Chapter 17: HIS other SIDE.

769 29 3
                                    

Dedicated to @itsmedenkn26

Thanks sa compliment girl! Pag keri na, upload ko pic ko para maliwanagan ka na hindi ako maganda. Loka tong batang to. Pero thanks tlaga :))

- - - - -

Daniel's POV:

Bumalik na siya dito. Iseserve na lang daw yung inorder niya. Ganda pa ng ngiti niya. Ano kayang ipapakain sakin neto? Ganda ng ngisi e. Baka mamaya lasunin ako neto. Lagooot!

"Pasensya na natagalan ha. Hindi ko kasi alam anung gusto mo e. Pero pag ayaw mo nung inor---", pinutol ko na ang sasabihin niya. Daldal e.

"Okay lang sakin. Kahit ano, basta galing sayo at walang lason, oks sakin", sabi ko sabay smirk.

"Hoooy! Anung kala mo sakin? Murderer? Sa ganda kong to? Excuuuuuse me?!", sabi nya sabay flip pa ng hair.

Biglang dumating yung order namin. Andameeeee! Nanlaki ang mga mata ko.

May fiesta ba? 2pieces chicken, 4na rice, large drinks, tapos fries na sandamakmak, burger at ano tong, parang nakakahon pero pag silip ko, parang nasa pita wrap (twister yun guys hihi).

"Kakainin mo lahat yan?" sabi ko sa kanya na nanlalaki pa din mga mata. Pero mukhang takam na takam siya e.

"Anong ako? TAYO! Hindi mo ba gusto? Oorder pa ba ko ng ib---", pinutol na uli mukhang iiyak na naman e.

"No, ok lang to. Nagulat lang ako na madami kasi, pero kaya naman naten to.", sabi ko at nagsimula nang sumubo ng chicken. Sarap palaaaa! Hay.

"Ay, wait lang pala!", sabi niya at tumawag ng crew dun. Ang mga mokong na crew nag-uunahan pa sa paglapit sa kanya. Nagagandahan sila kay Chandy ko. KO? Argh! Hell No! Nakakabanas kase tong mga dining crew e, papacute pa.

May binulong si Chandy sa crew at yung lalaki kinilig pa. Bading! Pwe!

- - - - -
Kathryn's POV:

Nakita ko pa siyang umirap sa crew na kausap ko. Problema neto e humingi lang naman ako gravy?! Hmp. Hindi nga ako kinakausap e.

"Masarap?" sabi ko kasi antahimik niya. Tumango lang siya at pinagpatuloy kumain.

Dumating yung crew at binigay sakin yung isang plato ng gravy! Oo, isang plato talaga.

"Baket ganyan yung sabaw na yan, baket parang sauce?" sabi niya at sinusundan ako ng tingin sa pagbuhos ko ng gravy sa kanin ko.

"Sabaw talaga? Gravy to oh. Sauce ng chicken."sabi ko sabay sawsaw ng chicken at sinubo ko ito at takam na takam ako sa kinakain ko.

Nagulat ako ng ginaya nya ako at pati pagpikit ko ng mata habang ninanamnam yung chicken ginawa din niya. Natawa tuloy ako.

"Masarap nga! Pero ahm, mahirap kainin yung chicken, mabuto", sabi niya. Nagulat ako nang bigla siyang nagkamay, yung chicken lang naman.

"Baket ganyan ka makatingin? Turo mo to diba? Try ko lang.", Grabeee! Pwede kiligin? Kumindat siya. Shemay!

Kaso nauna pang tumili sa akin yung mga teenager sa may likuran ko. Kanina pa pala siya tinitignan. Nakuu! Ang babata pa e, haharot na! Kainis! Ay, baket ako naiinis? Selos? Nooo way!

Nagkwentuhan kami habang kumakaen. Marami akong nalaman sa kanya. Mga simpleng bagay na hindi ko alam na ioopen pala niya sakin. Car business pala ang negosyo niya. Kaya pala iba ibang kotse dala niya lagi. Tapos mahilig siya sa black at favorite niya talaga si Batman! Mahilig siyang kumaen kahet hindi halata sa katawan niya. Gusto niyang pinagluluto siya. Mga ganun lang. Tipikal sa lalaki.

Natapos kami sa pagkaen. At natuwa naman ako na nabusog ko siya! Haha. Perstaym kong manlibre ng lalaki. Nakakahiya naman kasi diba, ayokong isipin niya na nakikipagkaibigan ako para magpalibre.

Nagulat ako nang may biglang kumalabit sakanya na bata, naka-costume ng batman! Angcuteeee! Nasa 4 o 5 years old ata to. Biglang nagsabi na kung pwede magpapicture kasi pare-parehas kaming naka-batman. Kinuhanan kami ng mommy nung bata at nakakatuwa siya kasi ang bibo ng anak niya! Napagkamalan pa kaming mag-boyfriend neto.

"Lipat naman tayo ng ibang lugar!" sabi niya sabay hatak sakin.

Kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta, sumunod na lang ako sa kanya papunta sa pinagparkingan niya ng kotse kanina.

Tahimik niyang pinatakbo ang kanyang kotse at nakinig lang kami ng music sa stereo niya. At nakatulog ako habang nasa byahe.

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko nang may naramdaman akong kumalabit sakin. Si Johnny pala.

"Tara na! Tulog mantika ka! Haha. Andito na tayo! Dalian mo, magsisimula na kasi!" sabi niya at pinagbuksan pa ko ng pinto. Gentleman?

Nagulat ako kung nasaan kami. Baket dito?

Ngumiti lang siya habang ako naguguluhan pa din.

"Sunday ngayon diba, kaya dapat magsimba tayo", sabi nya at nauna pang lumakad sakin. Wow! Just Wow! Siya ba talaga to? Lalaki talaga? Grabee! Alam ko ang lalaki, pinipilit pa magsimba. Tapos kanina, nagulat ako na mahilig siya sa bata. Tapos nagkamay pa siya sa pagkaen. Yung totoo? I never expected this. How I wish na isa sya sa mga nanligaw sakin before para naranasan ko nang magmahal. Kaso naalala ko, siya nga pala nagparealize sakin na tumigil na! Umayaw na, at sumuko na. Siya nagparealize sakin ng reality.

- - - - -

Yun lang ba kayang iparealize ni Daniel? Hmmm.

Tomorrow na siguro ang next update. Keep on voting :))

@miss1ofakind

Love Find Its Way [ KATHNIEL ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon