CHAPTER11; ANOTHER KISS

34 2 0
                                    

Pagkatapos akong imake-over ni Trish at Dianne nagpunta na ko sa Hacienda. Naabutan ko si Sir Andrew na tinutulungang mag ani ng mangga ang mga trabahador.

"Ang ganda mo ngayon Manda." Bati ng isa sa mga trabahador doon.

Nakita kong ngumiti si Sir Andrew, yung ngiti na nakakakilig. GRABEH !

Lumapit kaagad ako sa kanya at iniabot ang basket na dala ko.

"Sir, pagkain nyo po. Pinadala ni Manang Doring tama na po muna yan at magtanghalian na muna kayo." Sabi ko sa kanya na di parin inaalis ang mga ngiti sa labi.

"Thankyou. Tama sila maganda ka talaga pag naaayusan." Sagot nya sakin.

"Bakit Sir, panget po ba ko pag simpleng pang probinsyana ang suot ko?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi naman. Actually kahit anung suot mo maganda ka. Mas bagay lang talaga sayo yung mga ganyang porma."

"Thankyou Sir, At tsaka thankyou din sa mga pinabili nyo para sakin. Ibawas nyo nalang sa sweldo ko ha?" Sagot ko sa kanya habang pinipigil ko yung pagkakilig ko. HAHA ;-)

"Wala yun. Tara sabayan mo na ko kumain. Mukang madaming niluto si Manang e." Pag aya nya sakin.

Tumungo na sya sa kubo para kumain. Sumunod naman ako na kinikilig padin. HAHA ! LANDEE ;-)

Pagkatapos naming kumain at mamahinga. Niyaya ako ni Sir Andrew na maglibot sa Hacienda.

Malayo layo na din ang narating namin. Medyo pagod na ko pero si Sir Andrew mukang excited sa paglakad.

"Manda, bilisan mo. May ipapakita ako sayo. DALI ! "

"Ayan na po Sir."

Nagulat ako sa nakita ko, nakarating kami sa isang ilog. Malinis na ilog. My duyan sa puno ng mangga. Nabaliwala lahat ng pagod ko nung makarating kami doon dahil sa ganda ng tanawin at sariwang hangin.

"Pano nyo nalaman tong lugar na to Sir?" Pagtatanong ko.

"Eh kasi maaga kong pumunta dito kanina walang pang mga trabahador kaya naglakad lakad muna ko. Tapos nakarinig ako ng agos ng tubig. Akala ko imagination ko lang, hinanap ko hanggang sa nakarating ako dito." Sagot nya sakin habang nakangiti.

"Ang ganda dito. Matagal na ko dito pero ngaun ko lang narating ang parteng to ng Hacienda. Grabeh parang paraiso." Paghanga ko sa lugar.

Umupo ako duyan at nagmasid sa paligid. Si Sir Andrew naman bumaba sa ilog at naligo. Manipis lang suot nya kaya kitang kita ang korte ng maganda nyang katawan. GRABE ! GANDA NG TANAWIN DIBA? HAHA ;-)

Di ko na malayan sarili ko na pababa na din ng ilog. Naramdaman ko nalang na medyo basa na yung suot kong pants.

"Akala ko di mo ko sasamahan maligo dito. Ang sarap pa naman iingitin pa sana kita mamaya kaso maliligo ka din pala."

"Ang HOT mo kasi Sir." Pabulong kong sabi. HAHA ;-) MANYAK !

"Ano?" Tanong nya.

"WALA! Sabi ko po ang init kasi kaya masarap maligo. HEHE ;-) "

Nagbasaan kami ng nagbasaan sa ilog na parang mga bata. Hanggang sa nagkadikit kaming dalawa. Hinawakan nya ko sa bewang nagkalapit kami malapit na malapit. Nagkatitigan at nagulat nalang ako ng bigla nya kong halikan sa pisngi. Tapos binulungan nya ko.

"Secret place lang natin to ha? This is our paradise. Our own paradise."

Pagkatapos nyang sabihin yun ay hinalikan nya ko sa labi. Halik na parang nagpabago sa paligid namin.

Napahawak nalang ako sa kamay nya at tumugon din sa mga halik nya.

WALK WITH YOU FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon