Chapter 9

2.1K 159 18
                                    

Chapter 9 #smashedsrs

"Yeah..." Napahagod siya ng mga daliri sa buhok at nilingon ang entrance ng building nila. "I'm with Ulrich and Stance. Pababa na rin mga 'yon. Can you wait?"

"Sure!" gulat kong sambit. "I didn't know they're athletes too."

Nakakunot pa ang aking noo nang maisip na manlalaro rin ang dalawa. Hindi naman sa hindi halata iyon. Sadyang hindi ko lang siguro sila napag-isipan ng ganoon.

He smiled at me. "They are, but not badminton. Nag-breakfast ka na?"

"Uhm... Oo. Bread lang."

Nangingiti siya nang nagtaas ng isang kilay. "You're fine with just that?"

"P'wede na," I answered, shrugging my shoulders and with also a small smile. My eyes widened when I spotted his friends exiting their building. "Ayan na sila!"

Kasusuot lang ng I.D. si Stance habang naglalakad at si Ulrich naman ay tumigil sa tapat ng nakaparadang sasakyan doon upang manalamin sandali. Sumisipol si Ulrich nang palapit na sa amin ni Uno. Parehas silang natigilan nang mamataan ako.

"Miss Rivi!" Ulrich exclaimed while they were both nearing us.

"Miss ka nang Miss. Rivi na lang," nakangisi kong sinabi.

"Saan ka... galing?" litong tanong ni Stance sa akin at lumingon sa paligid namin. "Sinundo ka, brad?" tanong niya nang dumestino ang mga mata kay Uno.

"Huh? Ba't ako susunduin?"

Ulrich chuckled in the background.

"Kasali na siya sa badminton. Naka-dorm na rin," dagdag na paliwanag ni Uno.

Namilog ang mga mata ni Ulrich at mangha akong sinipat. "Nice! Galing, ah!"

Sinangga ko ang palad ko sa kaniya dahil nakaangat iyon at malinaw na nag-aabang ng high five. "Hindi, ah. Sakto lang. Salamat."

Nanunudyo niyang tinakpan ng palad ang bibig, may takas na ngiti. "Sus! Humble!"

Kusang umusli lang ang aking nguso. Hindi naman talaga, eh. I don't think highly of myself when it comes to badminton even if it's the sport I deeply love.

Sa tingin ko, ayos lang naman 'yon. Na aminin natin sa sarili natin na hindi tayo o hindi pa tayo magaling dito o riyan. O kaya kung may mga bagay talaga tayong hindi kaya. Kasi normal lang naman 'yon, 'di ba?

Saka kapag alam kong nagkukulang pa ako, mas magkakaroon ako ng drive na mas pag-igihan ang ginagawa at mas matuto. Personally, mas matindi iyong urge na nararamdaman ko niyan.

Pabiro akong h-in-ead to foot ni Stance. "Sa datingan na 'yan? Feeling ko MVP levels."

Nanlaki ang mga mata ko. Ang OA!

"Sabi nila... magaling ako. Naniniwala naman ako. Pero alam kong hindi sa level ng mga star players." Napabuga ako nang hininga at kumapa ng mga salita. "Basta, hindi pa ako satisfied. Para sa'kin, I'm not yet that great."

Ulrich's face suddenly softened and concern crossed his eyes. "Hala ka naman. Ba't mo naman dina-down bigla sarili mo—"

"No, no! I'm not!" natatawa kong tanggi. "I was just being honest. And I didn't mean that in a bad way na as if minamaliit ko na sarili ko. 'Wag kang mag-alala."

Bumaling si Ulrich sa gilid nang inakbayan siya ni Stance. Kita kong halos sakal na nga ang estilo ng pag-akbay nito sa kaibigan.

"Tara na, almusal," anyaya ni Stance.

"May klase na yata si Rivi, eh?"

I transferred my eyes to Uno who was looking at me while waiting for my response. Kaagad kong pinindot ang cellphone na hawak ko lang para makita ang oras.

SmashedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon