Nicomaine Dei's POV
Nag uusap kami ngayon ni Richard. "Tans, bakit mo naman sinabi yon?" Tanong ko sa kanya. "Alin? Na susunod na tayong bubuo? Ayaw mo pa ba?" Sabi niya. "One year old pa lang si Richmond gusto mo nang sundan kaagad?" Sabi ko. "Pwede naman, tans kung gusto mo." Sabi niya. "Ay. Wag muna ngayon. May ipopost lang ako saglit." Sabi ko.Okay na sana e, kaso lang may biglang umepal. Kaya sinagot ko. Buti na lang nandito si Richard. Nakita nya yung comment ni Ate Coleen kaya agad din siyang sumingit.
Ang ending bago pa siya makasagot, naglambingan muna kami sa comment section hanggang sa napunta na kami sa usapang paggawa (ng bata, LOL)
Matapos kaming "maglambingan" kunno e pinuntahan namin si charm. "Charmaine, where are you?" Tawag ko sa kanya. "In my room mom!" Sagot niya. Agad namin siyang pinuntahan.
"Hi, mom, hi dad!' Bati sa amin ni charm. "Anak, anong ginagawa mo?" Tanong ko. "Ah, ma, nakikipaglaro ako kay Nathan. Kaso, ayan siya. Knockout." Sagot niya. Bigla akong kinabahan. "What?! Anong nangyari sa kapatid mo?! Nathaaaaaan!" Sigaw ko. Mangiyak- ngiyak na ako ngayon sa kaba. "Mommy, relax. Nathan is just..." Bago pa matapos ni Charm ang sasabihin niya, nagsalita na ako. "Tans, we need to rush him to the hospital right now." Saad ko. "Tans, kumalma ka muna, kumalma ka, okay?" Sabi sa akin ni Richard. "Paano naman ako kakalma, aber?! Hoy, yung anak natin. Tingnan mo nga. Yan. Walang malay tapos sasabihin mo sa aking "kumalma ka."? Hello? Okay ka lang?" Sabi ko. "Teka nga muna kasi. Mom, natutulog lang yan si Richmond. Check his heartbeat dali." Sabi ni Charm. Hinawakan ko ang kamay ni Richmond malapit sa pulso nito. May heartbeat nga. Nakahinga ako nang maluwag. Bigla namang umiyak si Richmond. "Mi- mi." Sambit niya sabay hawak sa kamay ko. Nilibot niya ang kanyang paningin. "Da- da." Sabi niya sabay tingin kay Richard. Matapos yaon ay tumingin siya sa kanyang kapatid at sinambit ang mga katagang, "a- te." Bumangon siya para lapitan si Charm at agad niyang niyakap ito. "A-te?" Sabi ni Richmond at bigla siyang niyakap pabalik ng kanyang kapatid. Naiyak si Charmaine habang akap akap niya ang kanyang nakababatang kapatid. Kumalas si Richmond sa yakap nito kay Charmaine at pinagmasdan ang kanyang mga mata. Pinunasan ni Richmond ang namumuong likido sa mga mata ng kanyang ate. He hugged his sister once again. Habang pinagmamasdan namin sila, nangiti kaming mag- asawa. They're so sweet. Ang ganda nilang pagmasdan habang magkayakap. We were never that sweet to our siblings before. Nakakatuwang isipin na sobrang close nilang magkapatid.
YOU ARE READING
Ti Amo Dal 2015(I Love You Since 2015)
Ficción GeneralThe One That God Allowed Book 2. Wherein Richard & Nicomaine Dei, together with their children Charmaine Natalie & Richmond Nathaniel starts a new life as a family. Book 1: The One That God Allowed (Completed) Book 3: I.T.A.L.Y(I Trust And Love Yo...