CHAPTER5; GETTING TO KNOW HIM

22 0 0
                                    

1week na ang nakalipas ng umalis ang Don Franco. Kasama nyang lumuwas sa Maynila si Andrew. Hinatid sya sa airport at sana di na bumalik yun dito. AY NAKU ! Lahat na kasi ng kayabangan ay nasa kanya. Nasa kalagitnaan palang ako ng pagmumuni muni ko ay narinig kong my bumisinang kotse. HAYST !

Mukang andito na ang hari ng kayabangan.

"Manang, pakidala nalang po ang mga gamit ko sa kwarto. Tsaka paki bigyan narin po ng kwarto ang mga kasama ko."

"Sige po sir ako na po ang bahala."

"Good. Sige guys sundan nyo nalang si Manang. At may hahanapin lang ako. See you around ok?"

Mukang may mga kasama pa sya. Naku, anung tingin nya dito MALL na pwede nilang pasyalan. Alam kaya ito ni Don Franco. Tsk !

"HULI KA!" Ginulat nya ako at muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko sa sobrang gulat.

"Sira ka ba? Bakit ka nanggugulat."

Pagalit kong sabi sa kanya.

"HAHA. Wag ka ngang maarte dyan. Magtrabaho na tayo." Sabi nya sakin.

"Anung trabaho? Pinagsasabi mu dyan?" May sapak yata tong lalaking to e.

"Nakalimutan mo na ba yung bilin sayo ni Lolo? Na tutulungan mo ko sa mga negosyo dito. Kaya halikan na. HAHA!"

"ANUNG HALIKAN?"

"HAHA! Ang dumi ng utak mo sabi ko halika na magtrabaho na tayo."

Tumalikod na sya sakin at sumunod naman ako agad sa kanya. Pumunta sya sa study room at sinundan ko sya.

"Sabi ni lolo, alam mo daw lahat ng mga pasikot sikot dito. Lahat ng trabahor ay kilala mo ha?" Sabi niya sakin.

"Oo, trabahador kasi ang Tatang ko sa hacienda at kapit-bahay namin lahat ang iba pang trabahador. Mababait sila at masisipag." Sagot ko sa kanya.

"Sige magbihis ka at samahan mo ko. Pupunta tayo sa hacienda."

"Sige."

Sandali palang kaming nagkakausap ay parang palagay na ang loob ko sa kanya. Mukang di naman sya talagang mayabang. SANA NGA !

WALK WITH YOU FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon