CHAPTER9; AWKWARD

26 0 0
                                    

Pagdating namin sa Hacienda sinalubong agad kami ni Tatang.

"Magandang tanghali Sir, kamusta po kayo?" Tanong ni Tatang.

"Ayos naman po ako. Nasaan po ang mga trabahador? May dala po kaming mga pagkain sabay sabay na po tayong magtanghalian." Sabi ni Andrew.

"Ah sige po Sir, tatawagin ko po sila at nang makakain na po." Sagot ng Tatang.

Pagkatapos kong ayusin ang mga pagkaing dala namin. Kinausap ko ang mga bata na kantahan namin ng BIRTHDAY SONG si Sir Andrew.

Bago kumain ay sinenyasan ko na ang mga bata na kumanta.

Happy Birthday to you . .

Happy Birthday to you . .

Happy Birthday . .

Happy Birthday . .

Happy Birthday to you . .

"Salamat mga bata nag abala pa talaga kayong kumanta. Sige kumain na tayo."

Nakita ko yung mga ngiti sa mukang ni Sir Andrew. Yung ngiti ng sobrang sayang tao. Kahit di nya sabihin alam ko at ramdam ko na masaya sya. Pagkatapos kumain ay pinamigay na namin yung mga pinamili namin kanina. Siya ung namigay ng mga laruan sa mga bata. Tuwang tuwa naman ang mga ito.

"Sir Andrew ang bait nyo po. Bagay po kayo ni Ate Manda pareho kayong mabait." Sabi ng isang bata.

"Oo nga po, pareho pa po kayong gwapo at maganda kaya bagay po talaga kayo." Sabat naman ng isa pang bata.

"Naku, kayo talaga sige maglaro na kayo. Baka gusto ni Sir Andrew magpahinga." Sabi ko sa mga bata.

Nagpaalam na ang mga trabahador pati ang mga bata kaya kaming dalawa nalang ang naiwan sa kubo.

"Magkwento ka naman?" Sabi ni Sir Andrew. Nagulat ako.

"AKO? Ano naman pong ikukwento ko sa inyo Sir?" Sagot ko naman.

"Kahit ano, tungkol sa yo. LOVELIFE?"

"HAHAHA ;-) " Natawa ko bigla.

"O, bat natawa ka? Nakakatawa ba ung sinabi ko?"

"Di naman Sir. Nakakatawa lang kasi interesado kayo sa buhay ko." Pang aasar ko. Bigla nalang syang namula.

"HAY NAKO. WAG NA NGA LANG!"

"Grabe naman Sir ang bilis mo magtampo." Bahagya ko syang kiniliti. Pinigilan nya yung kamay ko at hinila nya ito kaya nagkadikit ang pisngi namin. Malapit na malapit yung ramdam na ramdam ko yung paghinga nya. AWKWARD :-X

"Ammp. Sorry! " Nailang nyang sabi.

"SORRY din po Sir. Pero kung gusto nyo talagang malaman boring ang buhay ko. " Pabulong kong sabi.

"Bakit boring?" Tanong nya.

"E wala naman po kasi akong lovelife? Wala akong time at mukang wala namang magkakagusto sakin."

"Ang cheap mo kasi pumorma e. HAHA ;-)" Pagyayabang nya.

"Ang yabang mo talaga. Akala ko pa naman bumait kana. Mali pala ko." Naiiyak kong sabi.

"Ano ka ba binibiro lang kita. Wag ka ngang umiyak dyan para kang bata."

Bigla nalang tumulo ang luha ko. Ewan ko ba kung bakit naiinis ako sa sinabi nya.

"Ano ka ba? Wag ka ngang umiyak para kang bata e."

"Nakakainis ka kasi ang yabang mo." Hinampas hampas ko sya sa balikat gamit ang kamay ko habang naiyak padin. Hinawakan nya ko at bigla nalang hinalikan. Nagulat ako. After that kiss ngumiti sya sakin at hinalikan ako sa noo.

"SORRY."

Then he smirked at me tapos iniwan nya ko sa loob ng kubo. Nagulat ako sa ginawa nya at gusto ko syang tanungin kung bat nya ginawa yun pero tala wala akong lakas ng loob.

WALK WITH YOU FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon