Vincent's POV
Kagabi pa ako nakikinig sa kantang pagtingin na ni kuya Kyle Echarri. I don't know but most people says that I look like him."Mom, pinaglihi mo ba ako noon kay kuya Kyle?" Tanong ko kay mommy. "Kyle? You mean, Kyle Echarri? Yung sa Gold squad?" Tanong niya. Tumango ako. "Yeah. I used to watch his videos with her love team Francine kaya siguro kamukhang kamukha mo siya and akala pa ng maraming tao, ikaw si Kyle." Sabi ni mommy. "Well, ma, na- LSS ako sa kanta niyang Pagtingin na." Sabi ko. "Ah yan? Kanta nya yata yan para kay Francine. Kasi noong mga teenagers pa kami, madalas niya yang kantahin sa mga mall tours dati. Hanggang sa naging themesong na naming mga KyCine fans yan para sa kanilang dalawa tapos alam mo ba, noong una pa lang, kinikilig na talaga kami sa kanilang dalawa. Umasa pa nga kaming mga fans na silang dalawa ang magkakatuluyan." Kwento ni mommy sa akin. Ramdam ko ang kilig habang nagkukwento siya. "Ma, di ba yung panganay na anak ni tito Richard at tita Nicomaine Dei e kamukha ni miss Francine? Paano kung ligawan ko siya ma?" Pabiro kong sabi kay mommy. "Si Charmaine? Oo nga nakikita ko nga rin sa kanya si Francine. Alam mo pwede naman. Basta make sure na handa ka. Kasi hindi basta basta ang pagpasok sa ganyang bagay dapat pinag- iisipang maigi yan. Kapag ginawa mo yan, make sure na handa kang ipaglaban yung pagmamahal mo sa kanya. Mag- iingat ka kasi kaibigan namin ng daddy mo ang mga magulang niya. Kung liligawan mo si Charm, dapat magpaalam ka nang maayos. Pero alam mo, isantabi mo muna yang mga ganyang bagay kasi bata pa kayo." Sabi ni mommy. Tama nga siya baka nga infatuation lang tong nararamdaman ko. We're only 14. Napakabata pa namin para pumasok sa isang relationship.
"Dad, okay lang ba sa'yo kung manligaw ako?" Tanong kay daddy. "At your age? Well, honestly not. Kasi you're too young. Fourteen? E halos nag- uumpisa pa lang ang puberty stage mo. Sino bang liligawan mo? Wag mong sabihing yung panganay na anak ng tito Richard at tita Nicomaine Dei mo." Sabi ni dad. Hindi ako nakasagot kaagad. "Mm, ano? Tama ako, di ba?" Sabi pa niya. "Dad paano niyo po nalaman?" Tanong ko. "Jusko unang una, ramdam ko nang may pagtingin ka na kay Natalie noon pa. Crush mo nga yata yung batang yon e. And look, hindi nga ako nagkamali." Sabi niya. "So, aamin ka na ba sa kanya?" Tanong ni mommy. "Not yet ma. Masyado pang maaga. Tsaka baka madisappoint lang ako." Sabi ko. "Kuya, kapag umamin ka kay ate Charm, sama ako, ha?" Sabi ni Vivian. Vivian is my six year- old youngest and only sister. "Bakit? Makikipaglaro ka kay Nicollo?" Tanong ko. "Hindi. Gusto ko lang namang sumama. Masama ba kuya? O ayaw mo akong isama kasi alam mong ibubuking ko yung mga secrets mo kay ate Charm? Yieeee!" Pang- aasar ni Vivian. "Hoy Marielle tigilan mo ako, ah." Suway ko sa kanya. "Bakit ba kuya? Masyado ka bang in love kay ate Charm? Yieeee. I'm so honest!" Sabi niya. "Honest, honest kaya ka nasasaktan kasi masyado kang honest." Sabi ko. "Kuya Vincent ko humuhugot na. May pinagdadaanan ka ba kuya? Willing naman akong makinig sa mga kwento mong paulit ulit lang." Sabi niya. "E bakit ikaw? May hugot ka din?" Tanong ko. "Hoy kayong dalawang magkapatid tama na yang asaran. Kumain na kayo." Sabi ni daddy. Bigla kaming natahimik.
Pumasok na kami sa school after naming mag- breakfast.
"O ikaw, mag- aral ka nang mabuti ngayon, ha? Kasi mamaya kapag may star ka, bibilhan kita ng ice cream." Bilin ko kay Vivian. "E kuya, baka pagalitan tayo nina mommy at daddy." Sabi niya. Naalala ko, pinagbabawalan nga pala siyang kumain ng ice cream nina daddy at mommy. Baka daw sumakit yung ngipin niya. "Hindi sila magagalit, ako nang bahala. Sasabihin kong ginalingan mo sa school kaya kita binigyan ng ice cream." Sabi ko sa kanya.
Pagpasok ni Vivian sa kotse, ikinuwento niya sa akin ang mga nangyari sa klase nila. Binigyan daw siya ng kanilang guro ng tatlong stars dahil sa husay na ipinamalas niya sa pagguhit ng kaniyang dream house.
"Ang husay mo naman. Dahil jan, bibili tayo ng sorbetes gaya ng sinabi ko sayo kanina." Sabi ko sa kanya.
Sabay naming kinain ang dalawang sorbetes bago umuwi.
Pagdating namin sa bahay, nakasuot si Vivian ng jogging pants at shirt. Binihisan ko siya dahil natapunan ng chocolate ice cream yung uniform niya. Nagulat naman si mommy nang makita niyang hindi naka uniform na umuwi ang kapatid ko.
"Vincent, bakit hindi naka- uniform ang kapatid mo?" Tanong ni mommy sa akin. "E mommy, binihisan ko siya kasi kumain kami ng ice cream kanina tapos natapunan siya. So binihisan ko siya ng damit." Sabi ko. "Anak naman. Di ba sabi ko sayo bawal kumain ng ice cream ang kapatid mo. Baka masira yung ngipin niya. Did you brush her teeth after eating the ice cream?" Sabi ni mommy. "Yes ma, alam niyo po ang saya ni Vivian kanina. Kaya ko lang naman siya pinakain ng ice cream is to give her reward for her hardwork. Ma, nabigyan po siya ng tatlong stars ng teacher nila." Paliwanag ko. "Mommy sorry po. We ate ice cream. Kuya gave it to me as a reward. We promise this won't happen again. Sorry po. Sorry kuya. Napagsabihan ka dahil sa akin." Singit ni Vivian. "No Viv. Its okay. Si kuya naman ang nag- insist na bigyan ka ng ice cream if you do good in school today. Don't blame yourself. Okay lang." Sabi ko. "O siya, very good naman pala si baby Elle. Sige next time, chocolate naman ang ibibigay namin ni daddy kapag mas ginalingan mo pa. Okay? And Vincent, sorry kung napagsabihan kita. Akala ko kasi si Vivian ang nagpumilit na kumain kayo ng ice cream. O siya, magbihis na kayo sa taas at kakain na tayo." Sabi ni mommy.
Habang kumakain kami ng hapunan, kinumusta nina daddy ang pag- aaral ko.
"O Vince, kumusta naman ang pag- aaral mo?" Tanong ni daddy. "Ah, dad, next week po, may awarding po kami. I am top three." Sabi ko. "O, ang galing. May dapat pala tayong i- celebrate." Sabi ni daddy. "Sinong top one?" Sabi ni mommy. "Its Natalie mom." Sabi ko. "O, matalino talaga ang batang yon. Sino Ang top two?" Tanong ni daddy. "Si Mia po. Tapos ako tapos si Cameron." Sabi ko sa kanila. "O kayong apat pala ang nasa top. Nakakaproud naman." Sabi ni mommy. "So, how and when are we gonna celebrate?" Tanong ni dad. "Bukas, tutal weekend naman dumiretso kayo sa shop after lunch. Kayong lahat, ah. Sasabihan ko na rin sila Maine." Sabi ni mommy. Agad naman kaming sumang- ayon.
Mariella's POV
Nandito na ngayon sina Marco, Vincent at Vivian kasama ang iba pang mga barkada namin at ang kani- kanilang mga anak. And I invited them para mai- celebrate namin ang pagiging top four nina Charmaine, Mia, Vincent at Cameron."O so we have so much to celebrate and to be thankful for quadruple celebration to. Good job sa inyong apat na mga binata't dalaga." Sabi ni Maine. "Thanks ma." Sabi ni Charm. Nagpasalamat rin sina Mia, Cameron at Vincent. Agad naming sinimulan Ang pagpapasalamat sa pamamagitan ng isang panalangin at pagkatapos ay agad kaming nagsalu- salo.
.
YOU ARE READING
Ti Amo Dal 2015(I Love You Since 2015)
General FictionThe One That God Allowed Book 2. Wherein Richard & Nicomaine Dei, together with their children Charmaine Natalie & Richmond Nathaniel starts a new life as a family. Book 1: The One That God Allowed (Completed) Book 3: I.T.A.L.Y(I Trust And Love Yo...