Chapter 6

2.4K 181 55
                                    

Chapter 6 #smashedsrs

"Galing din dito sina Ulrich at Stancent kanina. Kakaalis lang nila," biglang nagsalita ang ate ni Uno kaya sabay kaming nag-angat ng tingin.

"Really?" si Uno. "Dumiretso sa kusina?"

"How did you know?"

Uno chuckled. "Mga buraot ng handa."

Pumalatak at umiling-iling ang kapatid ni Uno. I felt miserable not knowing this deity's name. Para nga ring nakita ko na talaga siya somewhere. I just couldn't pinpoint where exactly. Malamang sa internet? O saan ba?

"What's your name?"

Bahagya akong nanigas. Hindi ko nga lang ipinahalata sa babae. "Uhm... Rivithymia Sio po. Puwedeng Rivi na lang po."

"Okay, Rivi. Ngayon lang kita nakita. I've only heard about you as in right now too. Sigurado bang hindi ka lang kinuha niyang kapatid ko to pretend?"

Exactly.

It was followed by Uno's successive coughs. Nasamid yata sa sariling laway. Habang ako, kabang-kaba na rin dito. I had to badly stop my eyes from enlarging. Gusto ko na ring busalan ang bibig ko para less talk, less mistakes.

Ano kaya kung mag-kiss tayo? OMG ka talagang gaga ka, Rivi! Pano'ng ano kung mag-kiss kayo?! I know na ma-effort ka sa mga bagay lalo sa school, pero hindi mo ikaka-A na letter grade kung hindi kayo mabisto ni Uno rito, ha!

"Rising artist ka, Ate. Hindi writer o story maker."

Uno's sister glared at him before she said, "Akyat lang ako."

Tahimik namin siyang pinanood na umakyat sa hagdanan nilang puno ng decorations hanggang sa hindi na siya tanaw mula rito sa baba. Doon lang ako lumingon kay Uno.

"Natatakot ako," I admitted.

Napahagod siya ng buhok pataas dahil sa inamin ko. "'Di ako aalis sa tabi mo. Don't worry."

"Sobrang ganda ng Ate mo kaso... scary."

"Baliw nga 'yon. Parang ang sungit yata ngayong gabi. Hindi naman siya gano'n," aniya, nakanguso at salubong ang mga kilay. "Minsan lang."

That's probably because she likes somebody else for Uno. Sinarili ko ang takot ko sa maaring trato sa akin dito mamaya. May ganoon, 'di ba? Kapag hindi bet ng kaanak ang ipinakilala, pangit ang trato? Kinakabahan na ako!

"What's her name?" tanong ko na lang.

His lips suddenly stretched with the radiating humor. "Kanina."

"Huh?"

Pinalaya niya na ang tawa na kinimkim. Umiling-iling din siya kahit natatawa pa rin. "Sabi kasi ni Mommy dati, namali siya noon ng type sa 'kanina'. Nagandahan siya sa 'kajina' kaya ayun ipinangalan kay Ate Ka. Cute."

"Weh? Nice! Sana lahat ng typo, suitable for a name," I replied laughingly. "But really, what's her name?"

"Kajina Cashana."

Humaba ang nguso ko habang tumatango-tango. May isang bagay rin na pumasok sa isipan ko. Ayaw ko na sanang banggitin na kaso lang ay hindi ko mapigilan.

"Uhm... Alam ba niya 'yung nangyari sa badminton set mo na... galing sa kaniya?" I asked nervously. Ilalaglag din ba ako ni Uno mamaya? That I was the culprit of what happened?

Natigilan si Uno sa narinig. Sinasabi ko na nga ba! Wrong move!

Suminghap siya at umiling. "Hindi ko alam paano sasabihin."

Just with that, I instantly felt the guilt embracing me. "I'm really sorry, Uno."

He shook his head as if telling me to brush it aside. "Let's not cry over a spilt milk."

SmashedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon