Chapter 14: Its Not Coincidence, its DESTINY

896 31 1
                                    

Dedicated to @FamousNerd

Thanks sa pagbasa ng story na to . Keep enjoying :))

- - - - -

Daniel's POV :

Aga ko nagising ngayon. Sa totoo lang, pati ako naninibago sa sarili ko. Ngayon kase ang unang araw ng deal namin ni Kathryn. Hindi nga ko nireplyan kagabi e. Baka nahimatay yun sa sobrang kilig sa banat ko haha.

Kanina pa ko dito sa tapat ng walk in cabinet ko pero hindi ko pa din alam anong dapat ko isuot. Hindi ako makapili. Ayoko kasi magmukhang basahan pag kasama ko yung DYOSA daw. Haha. Napangiti ako nang maalala ko ang first encounter namin. Maka-dyosa siya wagas, although maganda naman siya. Maganda? Sh*t Daniel, hindi ka pwedeng magandahan sakanya! Ang maganda babae, e hindi naman babae yun e. Kung makakilos, kung makatawa, kung kumaen, parang lalake na nilagyan ng mukha ng babae. Grabeee! Pero ewan ko ba baket kahit ganun siya, there is something in me na gustuhin pa siyang bigyan ng chance na kilalanin ako at I also found myself looking for more reasons to know her better. Baka naman kinulam ako nun a. First time to e. Ay, nakakakilabot naman yun! Hindi naman siguro.

Napagdesisyunan ko na isuot ang Batman shirt ko, denim pants at vans ko. Gusto ko makita nya yung side ko na simple lang hindi lage na lang kayabangan alam nya sakin.

Konting hagod ng wax sa buhok ko at sabay suot ng shades, ayos na! Ready to have this day with My Miss Palengke. Teka, My? Akin? No, no, Never! Makaalis na nga, kung anu ano nasasabi ko e. Kainis.

Nagdrive na ko papunta sa bahay nila Chandy, yan ang nickname ko sakanya. Para may tawag naman na ako lang yung tumatawag sakanya. Unique ba. Speaking of her AGAIN, gang ngayon wala pang reply yung, hindi kaya, ayaw nya ko kasama? Baka magback out yun a.

May kung anong lungkot ang bigla kong naramdaman ng maisip ko na ayaw na pala niya ng set up namin. Ewan ko baket. Pero sana hindi naman. Nasa malalim akong pag-iisip nang biglang may umepal. May nagtext.

From: Miss Palengke haha yan talaga pinangalan ko , wala lang, enjoy ko mang-asar e.

Hoy Padillang mahangin! Nasan ka na? Kanina pa ako naghihintay? Sabihin mo lang kung sisipot ka pa dahil ayokong mamuti mata ko sa wala!

Wow a. MakaPadilla, buong buo. Hindi ba pwedeng Babe na lang? Haha Joke. Maasar nga!

To: Miss Palengke

Malapit na ko. Hindi ka nagrereply kaya nangangapa ako e. Wag kang manisi, okay?

Napangiti ako, hindi naman talaga ako galit. Kahit inis hindi din. Wala akong ibang maramdaman ngayon kundi excitement. Gusto ko lang talaga siya asarin. Cute nya mainis ee haha. Cute? Tsk. Sabi na nga baliw na ko.

- - - - -

Kathryn's POV:

Antagal naman ni Johnny. Oo yan itatawag ko sakanya para iba naman sa mga kakilala nya. Pero hindi nya pa alam :) Baka mag-feeling e.

Kanina pa kasi ako nakagayak . Usapan kasi namin 10 ng umaga. 6am pa lang gising na ko at baliw na naghahanap ng masusuot at aligaga akong nag-ayos ng sarili ko. Naiinis ako kasi 15mins late na siya. May matino bang lalaking malelate sa date? Ay, date? Erase. Bonding lang pala.

Pero tama siya, hindi ako dapat magalit kase nga ako yung hindi nagrereply, nalowbat kasi ako. At nawala sa isip ko na magtetext siya at naging busy nga kasi ako sa paghahanda.

Biglang may itim na sasakyan na pumarada sa labas ng gate. Nakuu. Baka makita siya ni Tyang. Ayoko pa kasi siya ipakilala kasi hindi pa namn kami close, gusto ko kilala ko na siya bago ko siya ipakilala kila Tyang. Nagmamadali akong bumaba kasi nasa canteen si Tyang, hindi malabo na magkita sila. Aasarin ako nun e.

Bago pa ko makalapit kay Tyang, narinig ko ang hindi ko inaasahan.

"Magandang umaga po, ahmm." sabi ni Johnny. Hindi nya siguro alam kung ano ang itatawag kay Tyang.

"Tita Janice, pwede mo ko tawaging Tita Janice. Ikaw ba yung hinhintay ni Chandria? Naku kanina pa sa taas naghihintay, hindi ata natulog dahil excited. Haha."sabi na nga ba mang-aasar to.

Bago pa makapagsalita si Johnny, lumabas na ko. Pero umakto na hindi ko sila naririnig. Nagtataka siguro kayo baket ko sinabing hindi ko inaasahan. Hindi ko kasi inaasahan na magalang pala siya. Alam ko lang kasi mayabang siya e. Kala ko wala siyang ibang alam na mabuting gawin. Mukhang hindi marami pa nga akong hindi alam sakanya. Mas nagiging interesado tuloy ako na kilalanin pa siya.

"Ah Tyang, alis na po ako, kami." sabi ko at sabay halik sa pisngi ni Tyang at mano din.

"Mag-ingat kayo ha, Ahh, anu nga pangalan mo?" baling ni Tyang kay Johnny.

"Daniel ho. Pero DJ na lang po, Tita Janice." sabi niya sabay ngiti pa, feel na feel na tawaging Tita si Tyang? Tsk.

"Sarap pakinggan pag ikaw nagsasabi ng pangalan ko. Haha. Basta ingatan mo si Chandria ha. Hwag magpapagabi", sabi ni Tyang pero halatang kinikilig si Tyang. Yung totoo? Pati siya nagayuma netong mahangin na to? Hay naku.

"Opo, iingatan ko si Chandy, salamat po", sabi nya at tumalikod na kami ni Johnny.

Chandy? Ayun endearment nya sakin? Cute! Joke lang, Panget kaya. Eeeeww! haha, sabi ko sa isip ko.

Papasok na kami sa kotse niya nang biglang siyang may napansin.

"Ganda ng shirt mo ha. Couple shirt tayo", dun ko lang narealize na naka-Batman shirt din siya. Oh my!

Hindi ko namalayan na nakapasok na pala siya sa kotse nya, naiwan pa kong nakatayo dito.

"Mamaya ka na kikiligin, anong oras na, sasakay ka ba, o maglalakad ka?" sabi niya at nagshades pa. Hmp. Hindi man lang ako pinagbukas ng pinto. Sabi ko magalang siya kanina, hindi pala! Pa-impress lang! Bwiset!

Padabog akong pumasok sa kotse nya.

"Easy, baka masira mo ang kotse ko. Nakuu, mas mahal pa to sa buhay mo!" sabi niya, HANGIN talaga !

"I don't care! At correction sa sinabi mo kanina, yung shirt naten, its just a COINCIDENCE! Wag kang assuming!" sabi ko at idiniin ko talaga para alam nyang inis ako.

Bago siya magpatakbo ng sasakyan, may sinabi na naman siyang nagpapula ng husto sa mga pisngi ko....

"Its not coincidence, its DESTINY!", sabi nya sabay wink pa sa akin.

- - - - -

Sorry ngayon lang nakapag-update, nagloko ang Data ko e. Bawi na lang ako ngayon :)))

Votes and Comments po. Sana makaabot ng 7 votes para mabilis ako maka.update. Sana mapagbigyan nyo ko :))

@miss1ofakind

Love Find Its Way [ KATHNIEL ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon