Chapter 13

18K 462 82
                                    

AN: Finally ang inaabangan ng iba dyan hehe. Real meeting na po ito. Hindi panaginip. Real convo pero same fomat, bold for Baldo and Italicize for Den.

THE MEETING

"Hi pusa!"

Dennise just kept staring at Aly, still baffled as to what is happening.

So with a smile Aly handed a tissue to Den,

"Tissue, pampahid sa tulo laway mo, haha." Because of Aly's laugh, Den was pulled out of her reverie.

"Ikaw? Ikaw nga! Boses mo nga yan! Ikaw nga! Ang pinakahambog na textmate na nakilala ko!" Den said while throwing back the tissue to her.

"Hahaha, pinakamaganda kamo."

"How in the hell?! Katetxt lang kita kanina. And how did you know it was me?"

"May lahi akong magician, Chereren, Im here. Haha. Nakita ko ang buntot mo at whiskers kaya alam kong ikaw na yan, haha"

Pinaghahampas na lang ni Den si Aly sa braso, "Hanggang dito ba naman pinaglololoko mo ako. Anong ginagawa mo dito? Pano ka nakapasok sa school ko? Sagutin mo ng matino. Babanatan kita dyan."

"Aray. Aray naman. Sadista ka talaga, akala ko sa text lang pati pala sa tunay. Kinanya na ang school, school ko din kaya to. Hep hep. Paupuin mo muna ako at ngalay nako."

Ipinatong ni Aly ang kamay nya sa mukha ni Den ng tangkain nitong magsalita sabay tabi sa upuan nito,

"Yuck! Pwe! Karumi, kelangan talaga ilagay ang kamay mo sa mukha ko, baka kung san pa galing yan."

"Excuse me, mamahalin ang sanitizer ko kaya malinis yan." Sabay busangot pa lalo nito sa mukha ni Den.

"Eh naman, alis na. Teka school mo din to? Dito ka nag-aaral? Did you already know me? Baka stalker na talaga kita tapos kunwari ka pang naligaw lang ang text mo. My Gahd fan siguro kita-"

"Grabe naman parang armalayt ang bibig mo. Dahan dahan naman walang nahabol."

"Ikaw kasi bigla kang nasulpot. Sagot na"

"Bossy. Okay. Yes school ko din to kaya Hi Schoolmate!.Yup, fan na fan mo ko. Puro poster mo nga ang nasa kwarto ko. Mukha mo ang nasa dingding at kisame ko."

Nanlaki ang mata ni Dennise at napangannga sa narinig.

"Joke. Nastroke ka na dyan. Asa naman, baka bangungutin lang ako. No, hindi kita kilala, aksidente lang talaga ang pagkakatext natin. No, hindi mo ako stalker and no hindi mo ako fan, you wish. haha."

"Walang hiya ka! Puro ka joke na hindi nakakatuwa. Hindi mo talaga ako kilala?"

"Naririnig ko na yung princess libero na sinasabi nila, malay ko ba na ikaw yun, at ngayon pa lang kita nakita. Hindi kasi ako mahilig tsumismis kahit sa mga sikat na volleyball player pa hehe."

"Then how did you really know that it was me? At wala akong buntot no."

"haha. Tinext ko si Ella, tinanong ko ang tambayan mo.Pagdating ko dito, nakakita ako ng maputi tapos tinanong ko ulit si Ella kung ikaw nga ung may shoulder bag na may pin na "ilovedogs". Kaya here I am. May tanong ka pa?"

Umiling lang si Den cause she's still processing everything.

"Getting all that out of the way. Hi Dennise. I'm Alyssa. Nice to finally meet you." Iniabot niya ang kanyang kamay sa dalaga. "Malinis yan, kagagaling lang nyan sa mukha mo."

One Message ReceivedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon