Chapter 42: Birthday Gift

526 24 6
                                    

Dedicated to @sofiaPadilla

Salamat sa maganda mong feedback tungkol sa LFIW. Masaya ako at maraming nagmamahal sakin at sa story. Sana ay magustuhan mo hanggang huli :)

- - - - -
Daniel's POV

Maaga akong nagising para sunduin ang aking prinsesa. Birthday ko kasi ngayon at napagkasunduan ng barkada naicelebrate ito sa condo ko. Simpleng handaan lang naman, masaya na ko dun, buo na birthday ko basta okay kami ni Chandy.

Oo okay na kami. Finally. Sana nga wala ng away na susunod pa, pero alam kong malabo yun kasi yun ang trials na nakakapagpatatag ng samahan. Hindi pa man nya ko sinasagot ay sapat na sa akin na alam kong mahal nya ko. Naiintindihan ko kasi na hindi pa siya handa, pero at least malinaw sa akin na may nararamdaman siya para sa akin.

Mutual Understanding. Yun siguro ang meron sa amin ngayon. Malabong Ugnayan para sa iba pero hindi malabo yung samin. Malinaw na malinaw. Hehe. Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti pag naalala ko na sinabi niyang mahal niya ko. Hay, lakas makabading! Parang hindi ko. Lol.

Nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang babaeng kanina pa takbo ng isip ko.

"Happy Birthday!" sabi niya sabay kiss sa pisngi ko. Parang saglit na tumigil ang mundo ko. Shet! Ngayon pa lang, buo na ang araw ko. Bading ko na talaga.

"B-bakit ka nandito? Diba susunduin kita?" sabi ko na nauutal pa. Hindi pa din ako makaget over sa simpleng halik sa pisngi.

"Kailangan nauutal? Sinorpresa lang naman po kita kasi ayokong mapagod ka ngayong birthday mo." sabi nya na may matamis na ngiti sa labi sabay pasok na sa condo.

"Pasensya ka na ha. Wala akong regalo sa ngayon, kasi mamaya pa daw yung dating e." sabi niya sabay kamot sa noo nya.

Nilapitan ko siya at niyakap mula sa likod. "Hindi mo na kailangan magbigay ng regalo kasi ikaw na mismo ang pinakamagandang regalo na natanggap ko sa buong buhay ko".

"Ganyan pala pag tumatanda, kumokorni?" sabi niya sabay kalas sa yakap ko at tumakbo papuntang kusina.

"Ako? Matanda? Sino nagsabi?" sabi ko at natatawa sa kanya.

"May nagsabi bang matanda ka? " sabi nya at natatawa pa. Nagtatago siya sa may gilid ng ref kasi papalapit na ko sakanya.

"May narinig ako sabi antanda ko at ang korni ko? Hahaha" sabi ko at unti unting lumalapit sa kanya. Nacorner ko na siya actually kaya wala na siyang kawala.

"Baka mahina na talaga pandinig mo. Sign of aging." binulong nya yung huli pero since malapit na ko ay dinig na dinig ko yun kaya sinunggaban ko siya ng kiliti.

"Anong sign of aging ha?" Sabi ko at todo kiliti pa din sa kanya.

"Ehem Ehem. Baka okay lang na magluto na tayo kasi gutom na ko" napatigil kami sa tawanan ni Chandy nang mapansin namin na buong barada ay nasa harap na harap na namin. Si Nadine yung nagsalita.

"What's new e lage ka naman gutom?" sabi ni Dom kay Nads. Nakuuu to talagang dalawang to. Parang aso at pusa.

"Tumigil ka jan Unggoy ha. Ang panget mo!" bulyaw ni Nads kay Dom na nasa tabi lang naman niya.

"Taba mo naman. Baboy!" sabi ni Dom kay Nads at ginaya pa niya ang pagsasalita nito.

"Sweet ng endearment nyo ha. Unggoy at Baboy!" sabi ni Khalil at natawa kami lahat. Minsan lang to magsalita pero lageng malaman. Haha.

Love Find Its Way [ KATHNIEL ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon