Chapter 34: Start of the day

603 27 10
                                    

Dedicated to @javelinemagpusao

Beyb eto na po hihi. Matagal ba? Sorry ha. Dame kasi nakareserved for dedication ee . Sana patuloy mong suportahan ang LFIW gang huli. Enjoooooy!

- - - - -
Daniel's POV

"Oh guys, ready na ha. Any minute aalis na tayo", sabi ko kila Khalil at Quen.

"Opo sir! Handa na pati mga props mo." sabi naman ni Dom sabay abot sakin ng bouquet of roses na ibibigay ko kay Chandy.

"Grabe ka naman pala manligaw Jay, bongga! Sana ako na lang niligawan mo!" pabaklang sabi naman ni Khalil.

"Gago ka talaga! Umayos ka nga, hindi bagay! Hahaha" sabi ni Quen sabay bato ng unan kay Khal.

Oo nga pala, andito kami sa condo ko. Naghahanda kami para sa unang araw ng panliligaw ko kay Chandy. Kinakabahan nga ako e. Hindi pa naman ako marunong manligaw.

"Oh, bespren, hwag kang kabahan dyan, okay?" parang nabasa naman ni Dom ang nasa isip ko.

"Oo nga, sure na nga na mahal ka nung tao e. Ewan ko lang sainyo baket pa may ligawan. Formality lang ganun?" tanong naman ni Khalil. Actually, nakabihis na kaming lahat, dito kasi natulog ang mga kumag na to kase nga tinulungan ako sa pagprepare sa Panliligaw 101 ko. Tinulungan daw, e tinulugan ako nyang mga ugok na yan e.

"Syempre, gusto ko ipakita sa kanya na seryoso ako sa kanya kahet na alam kong mahal nya ko. At gusto ko din maranasan manligaw", sabi ko sabay kamot ng ulo ko.

"So hindi ka pa pala marunong manligaw sa lagay na to? Hahaha. Kung ang lahat ng lalaki marunong manligaw tapos eto ang first step, tapos ako ang babae, nakuuuuu! Wala ka pang tinatanong, Oo na agad!" mahabang sabi ni Quen.

"Grabeeeeee! Iniimagine mong babae ka? Nakakadiri po. Its so eeeeewwww! Duh!" maarteng sabi ni Khalil, at ayun, riot na naman sa unan ang dalawa. Loko talaga tong mga to.

Nagkukulitan silang dalawa nang may biglang nagdoorbell. Si Dom na ang nagprisintang magbukas ng pinto.

"Bespren, anjan na sila." Bigla akong kinabahan. This is it! Kaya ko to, para kay Chandy KO. Oo may Ko yan! Umagaw, patay! Hahaha. Brutal ba? Mahal ko e.

Nagfist bump lang kaming apat at isa-isa nang lumabas sa condo ko at pupunta na kami kila Chandy.

- - - - -
Kathryn's POV

Maaga kaming magbubukas ngayon kase Sunday e. Malamang madaming tao sa carenderia. Tinulungan ko na nga si Tyang magluto kase medyo marunong naman na ko. Haha.

Saktong 8:30 ng umaga nang mapagpasyahan naming buksan ang gate para sa carenderia. Ako na ang magbukas. Nkakahiya, naka.apron pa ko hihi. Simpleng pinusod ko din ang buhok ko at medyo pawisan pa ako dahil mainit sa kusina kanina. Mabuti na lang at nagpowder ako ng konti bago bumaba.

Isa isang nagdatingan ang mga kakain. Dapat! Oo, kase kanina pa ko naghihintay ng oorder wala e. Hindi sila kumakaen. Kanina ko pa napapansin nakaupo lang lahat sila. Nang mapuno na ang mga upuan, nagulat ako nang may biglang nag-beat. Halaaaa! Anong nangyayare? Pero patay malisya lang ako.

Nasayo na ang Lahat
Minamahal kita pagkat
Nasayo na ang lahat
Pati ang puso ko....

Isa sa mga lalaking nakaupo dito ang kumanta. Yung iba nag-hum lang.

Nasayo na ang lahat
Minamahal kitang tapat
Nasayo na ang lahat
Pati ang puso ko....

Love Find Its Way [ KATHNIEL ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon