Chapter 10

3.1K 178 78
                                    

Chapter 10 #smashedsrs

Tinungga ko ang flask ko habang pinanonood si Jenica na pulutin ang mga nagkalat na shuttlecock. She lost the match and that was her consequence. I was about to stand to lend a hand when somebody did it first. 

Napalingon din si Jenica kay Uno na tinutulungan na siyang magpulot.

"Oy, Zorca!"

Tumango si Uno bilang pagbati. "Natalo ka?"

"Oo, wala ako sa mood, eh." Jenica laughed over it. "Ayos lang. Sports!"

Nagkita na kami ni Uno kanina. We were training at the same court. We only had several eye contact and exchange of smiles earlier because we didn't have a chance to talk given that we're in a different division. Doon siya sa side nilang mga lalaki.

In the end, I still pulled myself up to help them. Napatingin silang dalawa sa akin at napasinghap si Jenica.

"Hala sila!" she exclaimed laughingly. "Humindi na nga ako sa tulong nina Rhea at Patrice kanina, eh," tukoy niya sa roommates namin.

"Hey. It's okay!" I said using a bubbly voice.

Napatingin ako kay Uno na sa may pwesto ko naman namumulot ng mga shuttlecock. I glanced at his previous area and saw no shuttlecocks already. Hinayaan ko na lang siya at inubos ang sa mismong kinalulugaran ko.

Pagkalagay ko sa lalagyan ng pinagpatong-patong na shuttle, pumihit muli ako para balikan iyong isa pang sulok na nakita ko kanina. But Uno's built blocked my way.

Inabot niya sa akin ang ilang napulot. "Ako na do'n. Pahinga ka na."

Natulala ako sa likod niya nang mag-jog siya papunta sa dapat ay pupuntahan ko. I tightened my grip on the shuttlecocks he gave me. Kapapahinga ko lang at tumulong na ako kay Jenica kasi nakapagpahinga naman na ako nang kaunti.

But I just sighed in the end and decided to help Jenica again.

"Uy, Rivi, ako na bahala dito," sabi ni Jenica na iniipon na ang mga lalagyanan. "Mauna na kayo. Anong oras na."

"You sure? Parehas naman tayo ng uuwian," katuwiran ko.

"Ay!" she gasped. "Gusto mo ba sabay tayo? Sige, next time. May lakad ako ngayong gabi, e. Sorry. Sa sunod talaga. Promise."

"Oh, no," I said in a panicky manner. "No, don't be guilty." Napatawa ako at kinampay ang aking mga kamay. "Next time, then."

She smiled broadly at me. "Alright! Una na ko, ha?" paalam niya, nakakapit na sa cart kung saan naroon na ang mga pinulot namin.

Pinagmasdan kong sinalubong siya ni Uno para roon sa mga huling batch na napulot nito. She waved at Uno after and Uno nodded with a smile.

Lumakad ako pabalik sa upuan kung nasaan ang flask at bag ko. Nakatayo kong inayos ang mga gamit ko. Naaninag ko naman sa gilid ng aking mga mata ang paglapit ng bulto ng lalaki. Obviously, it was Uno.

"We're eating dinner. Gusto mong sumama?" anyaya niya pagkaupo sa upuan katabi ng bag ko.

I stopped in my tracks and looked at him. My eyes slitted when I contemplated. Kakain din naman talaga ako. But I didn't know where yet.

"Zorca, men! Una na kami."

Napalingon ako sa mga lalaking lumapit sa amin that were all dressed with no traces of sweat. Mukhang mga nakapagpalit na. May mga bitbit din silang sports bag. Ka-division yata sila ni Uno.

"Sa'n ka kakain? Kasama mo sina Jones?"

"Yeah, as usual. Kayo ba?" tumango-tangong sagot ni Uno.

"Ah. Sa bahay na 'ko. Sila rin ata, eh."

SmashedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon