Chapter 33: Never Let Go

614 31 13
                                    

Dedicated to @XhinXhinLei

Eto na beyb yung request mo at promise ko sayo . Sana magustuhan mo ang chapter na to :)))

- - - - -
Kathryn's POV

Matapos ang dramahan namin ni DJ, bumaba na kami. Nakakahiya kase kay Tyang at sa barkada lage na lang ako nag-iinarte pag magkakasama kami.

Sakto naman at pagbaba ko ay nasa kusina na pala sila. Nakasalubong namin si Juls na tatawagin ata dapat kami.

"Okay ka na?" sabi ni Julia at tumango lang ako. Nagulat ako nang niyakap niya ako. Niyakap ko naman siya pabalik.

"Bes, andito lang kami ni Nads ha. Hindi kame galit, gusto lang namin matuto ka." sabi niya habang nakayakap pa din.

Nang humiwalay siya ng yakap, I mouthed Thank you at sabay sabay na kaming naglakad papasok ng kusina.

Nakaupo na sila sa hapag. Si Dom at Nads nagbabanatan na naman. Si Quen nasa tapat nila, may bakanteng upuan sa tabi niya, malamang kay Julia na yun nakareserve. Sa tabi ni Nads, nakaupo na din si Khalil. Wala pa si Tyang dito baka may ginagawa pa. Napagdesisyunan ko na umupo sa tapat ni Khalil, bale makakatabi ko sa Quen at syempre sa kanan ko si Johnny.

Saktong kakaupo lang namin ay lumabas si Tyang galing sa lutuan.

"Oh Chandria, mabuti naman at bumaba na kayo, akala ko ay mapapaaga ang pagkakaroon ko ng apo", sabi ni Tyang at tumawa ng malakas ang lahat.

"Tyaaaaaaaang!" parang batang pagmamaktol ko. Namumula na nga ako sa hiya e. Talaga ko si Tyang e.

"Oh baket? Aba'y hindi na kayo pabata, baka bukas makalawa lang, magpaalam ka na sakin na magpapakasal ka na at iiwan mo na ko", sabi niya at biglang lumungkot ang reaksyon niya.

Hindi ako nagdalawang isip na tumayo at niyakap ko siya mula sa likod.

"Tyang naman, parang pinapaalis mo na ko dito", sabi ko na parang naglalambing sa nanay nya.

"Hindi sa ganun Chandria, sabi ko nga, hindi na kayo mga bata, hindi malabong hindi mangyare yun." sabi naman niya habang hinihimas himas ang braso kong nakapulupot sa kanya.

"Tyang, matagal pa po yun. At ni hindi ko pa boyfriend yang si Johnny no! Hindi pa kaya nanliligaw". Binulong ko lang yun kay Tyang para hindi marinig ng tropa, baka anu na naman isipin.

"Jusmiyo! Sa edad nyong yan, ligaw ligaw pa? Baka puti na lahat ang buhok ko wala pa akong apo!" ang lakas ba naman ng boses netong si Tyang, wala din, narinig din nilang lahat. Haha.

"Hwag po kayong mag-aalala Tita Janice, liligawan ko po ng pormal si Chandy, at the moment na sagutin niya ko, papakasalan ko na po siya para kinabukasan po, in the making na ang apo nyo " singit ni Johnny at natawa naman ang lahat.

"Hoy Mr. Padilla! Hwag kang umasa na sasagutin kita agad!" bulyaw ko sakanya. Aba! Sobra sa taas ng self confidence ha!

"Hindi naman ako nagmamadali Chandy, mahaba haba pa ang Forever kaya kahet gano katagal maghihintay ako kase alam ko naman na worth it lahat lalo na para sayo." sabi niya at syempre po, kinilig na naman si Julia at Nadine. Kawawa nga si Quen, bugbog na naman kay Juls sa kakiligan.

"Tama na nga yan! Baka matalo nyo pa ang cake na binake namin ni Khalil sa kasweetan nyo!" sabi ni Tyang.

Nilabas na nya ang chocolate cake na nakakatakam talaga ang itsura. My ghaaaaaaad! Bawal ang nagdidiet ngayon! Haha. Pero bago kami kumaen ng cake, nilabas din ni Tyang ang isa sa specialty nya, ang lasagna. Yehey! Sobrang busog na naman ako neto.

Kumain lang kami ng kumain. Kaso biglang nahulog ang kutsara ko. Aabutin ko na sana pero habang nasa ilalim ng lamesa ang kamay ko, hinawakan yon ni Johnny, nagulat ako kase parang may kuryente na naman na dumaloy sa katawan ko. Tinignan ko siya at parang wala lang sa kanya. Sarap na sarap pa ang loko sa pagkain. Pero, ang gwapo pa din niya. Juice ko Lord! Salamat sa blessing na to.

"Alam ko masarap ako, pero hindi ka mabubusog kung ako lang ang tititigan mo." nabigla ako nang ibulong nya yun. Nakakahiya! Tinititigan ko na pala siya. Pinalo ko tuloy siya nang mahina. Yabang talaga!

"Hahaha, tumutulo na kase laway mo e. Kumaen ka na nga lang." sabi niya sabay tawa pa. Mabuti na lang mahina lang usapan namen kase mapapansin na naman kami ng lahat kapag nagkataon.

"E paano ako makakakain kung hawak mo ang kamay ko?" sabi ko sa kanya sabay irap.

"E gusto ko hawakan e. Bahala ka dyan!" sabi niya at nagsmirk pa. Ang gwapo po! Mali! nakakainis po.

"Bita----- " nagulat ako bigla nya akong sinubuan ng cake.

"Oh diba, makakakain ka kahit magkahawak kamay tayo?" sabi niya at muli akong sinubuan ng cake.

"Pwede ba, kung okay lang, kumaen muna kesa mag-PBB Teens? Nilalanggam kami sa tamis nyo hindi sa tamis ng cake e." Biglang singit ni Nadine.

Nagulat ako na napansin na pala nila. Nakakahiya tuloy! Center of attraction na naman kami.

"Nawala kasi kamay ni Chandy e" napalingon naman ako sa katabi ko dahil sa sinabi niya.

"Nawala?" inulit pa ni Julia ang sinabi ni Johnny. Naguluhan din ata.

"Oo, nawala, hinanap ko naman. Nakita ko na!" sabi niya at parang baliw lang na tumatawa ng mahina.

"Nasan naman?" sabi ni Quen. Patulan daw ba ang kalokohan netong isa. Pero ano na naman ba kasi to.

"Eto oh, Hawak ko pala!" sabi niya at namula na naman po ako. Nakakakilig, este nakakahiya kase tinaas pa nya kamay namin na naka-intertwined.

Pero natigil saglit ang hiyawan nang may sinabi siya uli.

And I will Never Let Her Go.

E di yung natigil na hiyawan, mas naging maingay po. Binatukan pa siya ni Quen. Haha

- - - - -

Sorry kung natagalan ang update. Naging busy sa trabaho e. Sorry talaga. Sana maintindihan nyo.

Andame din nagrereact na ayaw pa nila matapos ang LFIW. Salamat. Natats ako :))) Pero pilitin ko na umabot ng 50 Chapters pero I cannot promise ha. Natatakot ako na baka hindi nyo na magustuhan ee :(

Kung namiss nyo ako, si Johnny at Chandy, VOTE AND COMMENT NA PO !!!!! Lol.

@miss1ofakind

Love Find Its Way [ KATHNIEL ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon