CHAPTER17; FEELING IRRITATED

14 0 0
                                    

Yung feeling na apat kayong magkakasama sa kotse tapos silang tatlo lang nag uusap. Ako di makarelate. TSK! Ang nakakainis pa si Andrew yung pinag uusapan nila. HELL-O BF ko kaya yung topic nyo.

6pm na kmi nakarating ng bahay medyo traffic kasi. Pagdating dun hinanap kagad ni Cloe si Andrew nakita nyang nakaupo ito sa sofa habang nagsosound trip.

Lumapit kaagad ito at niyakap si Andrew.

"Imissyou Andrew." Sabi nya kay Andrew.

"Ah.. Eh! Bat di ka man lang nagpasabi na ngayon ang dating mo?" Sabi sa kanya ni Andrew.

"Gusto kasi kitang isurprise kaya kina Dianne at Trish nalang ako nagpasundo."

Di ko na kinakaya yung eksena sa sala. Kaya dahan dahan na ko umakyat ng hagdan para pumasok ng kwarto.

"Bhabe." Tawag sakin ni Andrew. Lumingon naman ako at tinitigan lang sya.

"San ka pupunta? Ayaw mo ba makilala bestfriend ko?" Tanong nya sa akin.

"Actually nakilala ko na sya kanina. Magkakasama kami sa mall e." Sabat ni Cloe na mukang gusto talagang masolo si Andrew.

"Ah oo na meet ko na sya kanina. Magpapahinga na ko medyo masama kasi pakiramdam ko e." Pagpapaalam ko.

Nagmamadali na kong pumasok ng kwarto. Nagdahilan nalang ako na masama pakiramdam ko. NAIIRITA kasi ako. EWAN KO -,- pakiramdam ko aagawin nya sakin si Andrew.

WALK WITH YOU FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon