Nicomaine Dei's POV
Nandito na kami ngayon sa ospital dahil manganganak na ang aking kapatid na si ate Nicoleen Dyann. Sa di inaasahang pagkakataon, napa- soundtrip ako ng awiting Finally habang nakatingin kay Richard na ngayon ay binabantayan si Charmaine at Richmond. Kinakabahan si ate Coleen kaya nakiusap siya kung pwedeng samahan namin siya dito sa ospital sa araw ng kanyang panganganak. Tumawag si kuya Mike kaninang umaga kaya naman dagli kaming lumisan sa bahay upang magtungo dito sa ospital ng Hospital De San Juan De Dios. O mas kilala ngayon bilang San Lazaro Hospital."Kuya Mike, ayos ka lang? Parang kinakabahan ka yata? Hindi naman ikaw ang manganganak. Kumalma ka." Sabi ni Richard. Kanina pa kasi siya paikot ikot. Mamayang alas tres nang hapon nakatakdang manganak si ate Coleen at lahat kami ay umaasang normal ang kanyang magiging panganganak. "Hindi ko pa rin maiwasang mag- alala para kay Coleen at sa mga batang kanyang dinadala ngayon. Delikado ang manganak. Hindi ba't sabi nila na kapag manganganak daw ang isang babae ay nasa hukay ang isang paa niya? Maine, Richard kinakabahan ako. Paano kung may mangyaring masama sa kanila mamaya? Paano kung kailangan pala siyang sumailalim sa isang delikadong operasyon upang maipabas ang bata? Paano?" Sabi niya. "Alam mo kuya, wag ka munang mag- isip nang kung anu- ano. Lalo ka lang kakabahan at mapra- praning sa ginagawa mo. Mabuti pa magdasal na lang tayo nang sa gayon ay mapalitan ang iyong takot at pangamba ng positibong pananaw." Sabi ko. "Mabuti pa nga, tara." Saad niya. Nagpunta kami sa isang chapel malapit sa kinaroroonan naming ospital. Kasama sina Richard, Charmaine at Richmond, sabay kaming nanalangin ni kuya Mike para sa ligtas at normal na panganganak para kay ate Coleen.
Pagkatapos naming manalangin, kinausap ako ni Charmaine.
"Mommy, ano pong pakiramdam nang nanganganak?" Tanong niya. Binuhat ko siya para maging magkapantay kami nang sa gayon ay mas maipaliwanag ko sa kanya ang aking sagot sa kanyang katanungan.
"Alam mo anak, aaminin ko sayo, sobrang hirap at sobrang sakit manganak. Pero iba ang sayang mararamdaman mo kapag nakita mo na ang iyong pinakamamahal na anak. Makakalimutan mo ang lahat ng mga sakit at hirap na dinanas mo habang ipinagbubuntis mo ang anak mo hanggang sa maipanganak mo ang bata. Iba yung saya." Sabi ko. "Ganoon din po ba yung sayang naramdaman niyo ni daddy nung nakita niyo ko sa kauna- unahang pagkakataon?" Tanong niya. "Oo anak. Kung gaano kasaya ang daddy mo nung malaman niyang ipinagbubuntis na kita, doble ang kanyang naramdamang saya nang ika'y aking isinilang. Sa una, siyempre mahirap pero tingnan mo nga ngayon mag- aapat na taon na magmula nang dumating ka sa buhay namin. Masaya ang naging pagsasama namin ng iyong ama noong kami'y magkasintahan pa lamang hanggang sa kami'y mag- isang dibdib at lumagay sa tahimik ngunit mas naging masaya ang aming pagsasama magmula noong kayo'y dumating sa buhay namin ng iyong ama." Sabi ko. "Mom, what if magkaroon pa tayo ng plus one? I mean, bagong miyembro ng ating pamilya? Ayos lang po ba sa inyo?" Tanong niyang muli. "Well, as of now, hindi muna pero kapag siguro apat o tatlong taon na ang kapatid mo pwede na siyang sundan." Sabi ko. "Sabi ko na e may tinatago ka rin talagang harot mommy e. Ang harot talaga ng mga magulang ko. Paano na kaya ako kapag nagdalaga, mas maharot kaya ako? Kasi sabi nila kung anong puno siya rin ang bunga. So kung maharot ang magulang, mas maharot ang anak." Sabi niya. "Charmaine!!!" Sabi ko. "Why mom? Nagsasabi lang ako ng opinyon mom. Relax." Sabi niya. "Ano?! Ano bang harot harot yang sinasabi mo? Ang bata bata mo pa. Alam mo, tama na yan. Last mo na yan. Ikaw talaga. Stop saying words such as maharot, mahaharot & the like. Jusko. Sumasakit ang ulo ko sa'yo. Umayos ka." Sabi ko. "Huy, tans relax. Manganganak na ang kapatid mo." Sabi ni Richard. Buti na lang talaga at sinabi niya yun kung hindi ay napagalitan ko na naman si Charm nang wala sa oras. Hays. Pag nababadtrip ka nga naman, oo.
Alas kwarto ng hapon nang maibalik sa private room si ate Coleen. Normal niyang naipanganak ang kambal na pinangalanan nilang Michaela Nicole at Martin Nicholas.
"Congrats ate & kuya! May bago na naman kaming pamangkin. Sa wakas may makakalaro na ulit sina Matti, Aria, Charmaine at Richmond." Sabi ko. "Thank you Nicomaine Dei. Nga pala, kailan mag- aaral yang si Charm? Pwede na yang mag kindergarten." Sabi ni kuya Mike. "Next year kuya." Sabi ko. "Tito, Michaela is so beautiful. Tapos ang gwapo din ni Martin." Sabi ni Charm. "Mana sa tita mo." Sabi ni kuya Mike. "I'm so excited to play with them very very soon. Finally may bago na kaming mga pinsan. Hindi lang isa, dalawa pa." Sabi ni Matti. "O Matti, where's Aria?" Tanong ni Richard. "She's outside tito. Bumili yata ng pagkain. Nagutom na naman." Sagot ni Matti. "Ang daming pagkain dito. Ang daming mga fruits dito sa room ng tita Coleen niyo. Sinong kasama niyang bumili?" Tanong ni Richard. "Well, she's with mom tito." Sabi ni Matti. After 5 minutes, dumating na si Aria at ngayon ay kumakain ng gummy bears.
Napalingon kaming lahat sa kanya. "Gummy bears? Maria Anitaaa!" Sabi ko. "Yes, tita? You want some? Here take some." Sabi niya. "Oh, no thanks. Kainin mo na lahat yan. Jusko sumasakit na talaga ang ulo ko tans." Sabi ko. "O Charm, you want some gummy bears? Come here you can get some." Sabi ni Aria kay Charmaine. Tiningnan muna ni Charmaine ang pagkaing kinakain ng kanyang pinsan. Pagkatapos ay tsaka niya ito tinanggihan. "Oh, okay lang ate, salamat na lang. Baka kasi mapano pa ako kapag kinain ko yan. Hindi naman sa hindi ko gusto o bawal o baka pagalitan ako nina mom and dad. I just think na hindi yan good para sa akin. But thanks for the offer anyway ate Aria." Sabi ni Charmaine kay Aria. "Okay then. Uubusin ko na lang. Wala naman sa inyong may gustong samahan akong umubos." Sabi niya.
Matapos naming samahan si kuya Mike ngayon sa ospital, umuwi din kami. We need to take a rest lalo na at kasama pa namin si Richmond na isang taong gulang pa lamang.
YOU ARE READING
Ti Amo Dal 2015(I Love You Since 2015)
General FictionThe One That God Allowed Book 2. Wherein Richard & Nicomaine Dei, together with their children Charmaine Natalie & Richmond Nathaniel starts a new life as a family. Book 1: The One That God Allowed (Completed) Book 3: I.T.A.L.Y(I Trust And Love Yo...