Chapter 44: Trials to Spice it up

533 20 5
                                    

Dedicated to @heartbroken_angel

Maraming salamat po sa pagsuporta sa storya ko :) Salamat din sa mga sweet na sinabi mo sakin hihi. Sana magustuhan mo pa ang iba ko pang susunod na story. Can't find the right words to say thank you. Sana magustuhan mo pa to :D

- - - - -
Kathryn's POV

It has been 3 weeks na naging smooth sailing ang samahan namin ni Johnny. Tuloy tuloy ang panliligaw niya sa akin pero netong mga nakaraan, oras. Yan ang nagiging problema namin. Parehas kasi kaming nagiging busy sa kanya kanyang trabaho. Pero mas nawawalan siya ng oras, noong una, nababawasan ang pagkikita namin. Na sabi ng barkada, mas okay para hindi magkasawaan. Habang tumatagal, text na lang ang namamagitan namin. Minsan, nakakatulugan pa niya ako. Pero netong mga nakaraang tatlong araw, parang kung hindi pa ko magtetext ay wala siyang balak na itext ako. Parang ako na nga yung nanliligaw, pero alam ko naman na busy siya kaya I have to understand. Hays, ganito pala kahirap magmahal, hindi pa kami magboyfriend neto pero nahihirapan na ko.

"Tulala ka na naman dyan, 'nak" nagulat ako nang marinig ang boses ni Tyang mula sa likod ko. Nandito lang kasi ako nakaupo sa may bintana at nakatingin sa kawalan. Alas sais na ng gabi at hanggang ngayon, wala pa din siyang text sa akin. Tinitiis ko para naman makaramdam siyang itext ako.

Nginitian ko lang ng malungkot si Tyang. Alam kong alam niya na nahihirapan din ako.

"Anak, you have to understand na may mga priorities kayo before nyo pa mameet ang isa't isa. " napatingin ako sakanya. Nakatingin ng malayo si Tyang habang ako nakatingin lang sa kanya.

"Mahalaga ang oras sa relasyon. Pero pag unawa at komunikasyon ang magpapatibay sainyong dalawa." pagpapatuloy ni Tyang.

"Tyang alam ko naman po na may ibang mundo siya bago ako dumating sa buhay nya, pero sa haba ng isang buong araw, kabawasan po ba ang isang text man lang?" sabi ko at tuluyan ng tumulo ang luha ko. Hindi ko mapigilan e.

"Nak, you have to be mature enough sa ganitong bagay. Hwag kang maging marupok. Hindi pwedeng paikutin mo ang mundo mo sa kanya habang siya marami ang umiikot sa mundo niya. Ikaw at ikaw ang mahihirapan." sabi ni Tyang at niyakap ako mula sa likod.

"Sorry Tyang. Sorry." sabi ko habang patuloy ang paghikbi.

"Ssshhh. Hindi kasalanan ang magmahal. Ang mahalaga, you learn from the experience you have and you had. Bigyan mo siya ng laya kasi kung sasakalin mo siya, magsasawa siya. Hayaan mo nak, kung talagang mahal ka niya, kusa siyang kakatok sa pinto mo at sasabihing, may oras siya sayo." sabi ni Tyang nakapagpagaan ng loob ko.

"Tyang, okay lang kaya na itext ko siya? Okay lang kaya ako ang unang mag first move?" sabi ko na nag-aalinlangan.

"Mahal mo diba? Hindi ka dapat nagdadalawang isip sa bagay na yan. Go, go, Go!!!!" sabi ni Tyang at nagkatawanan kami. Okay na ko. Masasabi kong okay na ko.

Walang anu ano ay nagpatulong ako kay Tyang magluto ng paboritong Kaldereta ni Johnny. Alam kong nung una ay failed ang naganap nang ipaghanda ko siya dahil nagkaaway kami. Ngayon, sisiguraduhin ko na magiging okay ito at magiging okay kami.

Tama nga siguro si Tyang, pagsubok lang lahat to. Alam ko naman na makakayanan namin ito e. Pagkaluto ko ay tinawagan ko agad ang barkada. Baka sakaling alam nila kung nasaan si Johnny. Tumatawag kasi ako sa kanya kanina pa pero hindi sinasagot e. Dati, naghihinala ako pag ganito, pero may tiwala naman ako kay Johnny, alam kong busy lang siya.

Tinawagan ko si Khalil pero answering operator lang ang sumagot. Siguro busy din yun kasi mag-oopen na ang bagong bakeshop niya e. Si Quen naman, out of coverage area, baka kasama na naman si Juls nun dahil pag sila magkasama, bawal ang cellphone. Gusto nila, walang istorbo, unless kung alam nilang may mahalagang tawag. Kaya, isang tao na lang ang alam kong dapat kong tawagan. Ang best friend ni Johnny.

"Hello? Kath, napatawag ka?" sabi ng lalaki sa kabilang linya.

"Ahm. Pasensya na sa abala Dom ha. Tatanong ko lang sana kung alam mo kung nasan si Johnny?" sabi ko na medyo kinakabahan.

"Naku Kathy, hindi e. Hindi nga din nagtetext yung kumag na yun ilang araw na. Bakit, may usapan ba kayo ngayon?" sabi ni Dom na may himig ng pag-aalala.

"Wala naman, buong araw kasi siyang hindi nagtetext e." sabi ko na halata ang pagkalungkot sa tono ko. Eto na naman ako. Hindi ko na naman mapigilan.

"Ganun ba, baka busy lang talaga siya. O baka nagpapamiss lang yun. Hayaan mo, tatawagan ko o pag nagkita kami babatukan ko para malaman niya na ginagawa niya." sabi ni Dom at natawa ako pero narinig ko siyang umaray sa kabilang linya.

"Dom, are you okay?" sabi ko kahit medyo natatawa pa.

"A-ah oo, oo naman! May mga EPAL na langgam lang kasi na kumagat sakin. Sweet daw kasi ako, hindi tulad nung iba dito." sabi niya at parang may inaasar.

"Hay naku ewan ko sayo. O sige na, baba ko na to. Tawagan ko uli si Johnny, basta pakitext agad ako kung sakaling may balita ka na ha." sabi ko sa kanya at nagpaalamanan na kami.

Tumingin ako sa oras at 7'o clock na ng gabi. Hays, sana dumating siya. Miss ko na siya. Ganito pala talaga ang relasyon, parang ulam lang tulad netong Kaldereta. Kelangan ng Spices, pero samin, Trials ang dumarating to Spice the relationship.

- - - - -
Hellooooo! Sorry baka once a week na lang ang update ko dito kasi sobrang busy talaga . Kaya inaabot ng 3 days ang pagsulat ko ng draft tapos revision at review pa. Sorry uli pero sana patuloy nyong suportahan :))) Iloveyouall :***

@miss1ofakind

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Find Its Way [ KATHNIEL ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon