Chapter 41: Grow Old

499 23 8
                                    

Dedicated to @JannahxD

Salamat po sa pagbagyo ng boto. You really made me happy. Sana ay patuloy mong suportahan ang LFIW hanggang sa nalalapit nitong pagtatapos. :)

- - - - -
Kathryn's POV

Nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa aking mukha. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata pero nakaramdam ako ng sakit. Sakit ng ulo ko. Hindi ko alam bakit pero ang bigat bigat ng pakiramdam ko.

Iginala ko ang aking mga mata sa paligid. Napakunot ang noo ko nang mapagtanto ko na hindi ito ang kwarto ko. 'Nasaan ako?' tanong ko na lang sa aking isip.

Unti unti kong inalala ang mga nangyari kagabi. Naalala ko na uminom ako ng alak. Crap! Kaya pala mabigat ang pakiramdam ko. Agad kong kinapa ang mukha ko at kinuha ko ang maliit na salamin sa gilid ng kama na nakita ko. Sabi na nga ba, mukha na naman akong palaka! Namamaga ang mukha ko. Allergic kasi ako sa alak at nilalagnat ako ng mataas sa tuwing nakakainom kahit gaano pa kaunti ang ininom ko.

Bigla akong natigilan nang maalala ko kagabi. Bumili ako ng ice cream para magsorry kay ----

"Oh god!" usal ko ng maalala ko kung nasaan ako. Kailangan ko siyang mahanap. Kailangan ko siyang makausap.

Kahit nahihilo pa ako ay pinilit kong tumayo para hanapin ang taong kagabi ko pa gustong makausap pero hindi nangyari dahil sa pesteng alak na humalina sa akin. Kainis.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto para sumilip sa tao sa sala. Pero napaawang ang bibig ko nang makita ko si Johnny na natutulog sa sofa. Pilit na isinisiksik ang sarili niya sa sofa at yakap yakap ang katawan nya. Nakaramdam ako ng awa at mas nakonsensya ako sa eksenang yun.

"Kakatulog lang niyan. Buong magdamag siyang gising para bantayan ka." Nagulat ako nang biglang sumulpot galing sa kusina si Julia.

"B-bes?" naguguluhan kong tanong.

"Kathreng kasi tinawagan ako ni DJ kagabi. Hindi alam paano ka niya papalitan ng damit kasi nga kailangan ka niya punasan dahil sobrang init mo. Kaya agad akong pumunta dito." dun ko lang napansin na iba na nga ang damit ko. Mukhang damit nga to ni Johnny. Napangiti ako ng lihim. Respeto. Nirerespeto talaga niya ako.

"Salamat bes. Pasensya ka na kung naaba---" pinutol ako ni Julia sa sasabihin ko.

"Anu ka ba, okay lang. Nag-alala rin kami sayo ni Nadeng nang malaman namin ang nangyari. Hindi lang nakasama yun kasi may sakit ang bunso niyang kapatid. Pero sabi ko ay sisiguruhin ko na okay ka na." sabi niya.

"Okay na ko. Ikaw, okay ka na ba?" sabi ko na halatang kinagulat niya. Umupo ako sa upuan katapat ng sofa kung saan nakahiga si Johnny. Halatang pagod siya. Hays.

"Alam ko na ang nangyari bes. Ako okay na ko kasi I have made realizations, ikaw ba, masaya ka sa desisyon mo?" sabi ko uli nang hindi siya sumagot sa unang tanong ko.

Inilapag niya ang hawak niyang pagkain sa counter top ng kusina at umupo sa tabi ko at buntong hininga lang ang naging sagot niya sa tanong ko.

"Natakot din ako Bes. Alam ko ang pakiramdam mo. Pero narealize ko na hindi ako sasaya kung mabubuhay ako sa takot." sabi ko at napalingon siya sa akin. Muli, naramdaman ko ang mga luha kong nag-uunahan sa pagdaloy sa pisngi ko.

"Bes" sabi ni Julia at hinagod ang likod ko.

"Natakot ako na masaktan ako pero hindi ko alam na nasasaktan na ako sa ginagawa kong hindi pagtitiwala. Natakot ako na magtiwala pero hindi ko alam na sa gagawin ko masasaktan din siya." sabi ko at nakatitig lang sa mukha ni Johnny na mahimbing na natutulog.

Love Find Its Way [ KATHNIEL ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon