Chapter 32: Conquer Our Fears

535 32 16
                                    

Dedicated to @seriousblack_25

Beyb! The long wait is over! Haha , eto na yung dedication mo. Sorry kung natagalan ha. May mga nagpareserved na kase e. Okay lang yan, love naman kita :*** Hihi. Sana magustuhan mo. Salamat talaga sa lahat!

- - - - -
Kathryn's POV

Hindi ko alam kung baket pero nanghina ako. Dapat masaya ako diba, dapat nagdidiwang ako. Kase mahal ako ng mahal ko e. Pero takot at pangamba ang nararamdaman ko. Baka mali to. Baka paniginip lang.

Agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko kahet na narinig ko ang pagsigaw nila sa pangalan ko. Marahil pati sila nagulat sa naging reaksyon ko. E sino ba kaseng gaga ang iiyak matapos mong malaman na mahal ka ng mahal mo? Ako lang diba? Ako lang ang nag-iisang ganun ka-gaga. Nakakainis!

Pagdating na pagdating ko sa kwarto ko, agad bumuhos ang luha ko. Bago ko tuluyang isara ang pinto ay pumasok si Julia at Nadine. Alam nila ang nararamdaman ko.

"So eto ka na naman? Eto ka na naman sa takot moment mo? Kathreng, malaki ka na, ano bang kinakatakot mo?" sabi ni Juls at alam ko naiinis siya. Kahet man ako naiinis na din sa sarili ko e.

"Okay, okay, hindi kami galit ni Juls, Bessy. Don't get us wrong. Eto na kasi yung moment e. Inamin mo na na inlove ka! Finally! Pero what's pulling you back?" sabi ni Nadine at tumabi sa akin sa kama.

"Hindi ko alam. Hindi ko din alam baket ko siya mahal, baket siya pa" sabi ko at niyakap si Nadine. Niyakap niya ko pabalik.

"Exactly what love is! Walang makakadefine ng love. Kita mo nga pag nagtatanong ano ang love, lageng Love is LIKE A chuchu keme, lageng may like a. Kase walang makapagbigay ng exact definition. Kase hindi naman dapat dinedefine pa yun dahil kusa mo yun nararamdaman!" mahabang paliwanag ni Julia at nakiupo na din sa amin sa kama.

"You keep on asking baket siya. Baket hindi mo subukan tanungin, baket hindi siya?" sabe naman ni Nadine.

"Kase he is not one of your dream guys? Well Bes, as the term says, Dream! Panaginip. So, wake up! Reality wise, walang perfect na tao, kahet ikaw hindi ka perfect e. Baket ka maghahanap ng imposible?" Sabe naman ni Julia.

"Paano kung masaktan na naman ako? Paano kung hindi to pang-forever?" sabi ko at patuloy na umiiyak. Si Nadine, pinunasan ang luha ko at bumitiw sa yakap at hinarap ako sa kanya.

"Bessy, yung totoo? First time?" sabi niya at binatukan ni Julia.

"Oo nga sabi ko nga first time. Kaso naman, ano to, fairytale, forever? Bata lang naniniwala dyan e. Anong edad mo na ba? Ilang taon na lang magtrenta ka na! Jusko! E kung gusto mo forever, pakasal na kayo ngayon! Now na!" sabi no Nadine at muling binatukan ni Julia. Natawa naman ako sa kanilang dalawa.

"Pwede naman naten patunayan sa kanila na may forever talaga e," nagulat kami ng pumasok siya sa kwarto ko. Oo, si Johnny.

Hindi ako sumagot. Si Julia at Nadine dahan dahan umalis sa tabi ko at lumapit naman si Johnny sa akin.

"Ano bang kinakatakot mo?" sabi niya at pinunasan ang natitirang luha na dumaloy sa pisngi ko.

"Na baka panandalian lang lahat to. Na baka nabibigla ka lang, na baka paiyakin mo uli ako. Na bak--" nagulat ako ng bigla niya akong niyakap.

Tumahimik ang paligid. Pero nabingi ako sa kung gaano kalakas ang tibok ng puso naming dalawa.

"Naririnig mo yun?" sabi niya habang nakayakap pa din. Si Julia at Nadine sumenyas na lalabas na daw sila. Kinikilig pa ang dalawa.

"Ang alin?" sabi ko na painosente kahit hanggang ngayon naririnig ko pa din kung gaano kalakas ang kalabog.

"Ang tibok ng puso ko. Naririnig mo ang sinisigaw?" sabi niya at umiling ako.

Dahan dahan siyang kumalas sa yakap at hinawakan ang kamay ko. Itinapat niya ang kanang kamay ko sa bahagi ng puso niya.

"Pikit ka. Pakinggan mo maigi." ewan ko pero sumunod naman ako.

"Chandy. Chandy. Chandy." sabi niya at sinasabayan ang tibok ng puso niya.

"Alam mo bang ikaw lang ang nakapagpatibok diyan ng ganyang kabilis?" magsasalita sana ako pero ngpatuloy siya.

"Alam kong hindi ka maniniwala, pero first time ko din to. Ngayon lang nangyare to at ngayon ko lang naramdaman to. Malaki din ang takot ko. Na baka nabigla ka lang din kanina." sabi niya na hawak na ang dalawang kamay ko.

"Kathryn, Kath, Chandria, o kahet ano pang tawag sayo, hindi ako mangangako ng kahit ano sayo. Pero, bilang mahal ka at mahal mo, pwede bang, Lets take the risk, lets face it ....

Lets face it together and Conquer our fears?" sabi niya at tumango ako at niyakap siya. Naramdaman ko na lang na dumampi ang malalambot niyang sabi sa ulunan ko. Dahil dun, nawala ang takot at pangamba ko. Napanatag ang kalooban ko pansamantala.

- - - - -

Salamat at nagustuhan nyo ang last chapter :) Sana magustuhan nyo din to :))

Thanks sa lahat ng sumusuporta kila Chandy at Johnny :))) Walang bibitiw sa nalalapit na pagtatapos :)))

@miss1ofakind

Love Find Its Way [ KATHNIEL ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon