CHAPTER7; THANKYOU SMILE

18 0 0
                                    

After 15minutes nakarating na kami sa Hacienda. Naabutan naming kumakain ng tanghalian ang mga trabahador doon. Hinanap ko kaagad si Tatang.

"Andito na po tayo Sir."

"San ba magandang pumwesto para makita ko lahat ang tanawin sa Hacienda."

"Dun po sa kubong yon sa ilalim ng punong mangga. Matatanaw nyo po ang lahat mula roon."

"Sige salamat."

Pumunta na doon sa kubo si Sir Andrew at ung mga kaibigan nya. Habang ako pinuntahan ko si Tatang.

"Tang, mano po." Sabi ko kay Tatang.

"Naku, ikaw pala kaawaan ka ng Diyos anak. Napadalaw ka. Wala ka bang trabaho?" Tanong ni Tatang.

"Meron po. Katunayan po e kasama ko po si Sir Andrew nandun sa kubo kasama ng mga kaibigan nya."

"Sir Andrew?" Pagtatanong ni Tatang.

"Apo po ni Don Franco. Siya na po ang humalili sa mga gawain dito sa hacienda. Sa kanya po ipinagbilin at sabi ng Don na tulungan ko sya kaya po sinamahan ko dito." Sagot ko kay Tatang.

"Ganun ba anak."

"Opo Tang, kaya po sana kung maaari ay papuntahin nyo ang mga trabahador sa may kubo ng makilala nila si Sir Andrew. Gusto ko po kasing pareho ang pakikitungo ng mga tao dito kay Sir Andrew sa pakikitungo nila sa Don."

"Magandang ideya nga iyan Anak. Sige at ipaparating ko sa kanila."

"Sige po Tatang, magkita nalang po tayo sa kubo."

Pumunta na ko sa kubo kung nasaan sila Sir Andrew. Mayamaya pa ay sumunod na sila Tatang kasama ang mga trabahador.

"Magandang hapon po, Sir. Ako po si Lucio. Tatay ni Manda. Kasama ko po ang mga trabahador dito gusto po nila kayong makilala."

"MAGANDANG HAPON SIR." Bati nang mga trabahador.

"Magandang hapon din po. Ako po si Andrew Luis Villegas apo po ni Don Franco. Kinagagalak ko po kayong makilala. Hayaan nyo po at kung anung pakikitungo ni Lolo sa inyo ay ganun din po ang gagawin ko."

"Salamat po sir." Sagot ng mga trabahador.

Lumipas ang maghapon at mukang nagustuhan naman ni Sir Andrew ang pamamasyal nya sa Hacienda. Pasado alas sais na ng gabi kami nakauwi ng mansyon. Kumain na sila ng hapunan at nagpahinga na si Sir Andrew at ang mga kaibigan nya.

Pagkatapos ko namang sumabay sa pagkain kina Manang at sa ibang kasambahay ay nagpasya na akong magpahinga. Pupunta na sana ako sa kwarto ng makasalubong ko si Sir Andrew.

"Manda." Tawag nya sakin.

"Sir, bakit po may pag uutos po ba kayo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman. Gusto ko lang magpasalamat sa pagsama mo kanina sakin." Nakangiti nyang sabi.

"Trabaho ko po yun. Tsaka wala pa naman po akong masyadong naituro sa inyo namasyal lang po kayo."

"Oo. Pero salamat padin! Bukas samahan mo ko ha, lalabas tayo."

Pagkatapos nyang sabihin yun umakyat na sya at pumasok na sa kwarto. Pumasok na din ako sa kwarto pagkatapos nun. NAKANGITI SYA SAKIN. ANG GWAPO NYA PALA ;-)

WALK WITH YOU FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon