga may nag-aalala sakin. Kahit magselfie pa tayo ng nakaganito. Ganda natin, hehe/"
"Sige na, tama na. OA ka na. Tayo na at sayang ang oras, bike na tayo."
Nagbike na nga ang dalawa. Nagpaunahan, nagkulitan, kwentuhan. Mamaya maya naisipan ni ALy na magpakitang gilas kaya agad niyang ipinagmayabang ang tricks na nagagawa nya sa bike.
"Den kaya mo to? Nakakatayo ako."
"Kahit elementary kaya yan hehe"
"Eh ito, isang kamay lang ang hawak sa handle."
"Kaya ko din yan."
"Eh ito, wala ng kamay. Oh ha."
"Dali naman nyan."