CHAPTER12; I THINK I LOVE YOU

14 0 0
                                    

Andrew's POV

4am gising na ko. Medyo puyat pa di kasi ko masyadong nakatulog. Iniisip ko kasi yung nangyari kahapon samin ni Manda sa Hacienda. I know its just a kiss. Pero parang may special sa kiss na yun. Althought I kiss a lot of girls I used to play before, but yung kahapon kakaiba talaga. Well, sana lang di nagalit sakin si Manda.

Since hindi na ko makatulog, nagdecide nalang ako na bumababa na pumunta sa kusina para magkape.

Nakita ko si Manang Doring kaya nagpatimpla na ko sa kanya.

"Manang si Manda po ba gising na?" Tanong ko habang ginagawa ni Manang yung kape ko.

"Ay naku Sir, si Manda po pinuntahan yung Tatang nya. Sinundo po kasi ng trabador dito sinugod daw po sa ospital yung Tatang nya." Sagot ni Mang pagkaabot sakin ng kape.

Sa mga narinig ko nag alala kagad ako. Di ko na naubos ung kape ko at agad akong nagtatakbo sa kwarto. Naligo kagad ako at nagbihis. Pupuntahan ko si Manda sa ospital.

"Manang, paki sabi po kina Mike di ko na po sila masasamahang lumuwas ng Manila. Pupuntahan ko po si Manda at ang tatay nya sa ospital." Pagmamadali kong bilin kay Manang.

"Sige po Sir. Ingat po kayo."

Umalis na kaagad ako at tumungo na sa ospital. Pagdating ko dun nakita kaagad ako ng isa sa mga trabahador namin na nakaupo sa waiting area.

"Sir, goodmorning po. Nasa loob po si Manda at ang Tatang nya." Bati nito sa akin.

"GoodMorning din po. Kamusta na po si Mang Lucio?" Pagtatanong ko.

"Maayos na po siya Sir. Pasok po kayo Sir." Sagot nito saakin.

Pumasok na nga ako sa kwarto kung nasaan si Mang Lucio at si Manda.

"Sir, kayo po pala? Pano nyo po nalaman?" Pagtataka nyang tanong.

"Sinabi sakin ni Manang. Kamusta na si Mang Lucio?" Tanong ko.

"Maayos na sya Sir. Napagod lang po siguro masyado kaya sinumpong ng hika. Matanda na din po kasi e."

"Nag-alala kasi ako kaya nagmadali ako sa pagpunta dito." Sabi ko sa kanya.

"Thank you Sir. Di na po ako nakapagpaalam medyo gabi na po kasi nung umalis ako." Sagot nya.

"Ayos lang. Pero sa susunod pag may emergency magsabi ka sakin ha?"

"Masyado naman kayong concern Sir.Di ako sanay. HAHA ;-) Nasaan na yung mayabang at mapang asar na Sir Andrew?." Tanong nya.

"Ako mayabang? Ganun ba talaga tinggin mo sakin. Mabait naman ako diba?" Sagot na may malungkot na boses.

"Kayo naman masyado kayong apektado. Kumain muna po tayo baka po di pa kayo nagbbreakfast."

"Asge tara labas muna tayo para makakain. Gutom na din ako e."

SA ISANG RESTAURANT MALAPIT SA OSPITAL ...

"Sir, sana sa carenderia nalang tayo kumain. Parang mahal dito e. Wala pa naman akong budget."

"Ano ka ba ako na bahala. Basta kumain ka lang okay?"

Pagkabigay ng order samin kumain kami kaagad. Ewan ko kung napapansin ni Manda nakatitig ako sa kanya. Ang simple lang kasi ng dating nya. Parang anghel grabe.

"Sir, may dumi ba ko sa muka?" Tanong nya sakin. Nahalata nya pala ko.

"Ah. Eh wala! Ngaun lang kasi kita natitigan ng malapitan."

"Yung nangyari nga pala kahapon Sir,ano pong ibig sabihin nun? Bakit nyo po ginawa yun?"

"Hah,.. galit ka ba sakin? So-sorry. Sorry talaga. Anu kasi e, nadala lang talaga ko."

"Kalma lang Sir. Di naman ako galit medyo nabigla lang po. Kasi naman po first time ko ..."

"First time? As in first kiss mo yung kahapon?" Napabigla kong sabi kaya napatingin samin yung mga taong nasa kabilang table.

"Ahmm. Oo! Nung nakaraang araw din po hinalikan nyo ko. Kayo Sir ha nakakarami na kayo. Di ko akalain na sa ganun ko maeexperience yung first ko. Eh kung gugustuhin ko sana para sa taong mamahalin ko at mahal ako yung first kiss."

"Pwede ako nalang yung taong yun?"

"Ha Sir, pe-pero baka po nabibigla lang kayo. Ano po bang iniisip nyo?"

"AMANDA, I think Iloveyou. Di ako showy na tao. And honestly di ako marunong manligaw. Marami na kong dinate na babae pero wala pa kong nakilalang katulad mo. That kiss, that's make me insane."

"Pero Sir, parang ambilis naman po."

"Don't worry di mo naman kaylangang sumagot ngayon e. Makakapag antay naman ako. And I'm willing to show that my intention is good."

"Asge po. Balik na po muna tayo kay Tatang."

"Ok."

Bumalik na ulit kami sa ospital. Intense masiado yung conversation namin kanina dba? Wala e. Ayoko namang pakawalan pa. Gusto ko talaga sya e. Sana lang ganun din sya sakin.

WALK WITH YOU FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon