CHAPTER4; GUEST WHO?

27 0 0
                                    

-________-

Di parin ako makapaniwala sa mga narinig ko kagabi. May apo si Don Franco. Di ko man lang nakilala kasi di ko kasi nakitang lumabas ng study room yung APO nya. Ewan dun siguro natulog. Pagkapainum ko kasi kay Don Franco ng gamot ay sinabihan nyang matulog na daw ako dahil kaylangan daw maaga ko magising bukas. Kaya sumunod naman ako. Mabait kasi ako e, HAHA!

5 am gising na ko. Di ko alam kung gaano kaaga ba dapat ako gumising pero alam ko tama lang ang gising ko dahil mga 6am na lumalabas ang Don ng kwarto nya kahit pa maaga ito nagigising.

Tumulong ako sa paghahanda ng almusal sa kusina. Yung mga ibang maids kasi ay abala padin sa pag aayos ng mga kagamitan na ginamit sa party kagabi. Pagkatapos magluto ni Manang ay inilabas ko na ang mga pagkain sa mesa. Nagulat ako ng makita ko GUEST WHO? siya -yung mayabang !

"Anong..? Ginagawa mo d-dito?" Gulat kong sabi. Wag nyang sabihing ..

"Hey, miss cheap bakit parang nakakita ka ng multo?" Nakangisi nyang sabi.

Tumingin ako kay Don Franco at nakangiti sya na para bang nang aasar.

"Manda, sya si ANDREW VILLEGAS.APO ko siya." Pahayag ng Don

"VILLEGAS?..APO?" Pagtataka kong tanong.

"You heard it clear miss cheap. HAHA ! "

"Ijo, sya si Amanda. Katiwala ko sya dito sa mansyon at alam nya lahat ng mga pasikot sikot dito sa hacienda natin. Gusto kong pakitunguhan mo sya ng maayos dahil sya ang makakatulong mo sa pamamahala ng mga negosyo natin dito pag umalis na ko."

"Ok lolo. Its not a big deal, ewan ko nalang sa kanya?" Sabay turo niya sa akin.

"Manda, maasahan ko ba yun? Malaki ang tiwala ko sayo at alam ko na di mo ko bibiguin diba?"

"O-opo Don Franco. Makakaasa po kayo. Gagawin ko po lahat at di ko po sisirain ang tiwala nyo."

Sagot ko. Habang di parin makapaniwala sa mga nakikita ko. Akalain nyo mukang makakasama ko pa tong mayabang na to. Bakit pa kasi aalis si Don Franco e. NAKAKALUNGKOT! EWAAAN ?

WALK WITH YOU FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon