CHAPTER 11

80 6 3
                                    

Sarah Cassandra's POV
Ilang linggo nang masama ang pakiramdam ko. Siyempre dala na rin to ng pagbubuntis ko. Kinausap ako ni Mia.

"Mom, what do you want to eat?" Tanong niya. "Anak, wala namang gustong kainin si mommy. Masama lang ang pakiramdam ko anak. Mabuti pa, doon ka kay Athena, maglaro kayong dalawa ng kapatid mo, ha. Okay lang si mommy, okay? Sige na anak. Go to your baby sister." Sabi ko. "Mom, wait for me. May kukunin lang ako para magsmile ka na." Sabi niya. Agad kinuha ni Samantha ang larawan ng kanyang ama't ina noong sila'y magkasintahan pa lamang.

 Agad kinuha ni Samantha ang larawan ng kanyang ama't ina noong sila'y magkasintahan pa lamang

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ma, naaalala mo pa ba kung kailan kinunan ang larawang ito?" Tanong ni Sam. "Well, honestly I don't remember it anymore. Saan mo naman nakalkal yan, aber?" Tanong ko. "Sa mahiwagang baul ma. Di ba may pinagtataguan kayong kahon ni daddy sa kwarto niyo? Nahirapan akong magkalkal. Haha." Sagot ni Mia. "Aba, Mia, kailan ka pa natutong mangialam ng mga gamit namin ng daddy mo?" Tanong ko. "Ma, ngayon lang. Naisip ko kasi, why not? Kung yun ang makakapagpangiti sayo, di ba? Kitang kita ko naman yung ngiti sa labi mo. Kasabay ng pagkislap nga tala sa iyong mga mata. Maaaring nakangiti ka sa iyong paglabas ngunit nitong mga nakaraang araw, alam kong malungkot ka. Alam kong mayroon kang dinaramdam." Sabi niya. Nasa trabaho ngayon si Lucas kaya hindi ko masabi sa kanya Ang lahat ng nararamdaman ko. Di nagtagal ay dumating na rin siya.

"Love, nag- file na pala ako ng LOA para matutukan ko ang pagbubuntis mo." Sabi niya sa akin saka niya ako hinalikan sa noo. "Love, ang aga mo namang magfile ng leave  of absence. Matagal pa naman bago ako manganak. Dapat hindi ka muna nag file ng LOA." Sabi ko. "Bubba, I wanna be with you during your pregnancy. Gusto kong matutukan ang pagbubuntis mo. Kahit ito man lang ang maitulong ko sayo. Ibigay mo na sa akin to. Please." Pakiusap niya. "Well, you have a point. Baka nga bigla akong mapaanak tapos wala ka kapag kinailangan na akong maisugod sa ospital. Halika na, love. Kain na tayo ng lunch." Aya ko sa kanya. "Do you have any cravings?" Tanong niya. "So far, wala naman. Wait, tawagin ko lang sina Sam and Aphrodite." Paalam ko sa kanya. Tatayo na sana ako pero bigla niya akong pinigilan. "Let me do it for you, wait for us here." Sabi niya. "Sammie, Thena, let's have lunch na mga anak, halina kayo dito." Tawag ko sa dalawa naming anak. "Yes dad!" Sigaw ni Samantha. Makalipas ang dalawang minuto, narito na rin sila sa hapagkainan.

"Dad, are you still going back to work later?" Tanong ni Samantha. "Ah, no anak. Nakaleave na si daddy. And I'll be here hanggang sa manganak ang mommy niyo." Sabi ni Lucas. "Kain na tayo, gutom na ako." Sabi ko. "Okay, bawal gutumin ang buntis. Tara na, kain na us." Sabi ni Lucas. "Sam, mamaya, I want you to join me in the kitchen, ha?" Sabi ko. "What are we going to do, mom?" Tanong niya. "Let's bake. Namimiss ko nang mag- bake nang may kasama. Ang daddy mo naman, busy so hindi ko siya maaya. Tapos ikaw, you're attending school. So wala akong kausap. Usually I bake when I'm bored so will you please join me? Para naman hindi ako maboring habang nagbe- bake. Kapag may kausap ako, mas masaya ako. Baka mas madami rin akong ma- bake kapag." Saad ko. "Okay mom. Tapos pa- order na rin tayo after. With shipping ana delivery. Game?" Biro niya. "Negosyante ka ghourl? Pero alam mo anak, pwede nga nating gawin yon tapos yung kikitain or mapagbebentahan natin, you can use it as an allowance or—"

"Use it for your hospital bills when you give birth to our little angel." Singit niya. "Ha? Pero—"  Sasagot na sana ako pero nagsalita na si Lucas. "Our daughter is right. Iniisip niya lang ang kapakanan niyo ni baby. She's really an ate material. Aphrodite and Sebastian will be so lucky to have her as their ate." Sabi ni Lucas. "Ay iba. Wala pang gender pero may pangalan na. What if babae ulit?" Tanong ko. "E di pangalanan nating Lucia Scarlett. Meron at meron pa rin akong maiisip na pangalan. Wag kang mag- alala binibini, hindi tayo mauubusan." Sabi niya. "Aba, sa paraan ng pagkakasabi mo gusto mo pa yatang dagdagan yung tatlong anak natin, ah. Pangatlo na nga tong pinagbubuntis ko tapos balak mo pa tong sundan? Aba matindi." Sabi ko sa kanya. "Ma, pakiramdam ko lalaki na yan. Kasi wala pang nagmamana ng kagwapuhan ni dad baka ngayong pangatlong beses mo nang magbuntis e mayroon na. Puro ganda sipag, galing, husay at talino mo lang ang namamana namin e. Baka this time, kay daddy naman magmana si bunso. At tsaka para rin meron kaming tagapagtanggol ni Thena pag may mang- aaway sa amin, di ba?" Sabi ni Mia. May punto nga naman siya. Sana nga lalaki ang ipinagbubuntis ko nang sa gayon ay may magtuloy ng lahing Guidicelli after Paolo. Paolo is Lucas' baby brother. And he has a sister named Daniella. They're three and Lucas is the eldest. You see, they're half italian so may lahi ding italyano ang mga anak namin ni Lucas. No wonder magaganda sila. Kumakain na kami ngayon at mamaya ay magbe- bake na kami ni Sammiebear.

Ti Amo Dal 2015(I Love You Since 2015)Where stories live. Discover now