Chapter 1

3.3K 178 70
                                    

Chapter 1 #smashedsrs

Hindi ko gets sa mga minor subject requirements kung bakit daig talaga nila minsan ang sa mga major subjects.

Our instructor was discussing about his final requisite given that the final stage was already nearing. Parang kape lang talaga iyong finals minsan—lakas magpakaba.

"Umaasa akong lahat kayo ay makakapagpasa dahil madali lang naman 'yon at mahaba pa ang oras."

Napanguso ako. Madalas talaga, joker ang mga instructor na nagbibigay ng projects. Anong madali ang sinasabi nitong si Sir? Hmp!

"That is all for that. Naisingit ko lang ang tungkol sa final project ninyo. Let's now continue with our lesson."

Tahimik akong bumuntong hininga saka tumayo. Sa gilid ako dumaan palabas ng classroom habang nagpatuloy na sila sa discussion ng huling topic na rin yata namin.

Nanginginig na dumiretso ako sa restroom kasi lamig na lamig na talaga ako kanina pa. I was just waiting for our instructor to conclude his announcement. Parang nagiging fridge na kasi minsan sa lamig ang classroom.

And to my misfortune, there were more days that I'd forget to bring a jacket than those days that I'd remember.

I was rubbing my palms against each other to feel some heat before I strode toward the hand dryer which was my sole purpose in going here. Pinainitan ko ang mga kamay dahil halos magyelo na ang mga ito.

I stared at myself in the wide restroom mirror right before me as I warmed. I had fair skin that appeared pale since I was currently freezing. But I liked how my lips still managed to look glossy pink despite the soft trembling.

May kasingkitan ang mga mata ko kaya halos walang nakita nang matinding humikab. Inaayos ko na ang lagpas kaunti sa dibdib na buhok at saka strawberry hair clips sa magkabilang banda ng ulo nang humikab uli.

Si Sir, oh! Hindi lang joker kasi sleeping pill na rin!

Upon getting anxious that I might be missing a whole semester kahit na ilang sandali pa lang naman akong nawala sa classroom, lumabas na ako.

Mabilis ang lakad ko, kung hindi ko lang sana napansin ang gulat sa mukha ng isang lalaki nang makita ako. He had a quick reflex to cover his face with his backpack that his friends eyed him with surprise etched on their faces.

His friends searched for the cause of his reaction. Tumama sa akin ang tingin ng dalawa, nagliwanag ang mga mukha, at tinawanan iyong kaibigan nila.

I continued walking but at a relatively slower pace. Medyo napaisip ako roon. Did he hide his face from me? Or was I just assuming things?

Pati rin naman sila ay patuloy na naglakad, iyong isa ay nakatakip pa rin ng bag. My forehead crinkled and... yes, it bothered me a bit.

What's the matter with this three tall guys? Oo, ang tatangkad nila! Sila 'yong bagay gawing trees sa role plays noong grade school... ang kaso lang, may mga face value rin kaya sayang naman!

"Balitang-balita, sa radyong sira! Uno Zorca, hiyang-hiya!" narinig kong tukso ng isa nang magkalagpasan na kaming apat.

My lips went ajar as recognition dawned on me. Kagabi lang naman iyon nangyari kaya naalala ko agad. So, he's that Uno Zorca! Ang wrong sender!

Napangiti ako at nilingon uli silang tatlo. None of them was looking at my direction at the moment.

"Hindi ka naman kilala n'on, brad, ano ba!" sabi naman ng isa kay Uno.

Diyan sila nagkakamali. Kilala ko na kaya. Uno Zorca; the wrong sender.

Knowing about it now got me less bothered. Diniretso ko na ulit sa daan ang tingin. He was that shy because of it? Ano ba siya, okay lang naman 'yon! Kahit medyo nairita ako sa texts niya, wala na sa akin 'yon!

SmashedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon