Chapter 3

2.4K 210 127
                                    

Chapter 3 #smashedsrs

I stopped after a few steps. Pumikit ako nang mariin at bumuga ng hininga. May mga bagay kasi na kung lagi mong tatakasan, lagi ka lang din hahabulin. People often ask how to break the cycle. I think it's pretty simple. Just stop and face what you are running from.

I did something that entails a consequence. I have to face it. Kaya hindi man malakas ang loob ay pumihit ako.

I saw Uno Zorca's eyes still directed to me. Bahagyang nanlaki ang mga iyon nang humakbang ako palapit. Bigla niya ring itinagilid ang katawan na tila umiiwas. Bakit siya ganyan?

His two companions noticed him and they saw me too. Bakas ang pagkabigla sa dalawang lalaki nang makita ako. Sila rin yata iyong kasama nitong si Uno noong nakaraan.

"H-Hi," I greeted shyly when I stopped in front of them. Sinulyapan ko rin ang dalawa niyang kasama saka ngumiti nang maliit.

"H-Hey," utal na bati noong isa. Unlike sa akin na hiya ang rason, pagkabigla ang sa lalaki. "Rivi Sio!" he mentioned my name.

It was my turn to be taken aback. "Kilala mo 'ko?"

Nagkaawang ang mga labi nito. His hand flew to his nape and although my eyes couldn't access, I know he brushed it. "Ah... Naging kayo kasi ni Lizeo Acerbo, 'di ba? Classmate namin 'yon dati kaya kaibigan na rin."

I hindered myself from showcasing a scowl at the mention of Zeo's name. Tumango-tango na lang ako sa lalaking nagsasalita.

"Ulrich," pakilala niya sa sarili. "Ta's Si Stance. Saka... si Uno... na kilala mo naman yata."

That was like a reminder that made heat hover on my cheeks. Oh, yeah, si Uno... na nagkamali ako ng pagkakakilala.

Pero ipinagtaka ko kung bakit nagpigil ng tawa iyong si Stance. Hindi rin nakatakas sa akin ang sinubukang ilihim na pagsiko ni Uno kay Ulrich.

"Uhm... Uno," tawag ko.

I was hesitant because their reactions agitated me. Were they making fun of me in a way that they're the ones who could only understand? O iniisip ko lang ba ito?

"Uy," si Ulrich sa kaibigan. "Uno, tawag ka ni Rivi. Snobber ka na?"

"Uno, umayos ka. Walang snobber sa Bradiez. Wrong sender lang."

Nakita kong sinamaan ng tingin ni Uno ang mga kaibigan. Ulrich and Stance just laughed over it.

Sa wakas ay tiningnan ako ni Uno. He cleared his throat. "Bakit?"

"I'm sorry."

Kumunot ang makinis na noo niya. "Para saan?"

Medyo nagulat ako roon. Pati si Ulrich at Stance ay nakatuon ang atensiyon sa akin. Their eyes were all inquisitive and puzzled. I eyed the three of them successively with confusion too. Para tuloy kaming nagkakalituhan na magkakaharapan.

Pero agad ko ring napagtanto kung saan may mali.

"'Wag ka na mag-worry sa wrong send mong text. Uhm... Kapatid ako ni Rivo. Nagkausap tayo sa tawag kahapon. A-Ako 'yung..." hindi ko na nagawang ituloy sa hiya, lalo at nag-iba na rin ang itsura ni Uno.

His friends emitted manly gasps. Para tuloy kaming may sound effects sa background.

I bit my inner lower lip when Uno remained staring at me with furrowed eyebrows. He wasn't speaking which caused a dead air between us.

"Sorry talaga. Ayaw mo ba talagang palitan namin ni Kuya?"

"'Wag na," mabilis niyang sagot.

Ang bilis nagbago ng atmospera namin. Kanina lang ay hindi pa ako maharap ni Uno pero ngayon, ka-ugali niya na rin iyong Uno sa tawag kahapon.

SmashedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon