Feb 28, 7:10 am
Gising ka na?
Hindi tulog pa ako. Tulo laway pa nga
Loko! Ano? Kamusta na pakiramdam mo?
Ayos na po doktora. Super effective ng Kisspirin nyo. Kaya lang kulang pa ng YAKAPsule.
Tse!! Ang luma ng mga banat mo. Umayos ka nga. Tinatanong ng ayos. Sumagot ka ng ayos.
Ayos naman ang sagot ko ah. Ayos na po ako. Konting singhot na lang. Papasok na nga ako.
Ha? Sigurado ka ba? Baldo hindi ka si Superman, kapag hindi kaya, huwag ng pilitin. Baka mahimatay ka pa dun, nakakahiya lang.
Ganda na ng simula biglang kabig. Opo master, ayos na po talaga ako. Kayang kaya ko na. It was a moment of weakness. Hindi man ako si superman, ako naman si Bagyong Baldo! hindi ako matitinag ng lagnat!!
Umaandar na naman ang kayabangan mo. Bagyo nga, puro hangin kasi. Siguraduhin mo lang yang mga pinagsasasabi mo. Lagot ka sakin kapag hindi.
Daig mo pa si Mama. Ampunin mo na kaya ako? hehe.
Baka tumanda akong maaga sa katigasan ng ulo mo. Sigurado ka talagang papasok ka na? Ano ba naman ang isang araw na absent, tatlo lang subjects mo ngayon di ba?
Nax saulo ang sched ko. Yup, yun na nga tatlo lang, maano ba yung apat na oras, nakaupo lang din naman ako. Iba na ang masipag mag-aral, hehe
Sus, siguraduhin mong pag-aaral ang inaatupag mo. Mamaya nanchichix ka lang kaya papasok, kukutusan talaga kita.
Ang galing mo talaga, pano mo nalaman? haha
VALDEZ!!! Pupuntahan kita dyan, itatali kita sa kama mo!
Hala! Fifty Shades of Grey?hahaha. Joke lang, si Donya lang ang chinichix ko dun haha
Papadalhan na lang kita ng picture ni Ella, kung gusto mo yung portrait pa, isabit ko dyan sa ceiling mo. Huwag ka ng pumasok kung yun lang pala dahilan mo.
Haha. Huwag na po. Pano kapag ikaw naman ang gusto ko makita?
Weh. Madami akong picture dito. Bibigyan kita ng isang album.
Sus, hindi man lang ako pupuntahan.
Gusto ko man. Madami akong gagawin ngayon. Andito na nga ako sa school, in 5 mins may klase na ako. Kinamusta lang kita.
Ganun? Sad naman. Pero thank you na din, may nag-aalalang kuting sa aso. hehe. Sige na makinig ka na dyan, ayos na ako. Mag-aayos na din ako at papasok na din ako.
Owkie, alalay lang ah? Tinext ko na si Ella, sabi ko bantayan ka. Huwag ng pasaway ah. Ingat!
Yes commander!
March 2, 8:32 am
Magandang umaga Iron Eagle!Morning din, anong ganap kagabi?
Party party, haha
Kaya pala ndi na nagparamdam
Tampo xa,hehe, atleast ndi na kta ntwagan ng lasing,haha
Naglasing ka?! Oi ang atay mo magmamaktol na
Ndi naman po doc,kaunti lng naman, tamang inom lang,hehe