January 1, 12:03 am
SWISH--POW--POP!---------HAPPY NEW YEAR MS DENNISE------WEEEEEEEEEEE POP!
Eh? Anong Pauso yan?
Fireworks! Eto naman hindi muna ko batiin, comment agad
Ah akala ko nagrarap ka, hehe. HAPPY NEW YEAR DIN BALDUDZ
Baldudz? Pauso ka din hehe
Baldo+Dude+Valdez=Baldudz hehe
Wow Math. haha. Sige laters na lang ulit, papaputok pa ulit ako.
HA?! Akala ko ba madami ka lalaking kapatid? Bakit ikaw ang magpapaputok?
Bawal na ba magpaputok ang mga babae? GENDER EQUALITY!
Wala akong issue dun. Ikaw ang issue ko. Wag ka na. Magtorotot ka nalang o kaya magkaldero.
Hindi masaya ang New Year kapag hindi nagpapaputok
Ala pa. Sinasabi ko sayo manuod ka na lang sa nagpapaputok
Bakit ba?
Kapag naputulan ka ng daliri wala ka ng pantext
Nax concerned. :)
Basta wag ka ng magpaputok
Mag-iingat ako. Pramis. Para sayo. O ha. hehe
Naku patay ka sakin. Sabi ng wag na eh.
Hoy!
Valdez!!!!
Sige ka sakin!
--------------------------------
12: 57 am
AS promised I'm back with all ten fingers. And complete toes pa hehe
Tulog ka na?
Ambilis naman.
Pssst
Sige na nga, tulog ka na. Maya kita kulitin. Gunytz! Maligayang Bagong taon muli. :)
---------------------------------------
8:34 am
Good Morning Den!
Tulog pa?
---------------------------------------
10:56 am
Gising ka na naman siguro ngayon?
Oi
Galit ka ba?
Eto naman kabago bagong taon dinededma ako
Gusto mo ba buong taon tayong dedmahan?
:c
Ikaw kasi ang kulit mo, hindi ka marunong makinig
Matigas sadya ulo ko, sabi din yan ng nanay ko. Buti pinansin mo na ko
Hmp. Magbago ka na bagong taon na. Tama na ang pasaway.
Ikaw din magbago ka na. Tama na ang tampo tampo